Hershey Sky POV
At ayun na nga—oh diba?
Hindi ko naman talaga sinasadya. Nalutang lang ako saglit, tapos ayun… kung makareact na parang kasalanan ko na ang lahat ng kasalanan sa mundo.
Isang maling pagkakabangga.
Isang natapong shake.
PARTIDA? ISA LANG....
At isang SSG President na akala mo kung sino kung makapagparusa.
Grabe. Kung alam ko lang na ganito kalala ang magiging epekto ng pagkabunggo ko sa kanya, sana nag-slow motion na lang ako habang naglalakad. O kaya naman, nagdasal muna ako bago pumasok sa canteen. Malay ko bang sensitive pala sya masuado diba? Eh di sana naiwasan ko jusmiyo talaga kamo!!!
Ngayon tuloy, heto ako, punong-puno ng sama ng loob at galit. Ikaw ba naman kung anu-anong parusa ang ipinaparanas sa akin ng pesteng ulap na ‘yon.
Kanina lang, may mga hinayupak na nagbuhos ng pintura sa akin. As in literal na pintura. Pink pa. Jusmiyo. Halos dalawang oras akong naka-lock sa banyo, umiiyak habang pilit tinatanggal ang pintura sa buhok at balat ko. Buti na lang washable. Kung hindi, baka talagang nag-wala na ako at nagsampa ng kaso o kaya mas malala makapatay ako sa sobrang galit ko.
At ngayon naman, eto ako sa garden—nakaupo sa bench—habang pilit kinukuskos ang balat ko para matanggal ang tinta ng pentel pen na isinulat-sulat ng mga taong mukhang walang magawa sa buhay. Mga alagad yata ng hari ng kulog. Argh! Nakakairita!
“Papatayin talaga kitang ulaaap kaaa!” sigaw ko, sabay hampas ng kamay ko sa bench. Kasi talaga. Yung galit na nararamdaman ko? Sagad sa buto beh!
“Ingay.”
Napatalon ako sa kinauupuan ko.
Shocks.
Kulog.
Este—ulap.
“Anong ginagawa mo dito?” gigil kong tanong, sabay salubong ng tingin sa kanya. Pwede ko kayang sapakin toh? Nakatayo lang siya roon, naka-cross arms, nakatitig sa akin na parang ako ang pinakaistorbong nilalang sa buong mundo.
“Masaya ka na?” dagdag ko, halos manginig sa inis. “Satisfied ka na sa lahat ng parusang pinagawa mo sa’kin?!”
Tinitigan lang niya ako. Yung titig na parang ini-scan ako mula ulo hanggang paa. Nakakainis. Nakakailang. At nakakainis ulit.
“Nah,” sagot niya, walang emosyon.
Napikon ako lalo. Lumapit ako sa kanya, handang magwala.
At sa susunod na segundo—
“Aray! Sh*t! Ouch! Hoy tama na! Aray!”
Oo. Sinabunutan ko siya.
Kinalmot.
Pinag-initan. Lahat na ata ng sama ng loob ko naandun na sa pananakit ko sa kanya. Aba makaganti man lang....
Deserve niya ‘yon.
“Napapala mo!” sigaw ko habang pilit siyang tinutulak palayo.
Sinamaan niya ako ng tingin, pero parang may bakas ng gulat sa mukha niya.
“Alam mo, ang tapang mo, Hershey Sky,” sabi niya, mababa ang boses.
Umismid ako. “Para saan pa at naging holster ako kung duduwag-duwag lang ako?”
Bigla siyang natawa.
At heto na naman.
Yung tibok ng puso ko.
Yung parang may mali.
Yung parang hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko sa kanya.
“Holster…” ulit niya, seryoso na ulit ang mukha. “Oo nga pala. Ikaw yung anak ng may-ari ng eskwelahang ‘to.”
Tumango lang ako at bumalik sa upuan, nakatingala sa langit.
“Yeah,” sagot ko, walang gana.
“Tch. The hell I care,” malamig niyang sabi. “Diyan ka na nga, pangit.”
Umalis siya.
At oo, sinamaan ko siya ng tingin kahit talikod na lang niya ang nakikita ko. Aba't narinig nyo yun? Narinig nyo ang tinawag sakin ng talipandas na ulap nayun?
Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong pangit. Ako na nga ang isa sa pinaka-pretty sa campus. Punyemas. Bulag yata ‘yon.
Kriiiiing!
Napatingin ako sa relo.
“Wews! Bell na. Another subject,” bulong ko, sabay tayo.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa first building—STEM Room, Section A—parang may nararamdaman akong sumusunod sa akin. Huminto ako at lumingon.
Wala naman.
“Guni-guni mo lang ‘yan, Hershey,” bulong ko sa sarili ko.
Pagdating ko sa room, wala namang nagbago. Maingay. Magulo. Parang palengke. At oo—kahit Section A kami, hindi ibig sabihin nun perpekto kami. Napapagalitan din. Nagkakamali din. Normal na estudyante lang din kami.
Ang kaibahan lang—labanan sa talino dito. Walang tulungan. Survival of the smartest. Kaya kahit lahat kami may honor, kailangan kong ipaglaban ‘yon. Para sa sarili ko. Para sa pamilya ko.
Biglang tumunog ang phone ko.
~ You’re my honey bunch, sugar plum… ~
Agad kong sinagot.
“Hello?”
Si tito.
“Sweetheart,” sabi niya. “Pakisabi sa lahat ng STEM students na walang klase ngayon. May seminar ang mga teachers.”
“Okay, tito,” sagot ko.
Pagkababa ko ng tawag, lumingon ako kina Lyn at Xia—busy sa pagbabasa ng Wattpad.
“Hoy! Samahan niyo ako,” sabi ko. “Iikot ako sa STEM building.”
Tumango lang sila, hindi inaalis ang mata sa phone.
Wattpad is life nga naman.
Tinapik ko ang mesa sa unahan. “Attention, Section A! Walang klase ngayon. May seminar ang teachers!”
Naghiyawan sila. Sana all talaga masaya.
Sunod, Section B.
At doon ko siya nakita.
Si ulap.
Oo, STEM student din siya. Section B pa.
“Excuse me, Section B!” sigaw ko mula sa pinto.
Pumasok ako at nag-announce.
Pagkatapos, nagkatinginan kami.
Hindi ko alam kung bakit… pero naiilang ako.
Umalis ako agad.
Sunod-sunod na sections. C, D… hanggang umabot sa halos sampu. Sa bawat section, may parusa. May pang-aasar. May utos mula sa hari ng kulog.
“Kayang-kaya pa?” tanong ni Xia habang naglalakad kami.
“Kaya pa,” sagot ko. “Gaganti ako bukas.”
Napailing sila.
“Bagay kayong dalawa,” sabi ni Lyn. “Walang gustong magpatalo.”
Napatawa ako. “Holster ako. Hindi uso ang magpatalo.”
Pero nang sabihin nila…
“Baka sa kakaasar niyo, may ma-fall…”
Napangiti lang ako, sabay iling.
“Kung magmahal man ulit ako,” bulong ko, nakatingala sa langit, “siya pa rin.”
Tahimik silang dalawa.
“You still love him, don’t you?” tanong ni Lyn.
Tumango lang ako.
Siya lang.
Siya at siya lang.
Walang ulap na makakapalit.
Author's Note:
So ayun na nga chingu! 👀
Ano na ang mangyayari kay Hershey?
Sino nga ba ang nag-iisang taong mahal niya?
At hanggang kailan niya kayang labanan ang hari ng kulog?
If nagustuhan niyo, don’t forget to vote, comment, and share 💕
Love you all! mwah! 😘
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy (Under Revision)
Ficção AdolescenteNaranasan mo na bang ma-engage sa taong kinasusuklaman mo? Yung alam mong mabait ka naman. Wala kang ginawang masama. Pero bakit parang isinumpa ka ng tadhana? Sa dami-dami ng posibleng maging future husband mo... Bakit kaaway mo pa? Isang taong hin...
