CHAPTER 8

3 0 0
                                        

AIRAH ELLA ANITHA.

Apat na araw! Apat na araw akong nagmukmok da kwarto!

Ilang beses akong sinabihan ni tita na lumabas

Kasi maraming bisita. Pero di ako nakinig dito.

Apat na araw akong di kumakain.

Nababaliw na si tita sa pag-alala sa akin.

Minu-minuto niya ako pinupuntahan dito.

Baka raw magpakamatay ako.
Di ko naman yun gagawin!

Ang gusto ko lang humiga.

Gusto ko lang na umiiyak hanggang maubos mga luha ko.

Gusto ko lang magmukmok hanggang matanggap ko na wala na si mama.

Ngayon Namin ilibing si Mama! 

Nagluksa padin ako! Diko pa din tanggap na wala na si Mama!

Ang kalahati kong buhay parang nawala na!

Nawala dahil wala na ang pinakamamahal kong ina.

"airah?" Mahinahon na katok ni tita.

" Gising kana ba?" Muling tanong nito.

" Yes tita! Magbihis muna ako!" Diko pinahalata na umiyak ako.

Gumagaralgal na kase boses ko .

"Okay!" Aniya.

Tinuon ko nalang pansin ang pagbihis ko.

Naka black kaming lahat.

Pagkatapos kong magbihis lumabas agad ako.

Laking gulat ko na Maraming tao!

Iilan lang naman nakilala ko sa kaibigan ni mama.

Pero ngayon? Ang dami nila! Di naman mayaman si mama para ganito karami ang pupunta.

Napailing nalang ako sa kaiisip ko. Nilingon ko si tita.

Pagod na pagod na ang mga katawan niya.

Tumutulo na mga pawis niya.

" Tita??... Ako na ho dyan!" Pagpresenta ko.

" Oh airah? Di na ako na dito! Maupo kana dun" nakangiting aniya. Pero di ako sumunod.

" Tita.. Pagod kana! Please ako na dyan!" Mahinahon na ani ko. Huminga pa siya ng malalim.

" Okay kana ba?" May halong pag-alala pa ito.

" Yes tita okay na ho ako! Sorry tita kung ikaw pa nag asikaso!" Paumanhin ko rito.

Hinawakan ni tita ang Balikat ko.

"No! Pamilya ko kayo! Kaya tutulong ako! Okay! O siya tama nato! Baka san pato mapunta ang usapan!" Tatawang-tawang aniya. 

" Sige na ho tita. Ako na dyan! Maupo kana dun!" Sabi ko kay tita.

" sige! Tawagan mo lang ako if di mo na kaya!" May halong pag-alala parin ito sa mukha. Nginitian ko siya ng tipid.

" Di na ho! Ako na talaga! Kaya ko to!" Panigurado ko rito.

" Sige ikaw bahala!" Ganun parin reaksyon niya.

Tinalikuran na niya ako.

Pumunta ako sa mga bisita at dun kinausap sila.

Nalungkot sila sa nangyari kay mama!
Ngayon pa talaga sila lumabas? Na wala na siya!

Mayayaman lahat ng kaibigan ni mama! 

Pero iwan! Bkit di nila kami tinulungan!
Dati pa kami humingi ng pera sa mga kaibigan niya.

Pero kahit piso man lang wala!.

Napaka plastic!!!.

Silang lahat nginitian ko sila ng tipid.

Habang kinakausap ko sila kumukuyom mga palad ko.

Dahil sa galit.

Galit na kahit kailan di nila kami tinulungan.

Glit na napaka plastic nila.
Lahat! 

Napaka plastic talaga nila! 

May gana pa talaga silang pumunta tsk! 

Nandito na kami sa sementeryo.

Lahat ng tao nag iyakan.

Kasali na ako pero diko pinahalata na 
Mahina ako.

Ngayon ako na mag isa! 

Nakaupo ako sa tabi ng puntod ni mama

Hinihimas ko pa ang semento.

" Ang daya mo naman ma eh!" Sabi ko rito. Namumuo na mga luha ko sa mata.

" Diko alam! Diko alam na lalaban paba ako! Iniwan na nga ako ng tatay! Iiwan mo pa ako!" Sambit ko sa puntod ni mama.

"Mahal na mahal kita ma! Araw-araw kita pupuntahn dito ma! Promise ko yan" nakangiting sabi ko sa puntod niya.

" paalam!" Huling sabi ko sa puntod. At tumayo.

Nakita ko sa di kalayuan nandun si Tita. Nakasandig sa Kotse!

Sinalubong agad ako ni tita at inalalayan.

Nang makasakay ako

Tahimik lang akong umiiyak!

" Airah! Tahan na!" Sabi sakin ni tita! Hinahaplos ang likuran ko.

" Huling iyak kuna to tita!" Sabi ko rito. Di na niya ako sinagot pa.

Dumiretso kami sa bahay ni Tita.

Sabi kasi ni Tita sa kanya muna ako tutuloy.

Wala din naman raw siya kasama sa bahay kaya pumayag na ako. 

Kapag sa bahay namin ni mama ako tutuloy magisa din ako dun.

Kaya sumama na ako kay tita.
Diko na nilingon pa si tita ng makapasok na kami sa bahay niya.

Umakyat ako patungo sa kwarto na pinahanda ni tita.

Agad akong humiga. 

Dun umiyak nanaman.

Di tumatahan ang mga luha ko
Kusa itong tumutulo.

Hinahayaan ko ang sarili ko na umiyak.
Habang kayakap ang isang unan.

Ilang saglit pa hinila ako ng antok dahil sa kakaiyak ko...

Chapter 9👉
A/N : Follow and vote :>

Sorry for my Grammatical errors.

My Handsome BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon