Chavelle
“Mommy La!” pagdating namin galing airport ay dumiretso muna kami sa bahay nila Marielle.
“Mga apo ko! Mommy La missed you so much! Oh diretso sa kusina, diretso. Hinanda ko ang mga paborito niyo.” Pagkatapos halikam ni Tita Mareth ang mga bata ay hinayaan niya itong tumakbo papunta sa dining room.
She had a huge smile on her face when she faced me. “Kumusta ang Chicago iha?” si Marielle ay lumabas daw at susunduin ang kanyang nakakatandang kapatid na si Aziel. Tito Remus is in the dining room and probably chatting with the bulilits.
“Okay lang po tita, ang mga bulilit ay mukhang pinahirapan ang bulsa ni Marielle. Nahirapan nga kaming dalhin dito.” We chatted while walking towards the dining room.
Agad naming nakita si Serenity na nagpakandong kay Tito Remus at si Forrest na pormal na nakaupo sa kanyang upuan. May mga oras talaga na sobrang pormal kung umakto itong si Forrest.
“Nga pala iha…….nakasalubong namin si…… Thaeus kanina. He was asking kung saan ka daw namin tinago. H-he….. He was furious.” Hindi na ako nagulat sa balita ni Tito.
Ilang beses na iyang nangyari pero wala akong pakialam. He’s not doing anything. He’s a billionare, siya na mismo ang nagsabi na money works all the time.
That’s why I don’t believe na hinahanap niya pa ako. I always see magazines of him and Cassidy. That their engagement is delayed.
“Who’s Teyus Daddy Lo?” nagulat ako sa tanong ni Forrest, I really hate it when he acts mature. Palagi niyang nakukuha ang mga punto ng matatanda though he’s just five years old.
Unlike Serenity na bata pa talaga ang pag iisip. Forrest is the older one, his hair is dark black while Serenity has light brown hair na namana niya sa akin. But their features belong to their father. Kahit sinong makakakita sa mga bata ay malalaman ang pagkahawig sa bilyonaryo.
“He’s no one, dear. Bilisan niyong kumain at baka dumating na ang inyong Tito Aziel!”masayang wika ni Tita Mareth.
Aziel, minsan lang siyang nandito and he’s very fond with the kids….and me. Palagi niyang sinasabi sa akin na siya na lang daw ang magiging tatay ng mga bata but I refused.
Okay, I admit. I still love………their father.
Pagkatapos kumain ay dumiretso sa pool ang mga bata, mabuti nalang at may dala akong damit para sa kanila. They were so happy playing with each other nang….
“Who is Tito Aziel’s favorite?!”biglang sigaw ng bagong dating, agad na lumingon dito ang mga bata at tumili pagkatapos ay umahon sa swimming pool.
“Be careful!” napalapit ako sa kanila dahil bigla silang tumakbo.
Aziel Larazado walked in wearing his jeans and hoodie, his chinky eyes getting smaller because of his smile. Kahit basa ang mga bata ay agad niya itong binuhat.
“Tito Aziel!” sabay na yumakap sa kanya ang mga bata at tumawa nang kinilit niya ito.
“I brought your favorite kinetic sand!”nanglaki ang mga mata nina Serenity sa sinabi ng tiyuhin. Ibinababa sila ni Aziel at may kinuha sa loob. Pagbalik ay tumalon talon si Serenity ng nakitang pink ito, her favorite color. While Forrest just smiled.
Nang naging abala ang mga bata, dahan dahang lumapit si Aziel sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Hi beautiful.”
“Hi Aziel. Asan ang kapatid mo?”
“Ouch naman, ako yung nandito pero iba ang hinahanap.” Sinapo niya pa ang kanyang dibdib. Ang arte.
Nagkatuwaan kami sa pag uusap nang biglang tumunog ang cellphone ko.
“Ma’am! Diba schedule po ng pagpunta niyo ngayon dito sa Chafose?” Chafose is the name of my restaurant, short for Chavelle Forrest and Serenity.
“Ay oo nga pala, sige. Pupunta na ako dyan.” Binaba ko na ang tawag at lumapit sa mga anak ko.
“Babies, pupunta muna si mommy sa restaurant ha?” sabi ko habang kumukuha ng dalawang pantali ng buhok. I tied Serenity’s long hair first. Forrest doesn’t want to cut his hair kaya medyo mahaba na ang kanyang wavy na buhok. I tied it dahil napupunta na sa buhok nila ang kinetic sand.
“Okay mommy, bring steak. Please?”nagpuppy eyes pa ang babae kong anak kaya nanggigil ako at hinalikan siya sa pisngi.
“Yes baby. Wait for mommy here okay? Forrest, watch over your sister for me, please?” sumaludo pa si Forrest at hinalikan ako sa pisngi. They are just too cute.
“Mommy, I want steak too.” Tumango nalang ako bago sila niyakap at tumayo.
“Sama ako!” sigaw ni Aziel at tumakbo papalapit, we used his car.
Pagkarating namin sa restaurant ay binati ako ng mga empleyado.
“Ma’am, sir. Nandito na pala kayo! May mag aapply daw, waitress.” Bungad ni Jane pagkapasok namin ni Aziel sa manager’s room. Walang tao dito since ako lang ang pwedeng pumasok.
“Oh? Really? Ipa orient mo kay Chichi, sabihin mo pasok na siya.” Kapag may nag aapply ng waitress agad ko talaganv pinapasok, I don’t know. Nakakarelate lang talaga ako sa kanila.
“Cha, have you thought about what I said?” eto na naman tayo. Kaming dalawa nalang ang nandito at nakaupo ako sa swivel chair habang siya naman ay nakaupo sa lamesa.
“Eto na na naman tayo, Aziel. Let’s just stay friends please?”pangsusumamo ko sa kanya. He sighed and faked a smile. Biglang may tumawag sa kanya kaya agad siyang nagpaalam.
“Ihahatid na kita sa labas.” Hinubad ko ang apron na suot at sinamahan siya sa labas. We were standing at the entrance since aalis na din naman siya.
“Pupunta ka pa sa bahay mamaya?”
“Yep, nandun pa naman ang mga bata.” Tumango tango siya at ngumiti.
“I’ll see you later then?” he said and was about to kiss me in my cheeks, na palagi niyang ginagawa, when suddenly……
“Excuse me.” A familiar baritone voice said. I was stuck in place.
I turned around slowly and saw the rougher version of the man I met years ago.
His body was bulkier and his hair is in a clean cut. His eyes were piercing black, he looked angry.
But his bloodshot eyes wasn’t for me but for the man beside me.
Magsasalita sana ako nang nakita ang babae sa likod niya na naglalakad patungo sa amin…..
Cassidy.
“Why didn’t you wa- Oh?” hindi niya natapos ang sasabihin niya ng nakita ako.
Akala ko ay magsasalita pa si Thaeus nang bigla niya lang kaming dinaanan, Cassidy’s damn arms were hooked around his and I can’t help but feel pissed.
Lumampas na sila sa amin at nangatog ang tuhod ko.
“Are you alright?”agad akong nasalo ni Aziel.
Hindi ako nakasagot dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.
Why the heck did they choose this place?!
______________________________
YOU ARE READING
The Billionaire Wants Me
General FictionSi Chavelle Quintessa Araneza ay isa lamang hamak na waitress sa isang restaurant. She came from a broken family. Ang ina niya lamang ang meron siya ngunit may sakit ito. She had a normal life when one night changed it all. The famous Aristaeus Ryk...