𝘊𝘏𝘈𝘗𝘛𝘌𝘙 17Vin's POV
Nagdidinner kame ngayon at nalaman nila mommy at daddy ang tungkol samen ni Aby kaya sinabe agad nila mommy sa magulang ni Aby.
"Uuwe ang parents mo next week dahil natutuwa kame para sa inyo." -mommy.
"Thankyou po tita. Pero masyado naman po ata excited sila mommy." -Aby
"Nako.. ok lang yon dear. At tawagin mo na din akong mommy starting today ok?" - Mommy
"O-ok po mommy."ngiting sabe ni Aby kay mama.
Naiirita ko sa pinaguusapan nila.
Masyadong excited sila mama pati sila tita.
Umakyat ako sa rooftop after ko kumain. Para tingnan yung mga stars.
"Kuya. Bat ka andito?" tanong ni Van bunsong kapatid ko.
"Nothing nagpapahangin lang. Ikaw? bat ka andito?" tanong ko sa kanya.
"Kuya where's ate Brie? bakit hindi mo na sya sinasama dito? tyaka bakit si ate Aby na ang girlfriend mo?" usisa nya.
"Wala. Hiwalay na kame ni Ate Brie mo. Hindi na sya pupunta dito." sabe ko sa kanya
"Babaero ka kuya? kakabreak nyo lang ni Ate Brie eh. Mas gusto ko si Ate Brie na mapangasawa mo. Mas maganda sya at mas mabaet kesa kay Ate Aby." inis nyang sabe saken.
"Bat ayaw mo kay Aby? Mabait naman sya ah. Maganda din naman sya ah. Lalo na ngayon." asar kong sabe sa kanya.
"Mas maganda pa din si Ate Brie. Mas close kame ni Ate Brie. Si Ate Aby di naman nakikipaglaro saken. Pag di mo inasawa si Ate Brie ako nalang. Paglaki ko papakasalan ko sya." sabe nya sabay belat pa saken bago umalis.
"Batang to. Tsk." hahampasin ko sana ng tsinelas pero umalis na.
Napahinto ako ng may magtext saken.
Its Brie.
"PEDE BA TAYO MAGUSAP BUKAS?" text nya.
Naalala ko yung sinabe ni Aby saken nung pagkaalis ni Brie kahapon.
"Kelangan mo syang iwasan para makamove on ka na sa kanya. Ayoko na makitang naguusap kayo. Putulin mo na lahat ng ugnayan na meron kayo. Please?" - Aby.
Blinock ko na ang number ni Brie pati sa mga social media accounts nya ay blinock ko na din sya.
Brie's POV
Tinatawagan ko si Vin pero unattended ang phone nya. Blinock nya din ako sa fb kaya hindi ko sya mamessage.
Araw araw masakit na makita ko sila ni Aby. Na sweet at masaya sa isat isa.
Halatang iniiwasan din ako ni Vin. Pero kada makikita ko sila at titingnan ko sya nahuhuli nya kong nakatingin sa kanya.
One week na ang lumipas pero hindi pa din kame nakakapagusap ni Vin.
Sukong suko na ko. Gusto ko ng huminto. Gusto ko ng tumigil sa paghabol sa kanya. Kase halatang wala na kong pag asa.
Walang araw na hindi ako umiiyak. Ganito ba ang pagmamahal? Bakit lagi akong umiiyak.
"Brie.. What are your plans on Christmas vacation?" tanong ni Rhy dahil pauwe na sya bukas.
"Uuwe din ako before ang Christmas eve. May part time kase ko sa bistro eh. Kaya hindi pa ko makakauwe. Masyadong malayo kung balikan ako." ngiti kong sabe sa kanya.
"Ok. So.. see you next year Brie." sabe ni Rhy na tapos na magimpake.
After new year na kase ang balik nya dito sa dorm. Uuwe sila ng states bukas.
"Ok.. See you. Ingat kayo." sabe ko at umalis na sya.
Aby's POV
"Hey.. what are you doing?" tanong ko kay Vin na napapaadalas ang pagtambay nya dito sa rooftop.
"Nothing." tipid na sagot nya.
"Bukas na ang dating nila mommy at daddy kaya umayos ka ok?" sabe ko na may pagbabanta.
"Oo na." sagot nya.
"Pasok na tayo Vin. Malamok na dito." aya ko sa kanya na hinahatak sya.
"Mauna ka na. May iniisip pa ako." sabe nya sabay tanggal ng pagkakahawak ko sa kanya.
"Ok.. pumasok ka na din ah?" sabe ko pa bago pumasok sa loob.
Nagstay lang ako sa likod ng pinto hindi pa ko bumaba.
Maya maya ay nakita ko syang umiiyak habang tinitingnan ang phone nya.
It was Brie's picture.
Parang dinudurog ang puso ko.
Alam ko na hindi ganun kadali na kalimutan nya si Brie. Pero nasasaktan pa din ako kahit pinipilit ko syang intindihin.
Kinabukasan ay dumating na sila mom and dad. Magiistay sila dito until new year's eve.
"I miss you anak." - mommy sabay halik saken.
"Namiss ko din po kayo ni daddy." sabe ko sabay yakap sa kanilang dalawa.
Halos walang tigil ang usapan ng mga magulang namen.
Excited sila para samen. Nakakatuwa kase hindi na namen kelangan magadjust para sa isat isa dahil family na ang turingan namen lahat.
"So.. Aby and Vin nakapagusap na kame nila Vanessa at after nyo makagraduate ng college ay ipapakasal na namen kayo. By monday magaganap ang engagement party nyo. You can invite your friends." sabe ni mommy na ikinagulat namen parehas ni Vin.
Pero base sa expression ni Vin ay hindi sya natutuwa.
Ako lang ata ang natuwa.
"Ahmm. Tita.. hindi po ba masyado pang maaga para pagusapan yung ganyan?" sabat ni Vin.
"You're both 19yrs old na at nasa tamang edad na kayo. Pagkagraduate nyo pa naman kayo ikakasal." tawa ni mama at tumawa din sila tito at tita.
Tahimik na kumakain si Vin hanggang sa matapos kame.
Pumunta ko sa kwarto nya at nakita kong nanonood sya ng tv.
"Vin? sorry about our parents plans." umpisa ko.
"Wala naman na tayong magagawa eh. Knowing your parents pag ginusto nila kelangan mangyare." hindi sya tumitingin na sumagot saken.
Yeah. Ganon nga ang magulang ko. Pero pag ako ang umayaw sinusunod nila.
Hindi ko din alam kung tama ba ang iniisip ko kay Vin. Na baka ayaw nya magpakasal dahil mahal nya pa din si Brie.
"Vin.. Do you still love Brie?" tanong ko sa kanya na ikinagulat nya.
"Wag mo na ko tanungin nyan dahil ikaw ang girlfriend ko." sagot nya ng di pa din tumitingin saken.
Humiga ako sa tabi nya at niyakap sya kahit pinapaalis nya ko ay wala na syang nagawa.
...

BINABASA MO ANG
𝕋ℍ𝔼 𝔹𝔼𝕋 📝
Ficção Adolescente"𝑩𝒓𝒊𝒆, 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒖𝒔 𝒌𝒏𝒐𝒘𝒔 𝒏𝒂 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒂𝒎𝒑𝒖𝒔 𝒒𝒖𝒆𝒆𝒏. 𝑺𝒐.. 𝒘𝒆 𝒎𝒂𝒅𝒆 𝒂 𝒃𝒆𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖. 𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒃𝒐𝒚." 𝑻𝒖𝒓𝒐 𝒏𝒚𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒌𝒆𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒌...