Have you ever experienced being bullied?
Yung alam mong maganda ka naman, pero tatawagin kang pangit.
Yung mabango ka naman, pero sasabihan kang mabaho.
At higit sa lahat, tahimik ka lang, pero pilit ka pa ring ginugulo—parang hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi nila sinisira ang buhay mo.
May isang taong parang itinadhana na maging mortal enemy mo. Isang taong wala halos araw na hindi ka inaasar. At dahil hindi ka rin nagpapatalo, gumaganti ka. Kaya ang resulta? Araw-araw kayong may giyera. Para sana matapos ang lahat, kailangan may isang huminto. Pero paano kung pareho kayong mataas ang pride?
Walang gustong magpatalo.
Walang gustong sumuko.
Kaya tuloy-tuloy ang war.
Pero paano kung isang araw, bigla ka na lang magising at malaman mong…
ikakasal ka na pala?
Yung tipong kagabi lang nagrereklamo ka dahil may nang-aasar sa’yo, tapos paggising mo, may engagement na agad?!
Like—what the hell just happened?!
Mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung may kasalanan ka bang nagawa sa magulang mo. Pero paano kung ang taong ipapakasal sa’yo ay ang mismong taong pinakaayaw mo?
Ang taong tinuring mong kaaway.
Ang taong araw-araw mong ka-waran.
Ang taong hindi mo kayang sikmurain.
Anong gagawin mo?
Bibigyan mo ba siya ng pagkakataon bilang fiancé mo?
Or
Ipapakiusap mo ba sa magulang mo na itigil ang kalokohang engagement na ‘to?
At higit sa lahat…
Posible bang mahulog ka sa taong matagal mo nang kinamumuhian?
Because sometimes, the people we hate the most… are the ones who change our lives the most.
Let’s find out if that will really happen.
***************
A/N: Hello chingu! 💕
Kumusta kayo? Nagustuhan niyo ba? HAHAHA 😆
Alam kong hindi pa ako ganun kagaling magsulat, pero kung nagustuhan niyo ang story ko, please don’t forget to click the vote button ⭐
You can comment down below kung may grammar mistakes or suggestions kayo. And if you want, feel free to share this story with others!
Thank you so much for reading!
Love you all! mwaps 💋
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy (Under Revision)
Roman pour AdolescentsNaranasan mo na bang ma-engage sa taong kinasusuklaman mo? Yung alam mong mabait ka naman. Wala kang ginawang masama. Pero bakit parang isinumpa ka ng tadhana? Sa dami-dami ng posibleng maging future husband mo... Bakit kaaway mo pa? Isang taong hin...
