CHAPTER 4

6 4 0
                                    

MARIEGOLD POV

Alas kwatro na rin ng hapon,medyo nakarami din ng pasahero kanina,isang ikot na lang ay gagarahe na ako,may kinita na rin naman na ako at may pang bayad na rin ng boundary'',maya't maya lang marami na ang estudyante ang nagsidatingan' ang iba ay nag uunahan na makasakay sa aking traysikel dahil marami sila siksikan tuloy sila at ako nga ay halos nakaupo na sa tangke pero okay lang atleast makakagarahe na din akong maaga pagkatapos nito.

Merong estudyante ang binati ako.

"Hi ate,buti ikaw ang driver hindi boring ang biyahe HIHIHI"hindi maiwasan ng ibang estudaynte ang kiligin sa driver kahit kasi kapwa babae nila ito ay nagagandahan sila at naastigan sa kung paano nito dalhin ang sarili kahit ang mga binata na sakay ni gold ay nakatitig lang sa kanya ..

"naku nambobola kana naman Tricia" Si Tricia ang madalas niyang pasahero kapag sumasideline siya kay manong gabo.

"naku' ate you know naman na hindi ako marunong magsinungaling HEHEHE"Then pouting her lips while giggling you can see on Tricia's eyes the admiration also the other passenger,kulang na lamang ay maghugis puso ito,kung sakaling naging tunay na lalaki lamang ito ay hindi malabong lahat ng kababaihan ay mainlove kay Gold.

Pero alam ni Gold ang tunay niyang pagkatao kailangan niya lamang mag disguise sa ganitong anyo upang hindi na rin siya maka attract pa ng iba,simple lang din naman talagang babae si Gold hindi palaayos at hindi rin marunong pumorma,kung ano ang komportable siya ay yun lamang ang kanyang susuotin,sa katunayan ee t-shirt at short lamang ata ang alam niyang suotin,kung sakaling may lakad man siya ay pantalon at isang polo shirt na fitted ang kanyang suot na madalas ayaw niya rin suotin dahil na rin siguro na eemphasize ang kanyang dibdib at beywang',huminto muna si gold dahil naabutan sila ng traffic light.



SAMANTALA habang nakahinto ang sasakyan ng isang ginang namataan niya ang traysikel sa gilid nila,namukhaan niya ito at mas lalo niyang napatunayan na ito ang babaeng nagligtas sa kanya dahil lumingon ito banda sa gilid niya.At hindi siya makapaniwala na ito ang trabaho ng babae,ng umusad na ang mga kotse,kinuha niya ang cellphone sa bag niya at pinicturan niya ang plate number ng traysikel na iyon.

May tinawagan ang ginang sa kanyang cellphone at kinausap ang dapat niyang makausap,isang hakbang para malaman ang katauhan ng babaeng gusto niyang makilala at nais maging kabiyak ng kanyang anak na lalaki,napangiti na lang ang ginang sa kanyang naiisip at tila naeexcite sa mga mangyayari.

Pero hindi maiwasan ng ginang ang mapaisip dahil parang pamilyar na sakanya ang mukha ng dalaga,siguro nakita ko na ito somewhere hindi ko lang maalala,nagkibit balikat na lang ang ginang at hindi na inisip pa ang mga agam agam na pumapasok sa isip nya.



MARIEGOLD POV

Matapos kong magarahe ang traysikel ni Manong Gabo ay nagpaalam na ako kay ate Cel,at naglakad na pauwi,pero bago yun ay bumili muna ako sa palengke ng ingredients na aking lulutuin sa aming hapunan at bumili na rin ng ice cream na paborito ng aming bunso,baka nagtatampo na yun dahil wala na akong masyadong oras sa kanya.

Nakapasok na ako sa aming bahay at naabutan ko si Mar-Mar na ginagawa na ang project niya. Napansin naman agad ako ni Mar-Mar at dali-dali itong tumayo at inaalalayan ako sa aking dala,pababa naman na si Bell nung naabutan niya ako sa pinto.Excited itong bumaba at niyakap ako.

"ate namiss kita HEHEHE."

"Asussss naglalambing na naman ang bunso ,at dahil dyan may ice cream akong dala at yung paboritong mong cookies and cream ang binili ko."

TAMING A BEAST (ON-GOING)Where stories live. Discover now