Hershey Sky POV
Argh! I swear—kung may isang tao lang talaga akong gustong isumpa araw-araw, walang iba kundi si Cloud Kevin Husher.
Nakakainis. Nakakasulasok. Nakakabwisit. At oo, cloud talaga ang nickname niya, hindi dahil fluffy siya kundi dahil nakakairita siyang parang ulap na laging nakaharang sa araw ng buhay ko.
Anyway, bago pa tuluyang sumabog ang utak ko kakaisip kung paano ko siya itutulak sa bangin nang hindi nahuhuli, magpapakilala muna ako.
Hi. My name is Hershey Sky Holster.
No, hindi ako half-human, half-animal well kahit minsan gusto ko na lang maging pusa para mangalmot.
I’m actually half American, half Filipino. My dad is American, my mom is Filipino, and yes—I’m 18 years old, a STEM student, and—let’s be honest here—a pretty woman.
At ngayon, narito ako sa school garden, mag-isa, nakaupo sa ilalim ng puno, hawak ang bag ko habang pinipigilan ang sarili kong hindi magwala.
Tahimik dito.
Madalang may tumambay.
Perfect place para mag-isip ng masamang balak.
Especially when the target of your anger is your so-called mortal enemy.
Si Cloud Kevin Husher.
Grrr.
He’s annoying.
Disgusting ang ugali.
At higit sa lahat—napaka-feelingero.
Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa mundo, siya pa ang itinadhana para maging sakit ng ulo ko. Hindi ko rin alam kung anong kasalanan ko sa past life para araw-araw niya akong asarin.
“Mamaya ako gaganti sa’yo, ulap. Makikita mo,” bulong—este, sigaw ko pala, dito sa garden.
Napahinga ako ng malalim. Alam kong walang nakarinig. Kahit may makarinig man, wala na akong pakialam.
So now…
Let me take you back.
Balikan natin kung paano nagsimula ang lahat.
Kung paano ang tahimik kong buhay ay naging isang araw-araw na gulo—kahit wala naman akong ginagawang masama noong una.
**Flashbacks**
Nasa loob ako ng kwarto ko, nakatayo sa harap ng salamin—admiring my reflection, obviously. I mean, come on, kung hindi mo i-admire ang sarili mo, sino pa?
Inaayos ko ang buhok ko nang biglang may malakas na boses na umalingawngaw mula sa labas ng kwarto.
“Hersheeeey anaaak!!”
Napapikit ako at napabuntong-hininga bago marahang binuksan ang pinto.
At doon ko siya nakita.
Ang nanay kong sobrang saya—nakangiti na parang nanalo sa lotto.
“Yes, mom?” tanong ko, halatang bored.
“Don’t you miss me?! I’m already here in front of you!” sabi niya sabay pout na parang bata.
Argh. My mom is seriously so childish.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganito rin ugali ko minsan.
“Hush now, mom. You know how much I miss you,” sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
I really love my parents.
They work so hard—traveling from one country to another—just to make sure na kumpleto at komportable ang buhay namin ng kuya ko.
“Aww, I miss you more, my sweetie!” sabi niya bago kumalas sa yakap.
Napangiti ako habang tinititigan siya.
My mom—Risa Elena Holster—is the prettiest, kindest, and strongest woman I know. Kung may award para sa best mom, sigurado akong siya ang mananalo.
“I’m sorry if one month kaming wala ng daddy mo,” sabi niya bigla, bahagyang bumaba ang boses. “You know, sobrang busy sa France.”
Here we go again.
I rolled my eyes—not because I don’t care, but because I already understand. Their job demands a lot of traveling. I’ve accepted that a long time ago.
“Mom,” tawag ko.
Tumigil siya at tumingin sa’kin.
Hinawakan ko ang kamay niya at niyakap ulit siya, kahit ramdam ko na ang pamamanhid ng braso ko sa katatayo sa pintuan.
“You don’t need to explain everything, okay? I understand. As long as you and dad are safe, that’s more than enough for me,” sabi ko nang seryoso.
She smiled—one of those smiles that makes you feel warm inside—then gently brushed my hair.
“We’re so lucky to have you and your kuya,” sabi niya. “Such understanding children.”
Ngumiti ako at tumango.
“Come on, mom. May pasok pa ako. Let’s go downstairs and stop this drama,” sabi ko sabay ngiti.
Tumango siya, and sabay kaming bumaba.
Pagdating namin sa kusina, bumungad sa akin sina Dad at Kuya, masayang nagkukwentuhan habang nagkakape.
Aww. I know they missed each other.
My dad—Francis Holster—is American, tall, and intimidating sa paningin ng iba, pero sobrang lambot pagdating sa pamilya. My kuya—Nigel Ethan Holster—is a third-year Civil Engineering student, matalino, gwapo, at sobrang protective sa akin.
And yes—dad and kuya are super strict. Ayaw na ayaw nilang umiiyak ako kahit sa pinakamaliit na dahilan.
“Dad!” tawag ko.
Agad siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.
“I miss you, dad,” sabi ko.
“I miss you more, sweetie,” sagot niya bago kumalas.
Umupo na ako sa upuan ko, pero bago iyon—hinalikan ko muna si kuya sa pisngi.
“Good morning, my family!” bati ko.
“Good morning, princess!” sabay-sabay nilang sagot.
Natawa kami at sabay-sabay nang nag-agahan.
“Anyway kids, kami ang maghahatid sa inyo today,” sabi ni mom. “Mag-stay muna kami ng dad niyo dito for a week.”
Nagkatinginan kami ni kuya at sabay tumango, halatang masaya.
“Good to know,” sabi ni dad. “How’s school, kids?”
Trying siyang mag-Tagalog—kahit may accent pa rin.
“It’s fine, dad. I’m still running for first honor,” sabi ni kuya habang kumakain.
Napangiti ako. Sana all matalino.
“How about you, sweetie?” tanong niya sa akin.
Nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot. “Still good, dad. I’m also maintaining my spot for first honor.”
Tumango siya, proud.
“That’s good to hear.”
“Mom, dad—saan next destination niyo?” tanong bigla ni kuya.
“Maybe Japan or Korea,” sagot ni mom. “I’m not sure yet.”
Tumango si kuya, at nagpatuloy kami sa pagkain.
Ilang oras ang lumipas, nasa labas na kami ng gate. Kinukuha ni dad ang sasakyan.
“Come on, guys. Baka ma-late pa tayo,” sabi niya.
Sumakay kami, tahimik ang biyahe papunta sa school.
Habang nakatanaw ako sa bintana, hindi ko alam na ang araw na ’yon,
ang ordinaryong araw na ’yon,
ay magiging simula ng mas malaking gulo sa buhay ko.
At sa gitna ng lahat ng iyon… nandoon siya.
Si Cloud Kevin Husher.
---
A/N: Huhuhu HAHAHA 😭
Nagustuhan niyo ba, chingu? Sorry kung may typos or grammar mistakes—feel free to correct me 🥹
Thank you so much for reading!
See you sa next chapter 💕
Luv you all! mwah 😘
BINABASA MO ANG
Engaged With My Mortal Enemy (Under Revision)
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang ma-engage sa taong kinasusuklaman mo? Yung alam mong mabait ka naman. Wala kang ginawang masama. Pero bakit parang isinumpa ka ng tadhana? Sa dami-dami ng posibleng maging future husband mo... Bakit kaaway mo pa? Isang taong hin...
