Hello america
SELENA'S POV
Naka sakay na kami ni shen ngayon dito sa eroplano
Humihikab na yung katabi ko siguro inaantok na habang ako naman nag cecellphone lang habang ka text si glen
:glen
Basta kumain ka ng maayos jan wag mo pababayaan ang sarili mo:):me
Ulit ulit?:glen
Ulit ulit kitang mamahalin😉:me
Nye nye corni mo sya sige na bye na:glen
Love u:me
Ilytoo"Oy sis sandal ka nga hihiga ko yung ulo ko sa balikat mo" sabi nya kaya sumandal ako "sis tulog muna ako ah?" Sabi nya habang nag pupuppy eyes
"Ayan na nga diba sige lang matulog kana" sabi ko kaya ginawa nya naman yun at natulog na sa balikat ko hindi ko namalayan na naka tulog na den pala ako
"Sis" inalog alog ni shen yung balikat ko "andito na tayo" sabi nya kaya dahan dahan kong minulat yung mata ko at tumingin sa mga paligid, tama nga sya nag sisialisan na kase yung mga pasahero
Kinuha ko yung maleta ko at dinala ko pababa
Maya maya ay palabas na kami nung may nakita akong nagpa ngiti sakin., dali daling tumakbo si serina at sedrix papunta sa gawi namin at niyakap nila ako ng mahigpit
"Grabe ate selena namiss ka namin" sabi nila sakin kaya ngumiti lang ako
Sunod kong nakita yung totoo kong mom and dad kaya pumunta den sila sakin at isa isa ko silang niyakap
"I miss you mom and dad" sabi ko sakanila
"Imissyou too sweetie" sabi nila sakin at niyakap ulit
*Ehem*may biglang nag ubo ubohan sa likod kaya tumingin ako dun at nakita ko ang pinaka mimiss ko na kaibigan dito sa america
Dali dali akong nag tungo sakanya at niyakap sya "did you miss me huh" may pag yayabang na sabi nya kaya napalo ko sya sa braso nya
"Bwisit ka eric jin!" Sabi ko sakanya ginulo nya naman yung buhok ko "parang dimoko namiss ah!"
"Of course imissyou too" sabi nya at ngumiti sakin kaya ngumiti den ako "ikaw nga eh may jowa na baka mamaya nakalimutan mona ako hahaha" sabi nya
"Big no sakin yon noh!" Sabi ko sabay pout pero bigla nyang kinurot yung pisnge ko kaya napa aray ako
"Ang cute mo pa ren kahit mukha kang nerd haha" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin
Kahit kailan talaga tong lalaking to hindi na nag bago tsk
"Oy oy tama na yan pumunta na tayo sa mansion aba!" Singit ni serina kaya nag tawanan kami at sumunod na lang sakanya
Habang nasa kotse kami ay nag kekwentuhan kami at nag kakasayahan
"Eh ano bang nangyari dun sa business dad?" Tanong ko kaya napa tingin sya sakin sa rear mirror
"May mga papeles lang na kailangang ayusin eh ayaw nila na kami yung mag ayus nun gusto nila eh ikaw" paliwanag nya
"Eh? Anjan naman kayo eh wala namang mag babago kung kayo yung mag aayus nun" pangangatuwiran ko
"The company said, tsaka ikaw daw kase ang humawak nun at nag ayos kaya ikaw ang gusto nilang mag handle nun" sabi naman ni mom kaya nag nod nalang ako
BINABASA MO ANG
Mr.bully and me (COMPLETE)
TienerfictiePano ako tatahimik na maraming mga manlalait sa paligid na? Pano ko ba babaguhin ang itsura kong ganito na may makapal na glasses may mga pimple at higit sa lahat nerd., pero may isang tao na nag paka totoo sakin at hindi ako iniwan at higit sa laha...