Chapter 27

4.3K 93 1
                                    

Chavelle

“Oh dali dali, picture kayo dun bilis!” turo ko sa mascot ni Woody sa Toy Story. As always, nagpakarga na naman si Serenity sa ama niya. Forrest is happily staring at the big mascot, kinawayan niya ito at kumaway naman ang mascot pabalik.

They posed in front of the mascot. Kainggit naman.

“Uh hi! Can I ask for a little favor? Could you please take a picture of us?”I politely asked the tourist.

“Sure sure.” Kinuha niya ang camera at pumwesto na ako sa tabi ni Forrest. We posed and did a wacky. Pagkatapos ay pinasalamatan ko ang turista.

“Daddy! Let’s buy those crowns daddy please!” and as always, Thaeus agreed to everything his little princess says.

“Kiddo, what do you wanna buy?”nilapitan niya si Forrest.

“Ah nothing po daddy. I am already enjoying while watching the mascots po.” He’s acting so mature again.

“Daddy! Let’s buy four pink crowns! For mommy, for Forrest, for Daddy and for Serenity!” Oh-oh.

At dahil ayaw naming magtantrums si Serenity, pareho kaming apat na may suot na pink na crown sa ulo. Forrest just giggled.

“Let’s take a picture mommy!” sigaw ni Serenity. Napatawa nalang kaming apat.

We took a picture together pagkatapos ay sumama sa parade. “Baby look, there’s a princess inside the big shell.” I was carrying Forrest habang naglalakad kami sabay sa parade.

“That’s Ariel daddy!” masiglang sigaw ni Serenity. She looked so happy. Si Thaeus naman ay nakatitig lang sa mukha ni Serenity. He smiled and turned to look at us.

“I love you….”he mouthed and I smiled.

“I love you more…” I whispered back.

“No! I love you more mommy!”napatawa ako sa sagot ni Forrest, mukhang nadinig niya ang bulong ko.

“Yes baby.” Napailing nalang kami.

After walking with the parade, Serenity was asleep. Sobrang napagod siya sa pagmemeet and greet sa mga disney princesses na nadadaanan namin.

“Mommy, I’m hungry na po.” Forrest was rubbing his tummy while making a face kaya ay agad kaming naghanap ng restaurant. Thaeus looked so tired but happy while carrying Serenity.

“Mabigat?” I asked him and he just rolled his eyes.

Nang nasa restaurant na kami ay hindi na namin ginising si Serenity, magtatake out nalang kami para sa kanya.

Karga pa rin siya ni Thaeus kaya ay si Forrest ang nagbibigay ng pagkain sa ama niya. They looked so cute that I immediately got the camera and captured the moment.

I am so lucky to have this family.

“Mommy you eat na po.” Napangiti ako sa sinabi ni Forrest. He’s just five years of age and yet he acts so mature.

“Yes, sir.” I jokingly saluted and ate. Pa minsan minsan ay sinusubuan ko si Forrest habang sinusubuan niya naman si Thaeus.

I looked at him and he smiled at me.

Pagkatapos naming kumain ay dapit hapon na, we will be waiting for the fireworks kaya ay magpapagabi kami dito. Ngayong gabi na din kami uuwi since private airplane naman ang dala ni Thaeus.

Serenity woke up and asked for food. Pinakain siya ng ama habang nakaupo kami sa bermuda, waiting for the fireworks.

“Baby, are you not sleepy?” I asked Forrest. He yawned and shook his head.

“No mommy. I will just sleep in the plane para hindi ka po mahirapang mag carry sa akin.” Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan sa pisngi.

Minutes later and the sky was filled with colorful fireworks. Agad kong kinuha ang camera at pinicturan ito.

Itinalikod ko ang camera at itinapat sa amin. “Smile!” I exclaimed and pressed the button.

Nang tinignan ko ito ay namangha ako sa lighting galing sa fireworks. Thaeus looked so handsome, nakakapit sa kanya si Serenity and Forrest was in the middle.

My little family.

Nang natapos ang fireworks ay dumiretso na kami sa airport. Nakatulog si Forrest kahit sakay pa lang kami sa taxi, he is so tired siguro.

We boarded on to the private plane at hindi ko namalayang nakatulog kami lahat sa biyahe.


We stayed at Thaeus’ house……our house as what he said. It was already 3 in the morning nang nakarating kami sa bahay.

We slept until the afternoon. Pagkagising ay agad na nagyaya na pumunta sa nakitang playground sina Forrest at Serenity.

“Wala ka bang trabaho, Thaeus?” sasama daw kasi siya sa amin.

“Nope! I wanna spend time with my babies. And that includes you sweetheart.” Bigla niya akong hinalikan sa labi.

I just shook my head at binihisan na ang mga bata.

“Forrest let’s go to the slide!” sigaw agad ni Serenity. Umupo lang kami sa bench at agad na tumakbo sila. Hinayaan na lang namin since marami din namang mga bata ang naglalaro.

Marami ding mga magulang ang nakabantay sa kanilang mga anak habang nakangiti.

“Thank you so much for everything, sweetheart.” Hinawakan ni Thaeus ang kamay ko at hinalikan ito. He caressed it with his thumb at napangiti ako.

“You are very much welcome. Bukas…..bisitahin muna natin si mama ha? Matagal tagal na ding hindi nakadalaw ang mga bata.” Miss na miss ko na talaga si mama.

“Sure sweetheart.” Inakbayan niya ako at napatingin kami sa paligid.

“Ang daming bata. Siguro oras na para dagdagan na natin sina Serenity.” Siniko ko ang tagiliran niya at napatawa siya.

Patuloy kaming nag aasaran nang napansin ko si Forrest na nakaupo malapit sa swing. Medyo malayo sa amin ngunit nakikita kong umiiyak ito. I looked around for Serenity’s clothes pero hindi ko makita.

“Thaeus, si Forrest.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tinignan niya ang tinitignan ko at agad kaming tumayo. Tumakbo kami papalapit kay Forrest habang lumilinga at hinahanap ang suot ni Serenity.

God, where is she?!

Nagsisimula na akong kabahan. “F-Forrest, where’s your sister?” he was sobbing so hard. Napansin kong may papel sa loob ng bulsa ng jumper niya.

Inalo siya ni Thaeus habang lumilinga pa rin sa paligid.

I opened the paper and my blood boiled.

I TOLD YOU THIS ISN’T OVER.

That was written in the note. Nagsimula na akong maluha dahil sa galit at pag alala. “W-why?” Thaeus asked and I handed him the paper. Agad siyang napamura nang nabasa ito.

God, please guide my baby. Please. Please.

______________________________







The Billionaire Wants MeWhere stories live. Discover now