Worst teacherSelena's pov
Nakatambay ako ngayon dito sa may rooftop at nag babasa ng libro habang may earpods sa tainga gusto ko muna mag relax nakaka stress yung mga bumabash sakin eh
Yung akala kong nakaka relax ay hindi pala dahil nakita kong naka pamewang na nasa harap ko si lip as in sya lang ano nanaman kayang binabalak neto
"Ikaw alam mo ang landi mo pati ba naman glen nilalandi mo dika na nahiya jan sa itsura mo" sabi nya sakin naka tungo lang ako dahil nanginginig nanaman yung kamay ko "ano! Dika maka sagot" sabi nya sabay sipa ng paa ko ang sakit may takong na sapatos nya yung tumama sakin eh
"Hindi ko naman sya nilalande eh" nanginginig na boses na sabi ko
"Anong hindi malande ka bat ka nya nililigawan ngayon kung di mo sya nilandi ha" sabi nya tsaka nya akO sinampal ng malakas kaya natumba ako sa sahig at nahulog yung earpods ko sa sahit naka ngisi ngayon ang loko
Napansin ko nalang na tumulo na yung luha ko akala ko tapos na sya dun pero di pa pala dahil nakita yung earpods ko at kinuha yun
"Mahal neto ah ninakaw moto noh? Mahirap kalang kaya pano mo nakuha to?" Natatawang sabi nya na may pang aasar
"Hindi ko yan n-ninakaw akin nayan!" Naiiyak na sabi ko pero tinataas nya yun para diko makuha at tsaka nya ako tinulak ng malakas dahilan para mag ka gasgas yung balat ko pero naka tingin lang ako ng masama sakanya
"Dapat dito sinisira dahil di ka dapat nag kakaron ng ganito di bagay sayo ang mga mamahaling bagay" asar nya habnag naka ngisi tsaka nya hinulog yung earpods ko tsaka tinapakan kaya ayun nasira
Pero imbis na mainis ngumisi na den ako
"Aba at may gana kapag ngumiti jan" amba nya akong sasampali kaya napapikit ako pero tumagal ang segundo pero walang tumatama sakin kaya dumilat ako
At nakita ko si glen hawak ang kamay ni lip na pang sasampal nya sana sakin tsaka binalibag na binitawan yun ni glen tsaka nya inabot sakin yung kamay nya kaya inabot ko yun nung naka tayo nako dun nya nakita yung gasgas sa kamay ko bigla syang bumaling ng masamang tingin kay lip na halatang takot na takot
"G-glen" may takot sa tono nya
"You did this?!" Galit na tanong ni glen pero di sumagot si lip at parang iiyak na "how dare you to touch my girl huh!?" Galit na sigaw nya pa kaya napa iyak na si lip "get out of my way!" Sigaw nya kaya kumaripas ng takbo si lip
Halos lahat ng campus alam na nililigawan ako ni glen kaya mas lalong lumala yung bully sa paligid ko pero palaging anjan si glen minsan para iligtas ako at natutuwa ako dun
Humarap sya sakin at pinunasan yung luha ko at nilagay nya yung hibla nang buhok ko sa likod ng tainga tsaka sya ngumiti
"Don't mind them" sabi nya nagulat ako sa sunod na ginawa nya hinalikan nya ako sa noo nanlaki pa yung mata ko nun "oh? Naestatwa ka jan?hahahha" sabi nya tsaka nya hinili yung kamay ko pabalik sa room meron pang ma ngilan ngilan na tumitingin samin at mag bubulungan
Nakuha pa namin yung atensyon ng mga kaklase namin nung maka pasok na kami sa room
"Go to your sit okay?" Sabi sakin ni glen nag nod naman ako tsaka pumunta sa upuan
"Haba naman talaga ng hair ng ating mudra" sabi ni andrea
"Bat parang namumula yung mukha mo?" Tanong ni andrew teka!ako lang ba o talagang parang nagiging lalaki na si andrew masyadong seryoso eh
"Sinampal ka ba naman ni lip eh" bulong ko dahilan na yun para marinig nila "teka lang andrew parang ang hot mo ngayon ah lalaki ka na ba?" Parang excited na tanong ko
Kahit sya ay parang nagulat sa inasal nya kaya yun back to beki na sya kumilos natawa tuloy kami ni andrea
"Oo nga noh medyo seryoso ka nun ahhaha" -andrea
Napailing nalang ako at tumingin sa harap dahil kakadating lang ng teacher namin. At tulad ng dati nag batian muna bago mag turo at eto yung isa sa mga teacher na lagi den akong nilalait si ma'am siwon yung may kausap nung nakaraan sa hagdan
"MUSCULAR INDURANCE MEANING?!" see nag paparecite na agad. And the result walang nag taas ng kamay kaya nag tawag nalang sya "YUNG PINAKA PANGET DITO TAYO!" biglang sabi nya kaya nag tawanan yung kaklase namin pero natigil nung ipalo ni ma'am yung kamay nya sa table "SINABI KO BANG NAKIKIPAG LARUAN AKO?! ANO TAYO KANA PANGET" sabi ni maam pero walang tumayo "ANO BA FERNANDEZ SABI KO TUMAYO KA DIBA!? IKAW YUNG PANGET DITO KAYA TUMAYO KA!" sabi ni ma'am may narinig pakong nbungisngis ng iba
Grabe tumatanggap sila ng ganyang teacher na nanglalait sa student nila
"Ma'am" kinakabahang sabi ko
"Ano na panget sabi ko muscular indurance definition!" Sigaw ni ma'am sakin. Nahihiya nako sa mga ginagawa nya laging ako yung sinusungitan nya at sinasabihan nyang panget
"Endurance is the ability of an organism to exert itself and remain active for a long period of time" paliwanag ko
"Ang talino mo talaga panget na nerd noh? Sige na umupo kana at baka ma bato kita ng chalk dito dahil jan sa pag mumukha mo" sabi ni ma'am kaya umupo ako na nangingilid ang luha bumuntong hininga ako para mapigilan ko yun tinap pa ni glen yung balikat ko tsaka sya ngumiti sakin
---x-x
TO BE CONTINUE
BINABASA MO ANG
Mr.bully and me (COMPLETE)
Teen FictionPano ako tatahimik na maraming mga manlalait sa paligid na? Pano ko ba babaguhin ang itsura kong ganito na may makapal na glasses may mga pimple at higit sa lahat nerd., pero may isang tao na nag paka totoo sakin at hindi ako iniwan at higit sa laha...