Why me
SELENA'S POV
Kaming tatlo nila andrea at andrew ang magkasama ngayon dahil nag reready na sila glen at yung dalawang ulupong nya para sa basketball mamaya,Nalaman ko den na kasali pala si lim sa basketball
Nag babasa lang ako dito sa chair ko and yung dalawang kambal naman ay nasa harap ko
Pinanliliitan ko ng mata minsan si andrew kase tingin ng tingin minsan at napapansin kopang parang lalaki na kumilos kaya binaba ko yung librong hawak ko tsaka ko sila binalingan
"Tsk pogi ba yan hindi yan pogi" turo ni andrew sa pinapakita ni andrea sa cellphone nya
"Pogi kaya look oh selena diba pogi nung model sa america" baling nya sakin kaya napatayo ako habang hawak yung libro ko at lumapit sa tabi nya para tignan kung sino yun
Inayos kopa yung salamin ko bago ko tignan yun kaya parang pamilyar sakin eh nung makilala ko kung sino sya ay nanlaki yung mata ko tsaka nabitawan yung libro
Eric jin!
"Oh? Ayus kalang wag mong sabihin na crush mo yan?" Tanong sakin ni andrew
Dali dali kong kinuha yung libro ko tsaka bumalik sa upuan ko "maitsura naman" sabi ko tsaka tumingin sa ibang direksyon "kaso panget ugali" bulong ko yung hindi nila maririnig
"Tsk ang oa mo girl may pabitaw bitaw libro kapa jan baka mamaya may gusto ka dito" sabi ni andrea pero tinignan kolang sya tsaka nag iwas ng tingin at aksidente namang tumama yun kay andrew na naka cross arm habang seryosong naka tingin sakin
"Wait nga bat ang seryoso mo lalaki ka ngayon ah?" Tanong ko sakanya pero nag iwas lang sya ng tingin
"I'm not" sabi nya kaya parehas kaming natawa ni andrea
"Netong mga nag daang araw parang lalaki na kumilos yan hahh" sabi ni andrea "may nagugustuhan na ata yan girl" baling nya sakin
Nagulat kami nung bigla nyang ihampas ng dalawang kamay nya yung table
"Anyari sayo bro?" Tanong ni andrea
"Problema ko? Eh anong masama kung maging lalaki ako masama ba mag ka gusto sa babae huh?!hindi naman masamang mag ka gusto sayo diba?" Tanong sakin ni andrew tsaka kumaripas ng alis
Kaya nagkatinginan kami ni andrea habang gulat ang expression
Napahawak sa bibig si andrea habang ako na tulala lang sa kawalan why me?, napahilamos nalang ako sa mukha ko
"KYAAAAAAAA! KING INA BHE ANG HABA NG HAIR MO" parang kinikilig pa na tili ni andrea
"Tsk tara na nga punta na tayo sa court mag sisimula na" sabi ko tsaka sya hinili papunta dun
Sari saring bulungan nanaman ang narinig namin, syempre ano pabang bago tsk
Umupo kami sa upuan medyo malapit sa upuan ng mga teammates ng basketball, nakita kopa grupo nila lip na nag tititili ng pangalan nila glen, pati na rin yung iba puro pangalan nila glen yung sinisigaw
"Woohooo go glen"
"We love you glen"
"Marry me glen"
"Wooo go team"
"I love you rem"
"Galingan mo ronald"
Sigaw nila kinawayan naman nila yung mga nag checheer, biglang tumama yung tingin namin ni glen kaya kinawayan ko sya tsaka nginitian, bigla syang nag flying kiss sakin kaya yun mas kinilig pa yung katabi kong si andrea, napailing nalang ako habang tumatawa
Kinawayan ko den si lim na kanina pa pala nakatingin sakin nag salut na pang army pa sya sakin kaya nginitian ko sya
Nag simula na ang game at ang ganda ng laro dahil walang binatbat yung mga kalaban dahil taob na agad sila kay glen tsaka lim, tuwing nakaka shot sila ay pumapalakpak ako pero di ako gumagaya sa iba na tumitili katulad neto ni andrea, medyo nahiya ako eh
Hanggang sa natapos ang laro at panalo ang ris kaya sobrang saya nung mga ris student, pag tapos mag anounce nung dean ay pumunta ako agad kay glen na pinag kakaguluhan ng babae nung nakita nya ako ay hinila nya ako kaya lumayo na yung mga babae na parang nandidiri pa sakin
Kinuha ko yung bimpo nya tsaka ko pinunas punas sa noo nya kaya ayun at parang nakakuha ng jackpot si glen sa sobrang pag ka ngiti sakin
"Lover boy talaga to eh" asar sakanya ni rem kaya binato sya ng bottle ni glen "oy eto di mabiro"
"Hahahha" diko napigilang matawa sakanila
"Tsk badtrip tong rem na to ah" bulong nya
"Haha ang ganda ng laro mo ah congrats"sabi ko
"So asan yung kiss ko ang dami nung na shoot ko eh" sabi nya dahilan para mamula ako "your blushing again haha" sabi nya tsaka nyako kinurot sa pisnge
"Arhg sakit nun ah" sabi ko habang hinihimas yung pisnge ko
Nakita ko pa si lim na nakatingin samin na seryoso pero napawi yun nung nakita nyang naka tingin ako sakanya "oy congratulation sainyo lim naks galing mo pala mag basketball Ah" sabi ko tatapikin ko sana si lim sa balikat nang biglang kunin ni glen yung kamay ko kaya napa simangot nalang ako
"Haha thanks by the way i gonna go" sabi nya, tumingin muna sya sa mag ka hawak na kamay namin ni glen bago sya umalis
"Ang weird nya ah" sabi ko
"Tsk tagal na weird yun haha" sabi ni glen
"Parang di naman" sabi ko, ginulo nya yung buhok ko tsaka nya ako hinila papunta kela ronald,rem,andrew,andrea
Medyo awkward kami ngayon ni andrew dahil nag iiwasan kami ng tingin kapag nag kakatinginan kami, pero biglang nag salubong yung kilay nya nung tumingin sya sa mag kahawak kamay namin ni glen
Ano bang meron sa kamay namin ni glen at ganyan sila tumingin ni lim tsk
Biglang kinuha ni glen yung cellphone nya dahil may nag message pero nung nabasa nya yun bigla syang ngumiti kaya kumunot yung noo ko bat kailangang ngumiti?
Bumaling sya sakin pero naka ngiti paren "sama ka sakin pupunta ako sa poundation nila mama dun bahay ampunan ang daming bata dun and don't worry di nanglalait basta basta dun yung mga bata" sabi nya kaya biglang na excite ako
"Sige ba" pag sang ayon ko kaya nag paalam muna kami sa mga kaibigan namin na pupunta muna kami dun sa bahay ampunan, nag palit muna si glen ng damit bago kami umalis,habang nag dadrive sya nag umpisa na akong mag salita
"Teka nga bat pala tayo pupunta sun?" Takang tanong ko
"Tutulong tayo kela mom mag bigay ng mga gifts sa mga bata" sabi nya habang tutok sa pag dadrive
"Ah it means matagal nyo nang ginagawa yun?" Tanong ko nag nod naman sya
"Si mom panga yung nag sabi na isama kita dahil alam nyang kasama kita ngayon dahil game ko sa basketball" sabi nya kaya napa nod ako
"Ang bait talaga ni tita nako siguro sobrang saya nung mga batang yun kapag naka tanggap sila ng mga bigay na bagay"
"Oo naman" pag sang ayon nya
Nagpatuloy lang kami sa pag kwentuhan habang nasa byahe kami
TO BE CONTINUE.......
BINABASA MO ANG
Mr.bully and me (COMPLETE)
Roman pour AdolescentsPano ako tatahimik na maraming mga manlalait sa paligid na? Pano ko ba babaguhin ang itsura kong ganito na may makapal na glasses may mga pimple at higit sa lahat nerd., pero may isang tao na nag paka totoo sakin at hindi ako iniwan at higit sa laha...
