CHAPTER 22

2 0 0
                                        

AIRAH ELLA ANITHA

Ng makapasok na ako sa mansyon nagtungo na ako sa kwarto ko.

Tinanong pa ako ni manang bakit daw kami napaaga.

Di ko nagawang sagutin iyon.
Parang lutang ang utak ko

Hindi ko alam pero nasaktan ako hindi dahil sa pagpapanggap namin ni Sir.David kundi naalala ko si papa sa kasinungalingan niya.

Humiga muna ako at dun umiyak.

"Bakit ganito? Mama naman bakit moko iniwan! Iniwan na nga ako ng papa! Pati ikaw ba naman?" Umiiyak na sambit ko sa sarili.

" Ma! Sana ho gabayan nyo ako ha? Mahal na mahal kita!" Smbit ko'ng muli..

Nasaktan ako kanina dahil naalala ko papa.

Sabi ni papa dati pagod na siya sa amin pero hindi pala.

Iniwan niya kami dahil may babae siya.

At sabi pa niya bumagsak ang company namin pero mali iyon! Kasinungalingan lang lahat..

Di dahil sa company bakit niya kami iniwan, binenta niya ito at sumama sa babae! Iyong babae na yun ang mayaman na babae at may malaking company.

Bakit nalaman ko?

* FLASHBACK*.

Ng lumala na ang cancer ni mama 
Napag disyonan ko na hahanapin si Papa.

Pero diko ito pinaalam kay mama.
Tanging si tita lamang.

" Tita! Bantayan mo muna si mama ha!" Habilin ko kay tita.

" Bakit? San kaba pupunta?" Tanong nito sa akin.

" T-tita.... Wag nyong sasabihin kay mama ha?" Pagmamakaawa ko sa kay tita..

" Ano naman iyon?" Sabi nito.
Huminga muna ako ng malalim

" Hahanapin ko po si papa!" Deretsyang sabi ko kay tita.

Natigilan siya sa sinabi ko.

" T-tita! Alam kong galit kayo! P-pero ginawa koto dahil kay mama! Alam ko kasi mahal pa ni mama si papa!" Sabi ko, nagsimula nanamang uminit ang gilid ng mata ko.

Lumapit sakin si Tita at niyakap.

" Okay naiintindihan kita! Basta mag ingat ka okay?" Habilin nito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango ako.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko

" Ganito! Puntahan mo ang dating secretary ng papa mo dati! Baka alam nya iyon!" Sabi nito sa akin.

" Sino ba nga iyon tita?" Tanong ko.

" Si Aena! Iyon yung secretary nya!" Sabi ni tita sa akin. Naalala ko agad si Aena.

" Ah yun pala! Kilala kuna tita!" Seryosong sabi ko

" Pero tita....diko alam kung saan si Aena?" Nakangiwing sabi ko.

May kinuha si tita na papel.

Binigay niya iyon sa akin.

Addres iyon ni Aena.

"Sge tita punta na ako! Baka magising pa iyom si mama!" Sabi ko .

" Sge mag iingat ka!" Saad niya at hinalikan ako sa pisngi.

Lumabas agad ako sa bahay at kumaway ng sasakyan.

Di naman ako nahirapan sa pag hihintay.

Sinabi ko na kay manong driver kung saan ako baba.

My Handsome BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon