Chapter 16

4.1K 81 9
                                    

Chavelle

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng maid.

“M-ma’am,bigla po kasi siyang nawalan ng malay, kanina pa po namin dinala si Ma’am Charmaine sa hospital, ako nalang po ang naiwan sa dito. H-hindi ko po kasi kayo macontact. ” Tinanong ko kung saang hospital.

Hindi nagpaalam ay lumabas na ako ng bahay at agad na naghanap ng taxi. While on my way to the hospital I dialed Thaeus’ number but he wasn’t picking up.

Unti unti ng nahuhulog ang luha sa aking mata.

I can’t lose mama. No.

Nanginginig ang mga kamay ay tinawagan ko si Marielle.

“Hello? Rielle, p-puntahan mo naman ako sa MediCare please?. Oo, yung malapit sa amin. M-mamaya ko na sasabihin, please.” Nahihirapan na akong huminga at sa bawat segundo na dumadaan, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Natraffic pa kami ng ilang minuto ngunit pinanatili kong positibo ang iniisip ko.

Okay lang si mama, baka nahimatay lang. Okay lang siya, kailangan niyang maging okay.

Pagbaba ko sa malapit sa hospital ay nakita ko si Marielle na nasa kabila ng kalsada. Inantay ko siya pagkatapos ay niyakap nung nakalapit.

“Hoy, ano? A-ayos ka lang?! Bakit ba tayo nandito?!” Natataranta na siya.

“S-si mama, isinugod dito. Bigla dawng nawalan ng malay.” Hinagod niya ang aking likod habang patuloy ako sa pag iyak.

“Baka naman nahimatay lang, wag kang mag isip ng masama, Cha. Trust God. Magiging okay lang si tita. Tahan na.” she caressed my back at nanatili akong nakayakap sa kanya ng bigla akong nakatanggap ng tawag.

“H-hello?”

“Hello ma’am!M-ma’am punta ka na po dito, hinahanap ka na ni ma’am Charmaine. N-naghihirap na po s-“

Hindi ko na ito pinatapos at agad akong tumakbo papasok, napatampal pa ako sa aking noo nang nakalimutan kong tanungin kung anong floor at room number.

Lumapit ako sa nurse station at mabilis na pinahanap ito. Nakasunod lang sa akin si Marielle.

Ma, malapit na ako. Hintay ka lang. Please.

Hindi na matigil ang pag iyak ko habang nakasakay kami sa elevator. Nang bumukas ito ay mabilis akong lumabas at tumakbo papunta sa room number na binigay.

Nang nahanap ay mabilis kong binuksan ang pintuan.

Pero agad akong nanlamig sa nakita, hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang aking nararamdaman.

Tinatabunan na ang katawan ni mama ng puting kumot.

Ang katawan ni mama…..

“N-no…..Rielle, m-mali atang kwarto ito.” I looked at Marielle and she was covering her mouth while crying so hard.

“D-doc, hindi yan si Charmaine Araneza diba? S-sabihin mong h-hindi, please.” Hindi ko na mapigilan ay agad akong napaupo at patuloy na umiyak.

Ang dalawang doctor ay nakayuko habang nakatingin sa amin. The two nurses and one maid were weeping silently in the corner.

“I’m sorry, Ms. Araneza. Her colon cancer was already on stage three, bakit hindi na kayo bumalik at nagpa schedule ng chemo?”

C-colon cancer?

“D-doc, a-ano po yung s-sinabi nyo? C-colon cancer? Doc! Sa paa lang may diperensya si mama.”

Kilala na kami ng doctor na ito dahil siya ang palaging nagchecheck up kay mama.

“She didn’t tell you? On her last check up, I found that she has colon cancer, stage one. Sabi niya ay siya na daw ang magsasabi sayo kaya I respected her decision and kept my mout shut. I’m sorry, Chavelle.” Nakayuko silang lumabas nv kuwarto.

I covered my face and sobbed hard, sobrang sakit na ng lalamunan at dibdib ko. Marielle was beside me, hugging me from the side.

“M-ma, bumangon ka please.” I whispered.

Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa katawan niya. More tears started to flow and I can’t stop sobbing.

Nang nahawakan ko ang kamay ni mama ay agad akong napayakap sa kanya.

“Ma naman, m-maawa ka. B-bumangon ka…. P-parang awa mo na. W-wag mo kong i-iwan.” Patuloy akong umiyak sa katawan ni mama.

Inalala ko ang mga panahong umaayaw siya pag sinabi kong magpapa check up kami. Mga panahong napapansin ko ang pangangayat niya pero hindi ko tinuonan ng pansin.

And how I spent happy days with Thaeus while she was suffering.

Kahit nahihirapan na siya ay hindi niya pa rin ako pinagdamot, she still wanted me to be happy although alam niyang malubha na ang sakit niya.

From the very beginning to the end, all she cared about was my happiness.

Napahagulgol ako habang naaalala ang lahat. Nandito ako sa kwarto ko at hindi magawang lumabas. I felt guilty.

I spent happy days with another person, than being with my mom and taking care of her.

Nandito ang iba kong kamag anak. They were the one who arranged everything. Hindi nila ako pinapagawa ng kung ano dahil alam nila kung gaano ako nasaktan.

I have never felt this sad in my entire life. Dumadagdag pa ang hilo na nararamdaman ko.

Thaeus never showed up. Hindi ko alam kung alam niya ba ang nangyari but I am too guilty to think of him.

Marielle visited me everyday, siya ang palaging nagdadala ng pagkain ko kahit ayaw kong kumain.

Bukas ay ang huling araw ng burol ni mama, sa makalawa na siya ililibing. And still, no Thaeus showed up.

I decided to go to his condo and have a cool off. Hindi kinakaya ng konsensya ko.

I rode a taxi. Pagkarating ko dun ay binati ako ng guwardiya. I was wearing gray pants and a tank top. My hair was in a messy bun. I don’t feel like dressing up dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

I think it’s because palagi nalang akong nalilipasan ng gutom. Pinindot ko ang floor ni Thaeus, hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Nang nakarating sa floor ay naglakad pa ako papunta sa room niya. I was about to open it using his passcode but I decided to knock.

Nakailang katok pa ako bago ito nabuksan. My smile fell when I saw Cassidy, in her bathrobe. She had a mocking smile on her face looking like she won.

_______________________________


The Billionaire Wants MeWhere stories live. Discover now