She's lucky girl
SHEN'S POV
"OY alam mo ikaw namimihasa ka na sa pang aasar sakin ah!" Inis na sabi ko kay andrew pero ginagaya niya lang kung anong ginagawa ko at ginagaya yung mga salita ko
"Alam mo ikaw namimihasa kana sa pag aasar sakin" pang gagaya niya nanaman kaya pinanlisikan ko siya ng mata at akmang hahampasin siya nung bigla siyang mag salita "woa! Teka lang walang ganiyanan baka nakakalimutan mong andito tayo sa mental para kausapin yung ugok na s.a nayun" sabi nya habang tatawa tawa
Medyo na tauhan naman ako sa sinabi niya.. dahil andito talaga kami para kay s.a, parang gusto ko durugin yung katawan niya sa sobrang inis ko sakaniya lalo na kapag naiisip ko yung ginagawa niya kay selena
"Tss see, nahalata na agad yang usok sa ilong mo" iling iling na sabi niya kaya inirapan ko lang siya "taray kala mo naman sobrang ganda tsk" sabi niya kaya tinignan ko nanaman siya ng masama
"Alam mo!? Kung wala kang sasabihin na matino, shut your mouth!" Inis na bulyaw ko habang tinuturo pa yung mukha niya
Tumawa lang siya kaya nanguna na agad ako sakaniya
"Ma'am sino po dadalawin?" Tanong nung lalaki na i think yung guard dito sa mental na puno ng mga baliw tss
"Stein albert" simpleng sagot ko ay pinapasok na kaming dalawa ni andrew
"Room 367 po ma'am" sabi nung guard kaya tumuloy na ako at hinanap yung room na yun
"Here" biglang tigil ni andrew sa likod ko kaya napatingin ako sa harap niya at andun nakalagay yung room 367
Napakuyom ako ng kamao dahil nababalot talaga ako ng inis, gigil, at galit sakaniya, hindi ganito yung nakilala kong s.a, yung nakilala kong s.a ay maalaga, mabait, mapag bigay, magalang, at mapag mahal...
Walang pag aalinlangang binuksan yun ni andrew kaya napa deretso kami sa room na tinahak namin at huminto sa may malapit sakaniya
Nakatalikod siya habang naka tulala sa bintana at halata na malalim ang iniisip.. ewan ko pero nangilid yung luha ko, dahil kahit saang anggulo mo tignan ay may pinag samahan parin kami ni stein. Parang kuya na namin siya dati... parang ayaw pa tanggapin ng sistema ko lahat ng to
Kung sana nananaginip lang ako, but hindi eh. Asa harap ko na mismo yung hustisya... wala na yung stein na nakilala namin at masakit isipin na may sakit siyang mental disorder...
Napatulo yung luha ko ng di inaasahan... i know na manghihina ako sa mga ganitong eksena o pang yayari....
Humarap siya samin at pansin ko yung pamumutla nung mukha niya "s-stein" garalgal na tawag ko sakaniya kaya ngumiti siya na parang walang nangyari sa kaniya netong nag daan na araw
"Oh hello shen my beautiful sister.. how are you?" Tanong niya na halata ang pag kawala sa sarili kaya lalo akong naiyak "don't cry baka magalit sakin si selena" sabi niya
Lahat ng galit at inis ay parang nawala dahil akala ko kaya ko siyang harapin ng may galit pero... ako rin mismo yung nanghina at lumambot sakaniya
Astang yayakapin ko siya pero hinila ni andrew yung braso ko kaya diko nagawa yung dapat ko gawin "remember shen he's super dangerous" bulong ni andrew. Kaya kahit labag sa loob ko ay napa layo ako
"Dinadalaw mo ba ako? Asan si selena? Gusto ko siyang makita shen" parang maamong tupa na sabi niya pero nababakas yung pagiging mahinhin niya kaya nag iwas ako ng tingin
"Why did you do this to her?" Tanong ko habang naka tungo dahil hindi ko kayang titigan yung mukha nya baka lumambot nanaman ako
Hindi siya sumagot pero naka tanggap kami ng malademonyong tawa galing sakaniya at nanaig ang boses niya sa loob ng silid na yun
BINABASA MO ANG
Mr.bully and me (COMPLETE)
Roman pour AdolescentsPano ako tatahimik na maraming mga manlalait sa paligid na? Pano ko ba babaguhin ang itsura kong ganito na may makapal na glasses may mga pimple at higit sa lahat nerd., pero may isang tao na nag paka totoo sakin at hindi ako iniwan at higit sa laha...
