Bawal na Pag-ibig II

952 28 5
                                    

Tunghayan ang pag-ibig ng isang engkanto para sa taong kaniyang minamahal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tunghayan ang pag-ibig ng isang engkanto para sa taong kaniyang minamahal...

Pag-ibig ng Engkanto

Ano ang gagawin mo kung mailagay ka sa sitwasiyon na wala kang pagpipilian pagdating sa pag-ibig?

Hahayaan mo ba na angkinin ka ng isang nilalang na nanggaling sa kakaibang mundo?

Pagkasapit ng ika-labing-pitong taon ng dalagitang si Ligaya ay nag-umpisa na siyang managinip tungkol sa isang lalaki na hindi niya naman kilala. Makisig ito, matangkad, maganda ang pangangatawan, at ang hitsura nito ay maihahalintulad niya sa isang Español na binata.

Noong una ay hindi niya ito gaanong binibigyan ng pansin, aniya’y baka produkto lamang iyon ng isip niyang malikot. Ngunit ilang buwan na ang lumipas ay nagpapakita pa rin ito sa kaniya. Hindi siya nito tinigilan.

Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan niya.

Ang araw kung kailan siya nito kukunin...

Ano ang magagawa ng isang mortal na tao kung namarkahan na siya ng pag-ibig ng isang engkanto? At ang sinumpaang mga salita ay hindi na maaaring mabali para rito?

October 12, 2020

Ang ilang bahagi ng kuwentong ito ay hango sa totoong buhay ng may akda.

Ang mga pangalan ng mga kaibigan ng bida na ginamit dito ay hango rin sa totoo nilang mga pangalan, ngunit kinailangan kong paikliin at baguhin nang kaunti upang itago na rin ang tunay nilang pagkakakilanlan.

May permiso rin ako mula kay Ellie para isulat ang naging partisipasiyon niya sa kuwentong ito, maging sa mga kaibigan kong nadamay sa kuwento.

Ngayon lamang ako naglakas ng loob na ibahagi ang aking sikreto. Mula sa una hanggang sa gitnang bahagi ay totoo ang lahat ng iyon, ngunit doon banda sa huling bahagi ng maikling kuwento ay gawa-gawa ko na lamang upang bigyan ng katapusan ang kuwento ni Ligaya.

Sana’y maibigan n’yo ang kuwentong ito... :)

Bawal na Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon