CHAPTER 7.

4 0 0
                                    

AIRAH ELLA ANITHA.

MASAYA akong gumising.

Nakapag impake na din ako.

Pagkalabas ko sa guest room bumungad sa akin si Manang at Manong.

Bagong dating sila.

'Akala ko ba 3days sila dun? 1day pa sila ah?' Takang tanong ko sa isip.

" Oh airah? Aalis kana?" Aniya.

" Ah oo! Bakit ho ngayon kayo umuwi? 3days kayo diba?" Diko na napigilan mag tanong.

Bumuntong hininga pa siya.

" oo iha! Pero pinauwi agad kami ni Sir.David iha! Kasi pauuwiin ka raw niya!" Paliwanag nito

Nahihiya ako! Kasi ako ang dahilan kung bakit umuwi agad sila

Pero wait? Bakit pinauwi agad ako ni sir?

" Magpaalam kana kay Sir iha!" Biglang sabi nito.

" Ah hindi na ho Manang! Baka tulog pa yun! Pakisabi nalang ho sa kanya! Maaga akong umuwi!At pasensya napo kung dahil sakin eh pinauwi kayo" Paki-usap ko rito at Sabay paumanhin.

"Ano kaba iha. Okay lang iyon. Sge na iha!" Yun lang sinabi niya at niyakap ako.

" Mag ingat ka-" habilin nito.

At kumlas sa pagyakap. Nginitian ko lang siya bilang sagot.

" ingat iha!" Sabi sakin ni Manong! 

" Sige ho kayo rin!" Sabi ko sa kanila at kumaway ! Palabas na ako ng mansyon!

Kumaway ako sa isang taxi. Agad din itong huminto sa tapat ko.

Sinabi ko na kung saan ako baba.

Ilang minuto pa nadating kuna ang bahay ko.

" Dito lang ho manong! Bayad ko ho!" Inabot ko ang bayad ko. Kinuha din naman nya.

At umarkada na.

Nasa tapat na ako ng pinto.

" Ma?" Katok ko sa pinto.

Bumukas agad ito. Bumungad sa akin si mama na namumutla na.

" Ma? Okay ka lang?" Alalang sabi ko. Natarantan na ako. 

" a-anak!" Yun huling sabi niya at nawalan ng malay.

" M-ma?"  nangilid na mga luha ko.

Binuhat ko agad siya at kumaway ng taxi.

" Manong please dalian nyo!" Sigaw ko sa manong

" Ma? Kapit ka please!diba lalaban ka? Lalaban ka Kasi Hindi moko iiwan?" Tumulo na ang luha ko. Hinihimas ko mga pisngi niya.

" Manong dalian nyo!" Nataranta kong sabi.

" Hito na ho maam" takot na aniya. 

" Tulungan mo ako dali!" Paguutos ko. Agad din niya akong tinulungan.

Sumalubong sa amin yung nurse.

" P-please d-dalian nyo!" Sigaw ko sa mga nurse.

Agad din nilang pinahiga sa Higaan.

" Sa Labas lang muna kayo maam" mahinahon na sabi sa akin ng nurse.

" No! Kailangan ako ni Mama!" Humahagos na mga luha ko.pero pinigilan nila ako.

My Handsome BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon