Picture
SELENA'S POV
"Hey glen gusto mo?" Alok ko kay glen ng fries nung makita ko syang mag isa lang sa upuan nya dito sa room at akala mo malalim ang iniisip at sobrang tahimik nya pa
Kami lang dalawa dito ngayon sa room kase nasa canteen lahat ng kaklase namin. Netong matapos nya mag kasakit parang may nag babago sakanya at parang mailap na sya masyado sakin na akala mo eh mayron akong virus.
Imbes na tanggapin nya ay inilayo nya yun habang umiiling
"Ayoko di ako gutom" walang reaksyon na sabi nya habang nakatingin sa ibang dereksyon,pero nilapit ko paren yung food sakanya kaya bumaling sya sAkin na wala pareng reaksyon ang mukha
"Sige na wala kapa atang kain" pangungulit ko habang naka ngiti
At nagulat ako sa bigla nyang ginawa
"SABING AYOKO!" Sabi nya sabay tabig ng malakas nung kamay ko na may hawak na fries kaya nanlaki ang mata ko habang tumingin dun sa mga fries
"O-okay s-sorry" medyo mahinang sabi ko habang naka yuko tsaka kinuha isa isa yung fries na nahulog
Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko sa kabilang mata ko kaya agad ko itong pinalis para di nya mahalata
Nung nakuha kona lahat nung fries sa sahig ay tumingin ako sakanya at dun ko lang napansin na nakatitig sya sakin kaya ngumiti ako kahit nagpipigil ng luha
Tinapon ko na sa basurahan yung fries at bumalik sa upuan ng di na sya tinitignan dahil baka di ko mapigilan yung luha ko kapag tumingin ako sakanya lalo na ngayon at ramdam ko pa yung tingin nya sakin
Sakto namang pumasok na yung lahat ng kaklase namin dahil tumunog na yung bell kaya umayos na ako na parang walang nangyari para di mahalata nung mga kaibigan ko
Maya maya ay pumasok na yung teacher naming si maam sonna kaya nag bigay galang kami bago sya pumasok
"So guys galingan nyo pa onte sa quiz dahil isa lang ang pumasa" sabi ni maam kaya nag bulungan agad yung mga kaklase namin
"Aysh nu bayan"
"Pustahan si selena yang isang yan"
"Edi sana all matalino"
"Maam ang hirap eh"
"Shht wag maingay" saway ni ma'am kaya nag tahimikan sila "and yes si selena ang pumasa" sabi ni ma'am "so go to topic na tayo dun tayo sa pinag aralan naten kahapon" sabi ni ma'am
"Ang hirap pa naman nun" sabi ni andrea na may pag rereklamo na bulong nya pero tahimik lang ako "oy tahimik mo ah" sabi nya sabay sundot sa bewang ko
"Kailan bako naging maingay" simpleng sagot ko
"Lah kailan kapa naging hambog?" Tanong nya pero inilingan kolang sya
"Selena can you describe what is meaning of enertia" naka ngiting sabi ni ma'am kaya nag nod ako
Astang tatayo ako nang maramdaman ko na nahirapan ako huminga kaya napa hawak ako sa dibdib ko pero diko pinahalata
Pasimple kong kinapa yung inhaler ko pero wala akong nakapa!
Halaaa!
Hanggang sa naka tayo nako ng tuwid habang naka hawAk paren sa dibdib kaya takang napatingin sakin yung iba habnag sila andrea at andew at sila glen naman ay may pag aalalang tingin
"Hey are you okay?" Tanong ni rem sakin sa likod ko pero nag nod lang ako
"E-enertia i-is......" nanginig yung boses ko siguro dahil sa emosyon or sa hirap kong huminga at di ko rin natuloy yung sasabihin ko
BINABASA MO ANG
Mr.bully and me (COMPLETE)
Novela JuvenilPano ako tatahimik na maraming mga manlalait sa paligid na? Pano ko ba babaguhin ang itsura kong ganito na may makapal na glasses may mga pimple at higit sa lahat nerd., pero may isang tao na nag paka totoo sakin at hindi ako iniwan at higit sa laha...
