MARIEGOLD POV:
Kasalukuyan kaming nagliligpit ni sally sa karinderya,natapos din ang mahaba-habang oras na pagbabantay.
"Baks,Linggo bukas,so baka naman pwede tayong gumala' diba day-off mo yun?"
"Oo, kaso may sideline ako bukas kay manong gabo,sayang din kasi yun."
"Ano bayan baks,sobrang hectic naman ng schedule,punong puno aa."
"Ganun talaga,kailangan kong kumayod alam mo naman ang plano ko diba?"
"Oo na baks,alam ko naman yun,sana talaga gumaling na ng tuluyan si Bell para na rin kahit paano makapag pahinga ka naman at maasikaso mo yung sarili mo at magkaroon kana ng sarili mong lovelife."
"HAHAHAHA dadating din yun,hindi ko naman totally sinasarado yung puso ko sa ganyang bagay,I just want to wait for a right man ayaw ko magkamali,so habang wala pa akong napupusuan,ee lilibangin ko muna yung sarili ko sa pagpapayaman WAHAHA."
"Kung sabagay, buti na lang hindi dito kumain yung mga makukulit mong manliligaw.Kung kasing ganda mo lang siguro ako,shocks baka may lovelife na rin ako.!!"
"Don't rush things Sally,dadating ka din dyan,wait mo na lang yung lalaking para talaga sayo,mahirap ang magkamali at magsisisi sa huli."
"Oo na po my love guru,HAHAHAHA."
Napailing na lang ako sa tinuran ni Sally,sa totoo lang wala pa naman akong nagiging boyfriend.NBSB kung tawagin never been kissed and never been touch,pero kahit paano naman may mga alam ako sa mga ganung feelings,epekto na rin siguro ng pagbabasa ko ng Wattpad.Atleast kahit man lang dun ma-experience ko man lang ang kiligin HAHAHA.
Pauwi na ako sa bahay namin ng parang may naaninag ako na nag aaway,dahil medyo madilim ang pwesto nila hindi ko masyado maaninag yung mukha ng babae at ng isang lalaki,kaya lumapit pa ako ng konti,hindi sa pagiging chismosa pero parang sinasabi ng instinct ko na may mali kaya ng makalapit na ako ng konti dun ko lang nalaman na hinohold-up pala ang ale,narinig ko kasi ang ale na nakikiusap na kunin na ang lahat wag lang daw siya sasaktan.
"Please take everything,Just dont hurt me."
"Kukunin ko talaga ang lahat,mukha kapa namang mayaman at hmmmm ang bango mo.Baka pwede muna akong tumikim sayo.Promise dadalhin kita sa langit."inamoy amoy ng lalaki ang ale habang nakatutok ang icepick na hawak sa leeg nito.
"Please,i already have kids.My husband is waiting for me."
"Wala akong pakialam,sumama ka sakin."bago pa mahatak ng lalaki ang babae,ay may naramdaman ang holdaper na bumato sa kanyang ulo.
"Bitawan mo siya."tiningnan lamang siya ng lalaki at sabay tawa
"HAHAHAHA"malakas na tawa ng holdaper."Ikaw,bakit gusto mo rin bang sumali??Kung sabagay mukhang fresh ka pa kesa dito."kaya binitawan ng lalaki ang babae at pinagtuunan ng pansin ang bumato sa kanya.
Pero bago pa man lumapit ang lalaki sa kanya agad na itong sinapak at binigyan ng upper punch dahilan para mabitawan ng lalaki ang icepick na hawak hawak nito,at sinabayan pa ng sipa sa beywang nito at tadyak sa mukha.Nang makita ni Gold na nakahiga na ito tinapakan niya ang dibdib at diniinan ang pagkakaapak sa dibdib ng lalaki.Nilingon ni Gold ang babae na nanunuod lamang sa ginagawa nya sa holdaper.
YOU ARE READING
TAMING A BEAST (ON-GOING)
AlteleHI EVERYONE ..THIS IS MY FIRST TIME TO WRITE A STORIES AFTER OF BEING A SILENT READER FOR A LONG TIME.. I WANT TO PURSUE THIS SO GUYS PLEASE HELP ME TO CHEER UP AND MOTIVATE TO WRITE A MORE STORIES.. PLEASE DONT EXPECT THAT THIS STORY IS PERFECT IM...