𝘊𝘏𝘈𝘗𝘛𝘌𝘙 9Brie's POV
Maghapon kong hinanap si Zeus pero hindi ko sya makita.
Pati si Rhy hindi ko maabutan sa dorm namen pati sa klase nya at sa tambayan ng ZSBH.
Bakit kung kelangan kelangan ko ng tulong walang wala ako ngayon.
Sinubukan ko din hanapin si Mitch pero bigo ako.
Napahinto ako sa paghahanap ng nagring ang phone ko.
Its Vin.
"Brie. Where are you? Nakabalik ka na ba sa dorm nyo? I'll pick you up before 7pm ok?" Sabe ni Vin sa kabilang linya.
Sh*t! Napasapo ako sa ulo ko dahil nawala sa isip ko ang dinner with Vin's family.
"Ok. Copy." Sagot ko at binaba na ang telepono ko.
Nagtext ako kay Zeus pero wala pa ding reply.
Hindi din nya sinasagot ang tawag ko.
Kelangan ko na sya makausap. I'll tell everything to Vin mamaya.
..
Andito na kame sa bahay nila.
No wonder mayaman talaga sila. Malaki ang bahay nila. Parang mansion.
"Hi!" Salubong saken ni mama ni Vin sabay beso.
"Hello po tita." Bumeso din ako sa mama ni Vin pati na din sa papa nya.
"Pasok na tayo. The dinner is ready." Sagot ng papa nya.
Hindi naman ako kinakabahan sa family nya.
Kinakabahan ako dahil sasabihin ko na kay Vin lahat mamaya.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan yon.
"Relax. Mabait ang magulang ko Brie." Sabi nya sabay ngiti kaya nirelax ko nalang yung sarili ko.
Bat ang sakit?
Nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na sasaktan ko yung taong may mabuting puso at walang ibang ginawa kundi mahalin ako.
Nagkwentuhan lang kame habang kumakain. Andito pala nakatira si Aby.
Kinabahan ako nung nakita ko sya pero tahimik lang syang kumakain.
"Brie kumain ka ng madame ah? Hindi na ko magtataka bat head over heels sayo ang panganay namen. Maganda ka, sweet at mabait." Puri ng mama ni Vin saken.
"Naku. Thankyou po tita. Masaya din po ako dahil lumaki po si Vin na mabuting tao. Sobrang bait po ng anak nyo." Sabe ko kina tito at tita sabay hinawakan ang kamay ni Vin.
"Mom, hindi ko naman nagustuhan si Brie dahil maganda sya. Plus points nalang yon." Sabe ni Vin na nakatitig saken.
"Nagustuhan ko sya kase may mabuti syang puso." Diretso ang tingin saken ni Vin ng sinabe nya ang mga salitang yan.
There's a butterfly in my stomach.
Malakas din ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil nininerbyos ako. Ano ba tong nararamdaman ko.
Natapos ang dinner namen at nagoffer ako na maghuhugas ako ng plato.
"No. My dear. Wag na. Bisita ka dito ok. Mga maids na gagawa nyan." Sabe ni tita saken
Di ko namalayan na pumunta ng sala si Vin at Tito kaya naiwan kame ki Tita sa kitchen kasama ang isang maid.
"Brie, anak. Nagpapasalamat ako sayo. Kase ng dahil sayo alam kong ok na si Vin. Kung hindi mo kase natatanong matagal ka ng crush ng anak ko. Masaya ko na may nakwento sya samen na babaeng nagugutuhan nya. Akala kase namen ng daddy nya may psychological problem si Vin. He used to be an outcast. Aral at bahay lang sya. Yes. Bestfriend sila ni Aby pero hindi sya ganon ka nakikipaginteract sa ibang tao. At ngayon ikaw ang dahilan bat sya nagihing concern sa ibang tao at maging sa hitsura nya na din. Nung nalaman namen na nag ask ka ng favor sa kanya para itutor sya tuwang tuwa sya. Halos gabi palang nagpeprepare na sya ng damit at nagaayos na din sya ng buhok." Kwento no Tita.
Im happy at the same time malungkot. Masaya ko kase naging reason ako para maggrow si Vin.
Malungkot kase hindi nya ko deserve.
Hindi nya deserve yung katulad kong manloloko.
"Thankyou for telling me that tita." Yakap ko sa mama ni Vin na maiyak iyak.
"Brie. Please. Take care of my Vin ok?" Sabe ni tita na tuluyan ng di nagpatahimik ng konsensya ko.
Andito na kame ni Vin sa tapat ng dorm namen.
Bumaba sya ng kotse at pinagbuksan ako.
"Brie. Thankyou for this day. Thankyou kase pinasaya mo ang parents ko." Sabi ni Vin hawak ang kamay ko.
"You're always welcome Vin. Thankyou din kase happy ako na nakausap ko ang magulang mo. Its my pleasure. Natutuwa ako kase sobrang swerte ko sayo." Sabi ko sa kanya ay malapit na naman ako maiyak.
"Brie, hindi mo alam kung gano ko kasaya kase i have you. Mas maswerte ako kase binigyan mo ko ng chance na iprove yung love ko sayo. Nagbunga yung matagal kong pagkagusto sayo. Alam mo ba since third year highschool tayo, mahal na kita." Saad ni Vin na kinagulat ko.
"Third year? What do you mean? Same school ba tayo nung highschool?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Yes. Masyado kang popular sa school at isa lang akong outcast. Alam ko hindi mo ko mapapansin. At alam ko din na di mo alam na same school tayo nung highschool. First time kong maramdaman ang magmahal Brie. At nagpapasalamat ako sayo. Ikaw yung nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo. Naaalala mo pa ba to?" Seryoso nyang sabe at may nilabas sa bulsa na bracelet.
Its was my bracelet.
Mahilig ako sa bracelet na may naka indicate na name ko.
Yun yung favorite bracelet ko.
"How did you get it?" Tanong ko sa kanya.
"Nalaglag mo yan nung araw na may nambubully saken at hinuhuthutan ako. Nahihiya ko sayo kase babae ka pero ikaw pa yung nagtanggol saken. Naalala mo na tinakot mo sila na tatawag ka ng pulis at ipapaexpelled mo sila sa school dahil close ka sa principal naten non. Sinabe mo din sa kanila na pag ginulo pa nila ulit ako lagot sila sayo." Nahihiya at tawa nyang sabe.
Naalala ko na yon. Overwhelm ang nararamdaman ko ngayon kaya niyakap ko sya at nag uunahan na ang mga luha ko sa pagagos.
Bakit ganito kakumplikado. Hindi ko masabe kay Vin dahil alam kong masaya sya.
Ayokong sirain yung saya na nararamdaman nya.
"Vin, i promise. Gagawin ko lahat para mapasaya ka." Hindi ko alam kung san galing ang mga binitawan kong salita.
...
BINABASA MO ANG
𝕋ℍ𝔼 𝔹𝔼𝕋 📝
Ficțiune adolescenți"𝑩𝒓𝒊𝒆, 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒖𝒔 𝒌𝒏𝒐𝒘𝒔 𝒏𝒂 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒖𝒔 𝒒𝒖𝒆𝒆𝒏. 𝑺𝒐.. 𝒘𝒆 𝒎𝒂𝒅𝒆 𝒂 𝒃𝒆𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒃𝒐𝒚." 𝑻𝒖𝒓𝒐 𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒆𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒌...