Star
Aeri and I are preparing for the celebration for tonight. Ako lang dapat ang mag aasikaso pero dahil napakakulit ng asawa ko ay tumulong na rin siya. I can't say no to her when she's getting mad at me.
"Love, ako na maglalagay nyan. Mabigat yan. Bawal ka magbuhat, please." Sabi ko ng makitang magbubuhat siya ng kahoy na upuan.
"Pagod na ako love." She complained.
Kanina ko pa sinasabing wag na tumulong eh ayan tuloy napagod.
"Magpahinga ka muna sa loob, love." Tumango naman siya. Nasa garden kasi kami nag aayos. Inihatid ko siya papunta sa kwarto tsaka pinatulog.
Grabe na talaga si Aeri ngayon. Wala ng ibang ginawa kundi ang matulog at kumain. Minsan nga nangangaway pa ng walang dahilan eh. But, I'll always understand her. Ganoon talaga.
Inayos ko ang comforter at ginawaran siya ng halik sa noo bago lumabas ng silid. Bumalik ako sa veranda sa garden para ituloy ang ginagawa.
Ilang oras pa akomg nanatili doon sa veranda. Nakaramdam naman ang ng antok at konting pagkahilo. This past few days ganito ang nararamdaman ko. Parang ako rin ang naglilihi, ah?! Nagdesisyon akong maligo para maibsan naman ang antok.
Pagkalabas ko ng bathroom ay bihis na ako. Nilingon ko ang kama at nakitang wala doon si Aeri.
"Love?" Tawag ko.
Wala akong natanggap na sagot. Nakita kong inihip ng hangin ang kurtina sa may pinto ng balcony ng kwarto namin.
Lumabas ako at doon ko siya nakita. I hugged her from behind and kissed her neck.
"How's your sleep, love?" I asked while caressing her tummy.
"Fine." Sungit naman neto.
"I love you," lambing ko.
Napalingon siya sakin tsaka ngumiti. Nakita kong itinaas niya ang kamay niya, nagbabantang kurutin ang pisngi ko.
Bago pa man malapag sa pisngi ko ang daliri niya, pinigilan ko na. Masakit rin, aba!
"Papisi ako, love. Cute cute!" She said in small voice.
"Ayoko, love. Masakit." Nagpapaawang sabi ko.
"Just one, please? Hindi ko papanggigilan very light pisi lang." She pouted.
"Love, it hurts. Mabuti nga at hindi namamaga ang pisngi ko dahil oras oras mong pinipisil." Sabi ko ulit.
Bigla naman siyang sumimangot tsaka binawi ang kamay niya sakin at tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya.
Papasok na sana siya ulit ng pigilan ko siya.
"Okay, fine. Pinch my cheeks." Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Bago niya ulit mailapat ang daliri sa pisngi ay pinigilan ko ulit siya.
"Why nanaman?" Sumimangot siya.
"Kiss ko muna, love." Ngumuso ako at naghintay ng halik mula sa kanya.
Ilang saglit pa siya tumingin sakin bago ngmuiti at inilapit ang mukha niya. Bibitaw na sana sya sa halik pero muli kong sinakop ang labi niya.
YOU ARE READING
UNLOVED.
Novela JuvenilAeristell Garcia, A model and a celebrity. She has a lot of admirers, a lot of people who loves her. But her own family hates her. Her days were dark until she met her love of her life. Everything was peaceful. They were happily inlove but one day...