20

38 5 0
                                    

Signing off

Aeri was discharged after staying 2 more days in the hospital. It's been a week since we got home sa condo ko. She's now living with me. She gave her condo unit to Mika and Archie since wala silang permanenteng place dito sa Manila.


Nag plano na kaming mag settle down pagka lipat niya rito. Things are all going well except the her relationship to her parents. They haven't talked yet.



We decided to go on a beach date. We're here in a beach resort, somewhere in Batangas.



We're sitting in front of the beach, talking about life. Aeri's head is on my shoulder. My right arms snaked on her waist.



Pinagmasdan ko siya. Nanatili ang tingin niya sa dagat. She looks beautiful everyday. Nawala na rin ang mga sugat sa mukha niya. Her short hair was blown by the sea breeze. Inayos ko ang windbreaker jacket na suot niya.



I sipped on my wine glass tsaka siya nagsalita habang nilalaro ang yelo sa wine glass niya.



"I miss my parents," nagulat ako sa sinabi niya.


"Why?" I asked.



"Kahit naman ganun sila eh mga parents ko pa rin sila... I love them, so much. And I know that they cannot love me back. I never knew why..."



Inalis niya nag pagkakasandal sa balikat ko tsaka hinarap ang dagat. Uminom siya sa baso niya bago ulit nag salita.



"I just need somebody who can understand and love me when I am at my best, also when I'm  at  my worst. Sila ang unang taong inaasahan ko sa bagay na iyon. Pero wala. Ginawa ko na ang lahat, I always do what they want kase ang iniisip ko, pag ginawa ko 'yun, they'll give me love and attention. It's not enough pa rin pala..."



"My days were dark, and then you came. You brought the light to brighten up my life. You were so bright to the point na kapag kasama kita, I always shine. Ikaw ang nagbigay liwanag at saya sa mundo kong puno ng kadiliman at lungkot. Kaya nga I always thank god because he gave me you..."


Nakita ko ang mata niyang kumikinang habang tumititig sa buwan. May kaunting mga luhang namumuo roon. Hinagod ko ang balikat niya tsaka hinalikan ang sentido niya.



"Pero lahat ng 'yun nagbago simula nung iniwan kita. Takot, ang naramdaman ko ng sinabihan ako ng mommy ko na hiwalayan kita or else, I will not be what I am today. Napakatanga ko sa part na mas pinili ko ang sarili kong kagustuhan kesa sayo. I'm such a coward..."


"Si Elisha, nanjan siya palagi sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan. He gave me all that I wanted. But hindi ko binigyang pansin iyon.  I appriciated him naman for his patience and understanding. Nakita niya kung paano ako nahihirapan sa sitwasyon ko. Pati iyan, saksi sa mga pag iyak ko during cold nights."



Tinuro niya ang buwan. Nilingon ko iyon. Napakabilog niya at napakaliwanag.



"I always feel relief when I tell my problems to her, because I always remember what you said back then, that you'll be my moon who will light up my darkest hours..."



Nilingon niya ako. Napangiti ako. "Hindi ko alam na inaalala mo pa rin pala ako sa mga oras na iyon." I said na ikinatango ng ulo niya.



"Sa totoo lang, nung una, inisip kong kaya ko ng wala ka pero hindi pala. Siniguro kong hindi na tayo magtatagpo pero tingnan mo nga naman ang tadhana, talagang mapaglaro. I wanted you back when I saw you again. Pero inisip ko, do you want me back, too?"



UNLOVED.Where stories live. Discover now