~Part Twenty~

637 19 0
                                        

Hershey Sky Pov,

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko si xia at lyn na nakangiti sakin

"I heard the conversation between you and mitch and my opinion was wow and great!" Masayang sabi ni xia kaya naman natawa ako

"The real hershey that we know!" Sabi ni lyn kaya naman natawa kami pare pareho

Well they really know me when it comes to bully nakakapagtimpi ako pero pag hindi na talaga naman lumalabas yung pagiging mataray ko

"Class good morning hiniram ko muna yung buong time nyo maghapon for PE time dahil malapit na pala ang laban hindi ako naabisuhan agad kaya nagmamadali tayo change your clothes and go to gymnasium now!" Sabi ni sir kaya naman napabuntong hininga kami pare pareho

"Kakagaling ko lang ng hospital!" Atungal ko kaya naman natawa yung dalawa pero lumabas narin kami at pumunta ng locker room

"Kamusta kayo ng bebelabs mo?" Tanong bigla ni xia kalagitnaan ng pagbibihis namin

"Wala naman ok lang kami masaya naman kami nothings change!" Sabi ko sa kanya kaya naman ngumiti sya at tumingin sakin ng makapagbihis na

"We always care for your happiness so dont forget to love yourself too even you have your love one now!" Sabi nito kaya naman tumango ako at lumabas na kami ng sabay sabay

"Basta andito lang kami kung kailangan mo ng back-up na sasapak sa b*tch nayun andito lang kami!" Sabi ni lyn kaya naman napatawa kami ni xia sa sinabi nya

Malapit na kami sa gym ng makaramdam ako ng kaba! Hindi ko alam kung bakit kaya napahinto ako at ganun din sila

"Ok kalang?" Tanong bigla ni xia kaya naman napatingin ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa mukha nya

"Oo bigla lang akong kinabahan!" Sabi ko at napayuko. Hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko at ayoko nito

"Wala yan ok lang ang lahat!" Sabi ni lyn kaya tinignan ko sya at kahit sya kita ko ang pag-aalala sa mukha nya kaya ngumiti ako ng pilit at nagpatuloy na uli kami sa paglalakad

Panay kwentuhan lang ang ginawa namin habang naglalakad talagang nililibang nila ako halata ko yun kaya nagpapasalamat ako na andito sila

Malapit na kami sa gym ng makita ko si jonas na tumatakbo palapit samin

"H-hershey wag k-ka muna pas-sok!" Sabi nito ng nahihirapan, tumakbo kasi nag hahabol ng hangin

"B-bakit?" Kinakabahan na tanong ko pero hindi ko na hinintay ang sagot nito at agad pumasok sa loob ng gym kasabay ng mga kaibigan ko

Ang unang pumasok sa isip ko na kaya ganun sya ay baka may masamang nangyari kay ulap kaya agad syang hinanap ng mata ko at agad akong tumakbo para mas makita ko yung buong loob ng gym

"Wohoooo lakaaas mo mitchhh ikaw na!" Napatingin kami dun sa sumigaw nayun at hinanap ng mata ko yung sinisigaw nya at saktong pag lapat ng tingin ko sa kanya ay syang ikinadurog ng puso ko

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paanong maglapat ang labi nilang dalawa.

"Hooooy clouuuuud tanginaaaaaa kaaaaa!!!!" Napatingin ang lahat samin ng marinig nila ang boses ni xia at kita ko na parang natauhan si cloud sa nangyayari at bigla syang napatingin sakin

Unti-unti akong humakbang paatras dahil nakita ko sa mata nito ang pakikiusap. Umiling ako pagkatapos ay tumalikod sa kanya

"You broke me!" Mahinang sabi ko at sapat yun para marinig lang ako ni xia at lyn kaya agad akong tumakbo papalabas ng gym kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pagtulo ng luha ko

Narinig ko ang mga tawag nila sa pangalan ko pero hindi ako lumingon ni hindi ako huminto

Gusto kong lumayo dito! Gusto ko syang iwan muna! Ayoko muna syang makita! Ayoko muna syang makasama

Sabi nya hindi nya ako sasaktan? Sabi nya hindi nya sisirain yung tiwala ko kasi sabi nya hindi nya ako gustong umiyak at masaktan! Pero bakit nagkaganun? Bakit biglang ganun?

Ganto ba talaga magmahal? Kailangan mo ba talagang masaktan? At ganto ba talaga kasakit pag mahal mo yung tao? Kasi kung OO ayoko nito! Nakakamatay tong sakit na toh

"Skyyyyyy!"

*Piiiiiiiiit* *piiiiiiiiit*

Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko nasa labas na ako ng school at may nakita akong sasakyan na humaharurot habang nabusina ng malakas  papunta sa direksyon ko at bago pa ako makaiwas ay huli na

Naramdaman ko nalang ang biglang pagbangga sakin kasabay ng pagtalsik ko  at pagkaka untog ng ulo ko sa lupa. Napapikit ako sa sakit parang hindi ko bigla maramdaman yung katawan ko, hindi ako makahinga ng ayos, nanlalabo ang paningin ko, ang tanging naramdaman ko nalang ay yung tumutulong likido sa may noo ko at alam ko na dugo yun galing sa ulo ko, ito naba yun? Ito na ba yung katapusan ko? Akala ko hindi na ako makakaranas ng mas mahirap pa sa dati pero akala ko lang pala yun.

Dahil itong nangyari ngayon ang mukhang tatapos sa lahat ng mga pangarap namin magkasama

Hindi ko na alam ang nangyari basta ang huli kong nakita ay ang paglapit sakin ng taong mahal na mahal ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim



























A/N:
Nalungkot ako habang sinusulat ko toh kasi naman yung imagination ko masyado ng malawak hahahaha goodluck sa pagbabasa readers keep safe as always!

Engaged With My Mortal Enemy (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon