MARIEGOLD POV
Pauwi na ako galing sa pagbebenta ng isda,ang kinita ko ngayong araw ay pwede ng pandagdag para sa baon ng mga kapatid ko.May duty pa pala ako mamayang gabi ang trabaho ko naman dun ay isa naman Security Guard dun sa may bangko,bukas naman ay magbabantay naman ako sa karenderya ni Aling Uring ,tamang-tama naman at may maiiabot ako kay Mar-Mar para sa mga projects niya.
Nga pala meron akong dalawang kapatid ako ang panganay sumunod sakin si Mar-Mar ang buong pangalan niya ay Cyclamen Mars Ocampo Stewart at ang bunso naman namin ay si Bluebell Saturn Ocampo Stewart.Oooh!! ang taray ng pangalan noh mahilig kasi ang nanay ko sa bulaklak at sinunod naang nila ang pangalan ng planeta sa pangalan namin.
So ayun nga i actually have four jobs kailangan ko kasi magkayod para na rin sa future ng mga kapatid ko lalo na at si Mar-Mar ay gusto maging Inhinyero malapit na siyang magtapos ng highschool kaya pinaghahandaan ko na ang pag college niya.
Sa edad kong 23 anyos natuto akong makipagsapalaran lalo na at ako na lang ang inaasahan ng mga kapatid ko.Undergrad ako ng Criminology dahil gusto ko maging kagaya ni tatay kahit na ito rin ang kinamatay nito,si nanay naman ay sumounod din kay tatay mga ilang buwan lang, dahil na rin sa sakit sa puso siguro naka dagdag na din dun yun pangungulila niya kay tatay.
Hindi rin masyado nakapag ipon si tatay dahil naka maintenace si nanay during that time pero kahit paano may naiwan naman si tatay samin at ginamit ko yun pang puhunan ko sa pagbenta ng isda at yung natira naman ay tinabi ko para na rin sa pampagamot ko kay Bluebell,namana niya kasi yung sakit niya sa puso kay nanay kaya pinaghahandaan ko na rin yung mga ganung bagay at pangmaintenance niya rin ng gamot,bukod kasi dun gusto ko na rin siya maoperahan pag lumaki na siya at pag kaya na ng katawan niya ang operasyon so far nadadaan pa naman sa gamutan kaya may mahabang araw pa ako para makapag ipon.
Nakadating na din ako sa bahay,mga ilang metro lang naman ang nilakad ko magmula sa palengke kaya nilakad ko na lang din sayang din sa pamasahe,bumili na din kasi ako ng ulam para pag uwi ko sa bahay kakain na lang kami.
"I'M HOME!!"sigaw ko sa loob ng bahay.
Agad akong nakita ni Mar-Mar,sa edad na disi otso ay halos magkasing tangkad na kami,matangkad kasi si tatay kaya namana na din namin yung height niya perks of having american blood,half american kasi ang tatay dahil ang aking lolo ay pure american at ang lola naman ay purong pinay.
Nasa langit na din silang dalawa kaya wala na talaga ako maasahan pang ibang kamag anak,ang nanay kasi ay isang orphan kaya wala din kaming kinilalang lola at lolo sa side si nanay,like what i said ulilang lubos na talaga kami ang natitirang pamilya ko na lang ay ang mga kapatid ko kaya naman gagawin ko ang lahat alang alang sa kanila.
"Ate nandito kana pala,kumain kana ba ate?? Nakapag saing na ako,hinintay kana namin para naman may kasabay ka,may pasok ka pa mamaya diba ate??"
"Aaah!! oo Mar-Mar,eto nga pala may dala na akong ulam,hindi na makakapagluto si ate ng ulam kaya bumili na lang ako baka kasi malate pa ako dun sa trabaho ko.Maaga pa naman aalis yung kapalitan ko kaya kailangan ko din maging maaga dun,halika na tawagin mo na si Bell at mag aayos na ako dun sa kusina ng makakain na tayo."
Nakarinig ako ng mga yapak at maya-maya lang ay naramdaman kong may yumakap sakin,si Bell ang napakalambing naming bunso sa edad 13 anyos hindi na rin pahuhuli sa itsura,yun nga lang at mapayat si bell gawa na din siguro ng sakit nito sa puso,kung tutuusin ay lahat naman kami ay mga magaganda at gwapo siguro dahil na din sa may lahi kami bukod kasi sa american blood ay meron din half si mama hindi nga lang namin alam dahil na rin siguro sa orphan si mama.
YOU ARE READING
TAMING A BEAST (ON-GOING)
AléatoireHI EVERYONE ..THIS IS MY FIRST TIME TO WRITE A STORIES AFTER OF BEING A SILENT READER FOR A LONG TIME.. I WANT TO PURSUE THIS SO GUYS PLEASE HELP ME TO CHEER UP AND MOTIVATE TO WRITE A MORE STORIES.. PLEASE DONT EXPECT THAT THIS STORY IS PERFECT IM...