Chapter 45

221 5 1
                                        

Baby angelo

GLEN's POV

"Bilisan mo yung pag papatakbo glen" selena said.. i'm driving dahil pinapamadali ako ni selena pumunta sa hospital dahil nanganak na daw yung anak nung kaibigan niyang si ashley

Grabe! Excited pa ata siya sa bagong panganak.. but i saw in her, she likes a baby.. but then grabe yung ingay niya kanina sa kwarto namin nung natanggap niya yung message nung kaibigan niyang si tonnie na nanganak na daw si ashley

Mabilis naman kaming nakarating, kaya dali dali kong pinark yung kotse ko at astang pag bubuksan siya ng kotse pero nauna pa siyang mag bukas nice huh tss

"Hey be careful" saway ko sakaniya dahil tumatakbo siya sa excitement niya tss

Madalas din kaseng magkasama sila ni ashley nitong mga nag daang mga araw kaya din siguro naging ganiyan yan.. hirap din basahin nito minsan eh

Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan yun habang nag lalakad kami kaya napatingin sakin si selena pero hindi ko na yun binigyan ng pansin at sabay kaming nag lakad papasok

Kumatok si selena sa tapat ng isang pinto or sabihin na nating room yun ni ashley

Bumungad samin si tonnie nung binuksan niya yung pinto, nagyakapan pa si selena at si tonnie bago pumasok kaya pasimple ko silang tinaasan ng isang kilay.. bat ba kase kailangang mag yakap tss

"Hello ashley" sabi ni selena at nakipag beso kay ashley na busy sa pag buhat sa baby niya habang naka ngiti

"Buti naka dalaw kayo" sabi niya sabay tingin saming dalawa kaya nginitian ko siya

"Halos hindi nga magkandarapa pumunta dito yang si selena"sabi ko kaya natawa si ashley samantalang inirapan naman ako ni selena

"Hala ang gandang bata" sabi ni selena habang tinitignan yung baby.. sa totoo lang ang sarap niya tignan habang hinahawak hawakan nya yung ulo nung bata, ewan ko lang pero nakakagaan ng pakiramdam na makita siyang nakatitig ng magaan sa bata

"Hello baby alam mo kamukha mo si papa tonnie mo" sabi ni selena habang tumatawa samantalang napa nguso naman si ashley kaya natawa kaming tatlo sa inasta niya

Sa totoo lang kamukha niya nga yung papa niya dahil ang laki ng pinag parehas ng mukha nila mapapansin mo din agad yun sa ilong at mata ng baby

"Oo nga eh feeling ko tuloy parang hindi ko na anak to kase ang layo ng mukha ko sakanya" naka irap na sabi ni ashley

"Hey!don't say that.. malay mo kaugali mo yan" tatawa tawang sabi ng nobyo niya

"Eh matanong kolang kailan nyo balak mag kababy?" Tanong ni ashley kaya napa iwas ng tingin si selena habang namumula pa kaya napa ngisi ako

"Maybe soon" ako na yung sumagot, kaya pasimple akong sinamaan ng tingin si selena

"Nice move bro" sabi ni tonnie kaya natawa kami

Pansin ko na hindi inaalis ni selena yung tingin sa baby, at bahagya pang naka simangot, pansin mo naman na kating kati na siyang buhatin yung baby pero di niya magawa kase halata naman na nahihiya pa siya

"Pffft nahiya kapa besh oh buhatin mo na si baby angelo" sabi niya sabay bigay kay selena nung baby kaya lumabas yung malaking ngiti niya

"Wow baby angelo yung name niya? Ang ganda bagay sakaniya kase mukha nga siyang anghel" sabi ni selena tsaka siya tumabi sakin habang kalong kalong yung baby

"Pero demonyo yung tatay niyan" iling iling na sabi ni ashley kaya sinamaan siya ng tingin ng nobyo niya pero nag piece sign siya

"Ang gandang bata no?" Tanong niya sakin habang buhay buhat yung baby

Mr.bully and me (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon