~Part Four~

1K 22 0
                                        

Hershey Sky POV,

Pagkauwi ko, as usual, walang tao. Wala naman kasi, si Mom nasa company, tas si Kuya may pasok, oha, edi ako lang nandito pati mga maid!

"Ay, Hershey, ang aga mo ata?" sabi nung katulong namin dito na bata, yung pinaka-close ko.

"Oo ehh, may meeting ang teacher namin kaya ayun, pinauwi na kami ng maaga para di magbulakbol," sagot ko dito at tumango naman ito.

"Ganun ba, sige Hershey, dun muna ako sa garden!" sabi niya sa akin kaya tumango ako. Tapos umalis na siya, at ako ay dumeretso na sa kwarto ko sa second floor. Dulo pa, hahaha. Nung nakapasok na ako, ay dumeretso akong kama at nahiga—parang pagod na pagod ako today, ket wala naman akong ginawa. Amp, hayst.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko, di ko namalayan na nakatulog ako at nagising na lang ako nung tinatapik-tapik na ako ng kuya ko sa pisngi.

"Hey hey, sweetie, wake up, it’s time to eat your dinner!" sabi sa akin ni Kuya, at minulat ko naman yung mata ko. And there I saw my Kuya, so I smiled at him.

"Kuyaaa!" sabi ko at niyakap ko siya. Siguro, shocked siya pero maya-maya naramdaman kong niyakap niya ako pabalik.

"What's wrong?!" tanong niya sa akin.

"Wala naman, I just miss this and... him!" I said, at narinig ko na napabuntong-hininga si Kuya.

"Hanggang ngayon ba siya pa rin?" tanong niya sa akin, kay humiwalay ako ng yakap at tumingin kay Kuya, pagkatapos ay ngumiti.

"Lagi naman, Kuyaaa, hahahaha! Miss ko na siya sobra. Ewan ko ba, bakit kinuha agad siya ng maaga, andaya, ano?" sabi ko sa kanya at nakita ko naman siya na nakatitig lang sa akin.

"You're a smart and brave girl, hindi ka lang basta holster. Isa kang babae na palaban talaga na kaya lahat labanan para sa prinsipyo. Pero ito ang lagi mong tatandaan: hindi lahat makakasama mo habang buhay kasi hindi lahat kayang manatili tulad ng pananatili mo sa kanila. Pero may isang tao na inilaan sayo para manatili kahit na ipagtulakan mo pa siya!" sabi ni Kuya sa akin. Medyo hindi ko gets, kaso hinayaan ko na lang—mukhang maganda naman yung payo niya eh, at saka may lesson din naman, ket papaano.

"Paano ko malalaman, Kuya, kung mananatili na yung taong sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Wala namang makakapagsabi, sweetie, pero malalaman mo yun kung handang gawin nung taong yun lahat para mapanatili ka lang!" sabi niya at hinimas-himas yung buhok ko, that made me yawn.

"Ok, Kuya, sabi mo yan, I’ll maniniwala ako dyan!" sabi ko sa kanya at ngumiti ako. Ganun din naman siya sakin. Pagkatapos, tumayo na siya.

"Come on, Shey, let’s eat. Inaantay na tayo ni Mom at Dad sa kusina!" sabi niya nung palabas siya ng pinto kaya tumango ako.

"I’ll just change my clothes, Kuya!" sabi ko, and he just nodded before he closed my door.

After a few minutes, nakapagpalit na rin ako at nag-shower muna. Ang lagkit ko na eh, shemay yan. Pagbaba ko sa kusina, I saw them talking to each other happily.

"Dad, Mom, Kuya!" I called them, so they stopped and looked at me, and they smiled. So lumapit na ako sa kanila at inisa-isa kong paghahalikan sa pisngi, and then umupo na ako sa katabing upuan ni Kuya.

"Good evening, sweetie!" sabi nila in chorus, kaya naman natawa ako.

"Good evening, my family!" sabi ko, ng sobrang giliw.

"So, ang aga mo ata, sweetie. Anong meron? Sabi kasi nung katulong natin, maaga ka daw umuwi!" sabi ni Mom sa akin.

"Nagka-meeting, Mom. Eh tumawag sakin si Tito. Ako pa nga po uli nag-announce sa STEM building na walang pasok na!" sabi ko before ko isubo yung pagkain na nasa kutsara ko, at nakita ko naman na patango-tango si Mama.

"I heard nabubully ka daw, Shey. Is that true?" sabi ni Kuya, kaya naman nabulunan ako. Shems, paano niya nalaman? Sinong demonyito nagsabi?

"Medyo lang, Kuya, hehe!" sabi ko ng ilang beses, kaya naman sinamaan ako ng tingin.

"Who?" sabi niya sa akin, kaya naman napa-buga na lang ako ng hangin.

"Si Ulap po, Kuya, yung SSG president ng SSU!" sabi ko sa kanya, at mukhang napaisip naman siya, kaya naman ngumiti na lang muna ako.

"Oww, that guy, ano nga ulit pangalan nun?" tanong sakin ni Kuya. Dahil puno ang bibig ko, di ko agad siya nasagot—inubos ko muna yung pagkain, pagkatapos ay uminom ako ng tubig.

"Cloud Kevin Husher, Kuya!" sabi ko, at nakita ko naman na nagkatinginan sila Mom at Dad pati Kuya.

"Oww, magkakilala kayo ng anak ni Mr. Husher, anak?" sabi ni Dad.

"Yes, Dad. Actually, mortal enemy kami kasi naman, di ko naman sinasadya na matapunan ng food yung t-shirt niya eh pinabully na ako, at syempre dahil holster ako, nag-anti ako minsan!" Panimulang sabi ko, at nakita ko naman na napangiti si Kuya.

"That's good then, settle na, pwede na bukas!" sabi ni Dad, kaya napakunot noo ako.

"Anong settle, Dad? Anong pwede na? Anong bukas?" sunod-sunod na tanong ko, pero he just smiled, so I looked at my Mom, and she just smiled. I was about to look at Kuya when he touched my cheeks.

"It's ok, sweetie, mahal ka namin. Basta bukas malalaman mo, ok?" sabi nila. Pero hindi ako natutuwa. Ano na naman kaya yun?

"Baka po pwedeng now na?" request ko, kaso umiling lang sila at bukas na daw. Amp naman, kinakabahan ako—bakit ganun?

Hayst, fine. After namin kumain, nagpaalam na ako na matutulog uli kasi inaantok na naman ako. Busog na eh, hahaha. Bukas ko na lang kukulitin sila, Mama, hahahah. Pagpasok ko ng room, ay deretso banyo muna ako at nag-toothbrush, then pagkatapos nun ay pumunta na akong kama at nahiga, and started imagining things to make me fall asleep!

---

A/N:
Hahahahaha, so ayuuun. Hello chingu uwuu, kamusta po ba? Ok naman po? Aheee, if something is wrong, just tell me po para maayos ko! Pero ano nga ba yung mangyayari? Bakit biglang settle na daw? Anong meron? Well, let's see for the next chapter. Goodluck sa pagbabasa, reader. Don’t forget to click the vote and share button. Luv U Readers mwah!

Engaged With My Mortal Enemy (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon