MAREIGOLD POV
Nakalipas na din ang halos dalawan buwan.Andito na ako kina Aling Uring,madaling-araw pa lang nandito na ako,matapos din ang Graduation,so far si Mar-Mar na ang naghahatid-sundo sakin since wala pa naman daw siya pasok sa school at trabaho' siya daw muna ang mag susundo at maghahatid sakin sa trabaho ko.
"Pauwi kana baks?? Naku,buti ka pa pauwi na,ako mag uumpisa pa lang hayyyst."
"Okay lang yan',may bago ka rin naman nang kasama eh."
"HMMM...Kung sabagay okay din naman yung pinalit sayo,yun nga lang sobrang tahimik,mapapanis ang laway ko dun."
"Atsaka ayaw mo nun araw-araw mo na ako makikita yun nga lang at tuwing umaga lang HEHEHEHE." Sambit ko dito,nabago na din kasi ang schedule ko dahil cook na ang work ko dito alas-tres ng umaga ang pasok ko at alas-otso naman ang uwi ko depende kung kailan ko matatapos lahat ng mga ihahain kong putahe.
"HMMM...Oo nga,kaso halos lahat naman ng mga costumer ee hinahanap ka' naiirita na nga ako kakatanong nila about sayo."
Tumawa na lamang ako at hindi na sumagot pa,halos doseng putahe din ang nagawa ko ngayong araw kaya nag inat inat muna ako bago lumabas.
Wala pa naman siguro si Mar-Mar,isip isip ko,kaya nag ayos muna ako saglit dito sa kusina',nabago na kasi ang trabaho ko dito kina Aling Uring pumapasok na ako dito bilang cook niya,nung nalaman kasi nito na marunong ako magluto eh nilipat niya na ako dito at kailanagan niya din kasi ng katulong sa pagluluto dahil na rin sa nadagdagan yung mga costumer,inuuumpisahan na kasi yung costruction sa hotel kaya naman marami ang mga worker nito ang kumakain saamin.
Saktong alas-otso na ng umaga nagtext na sakin si Mar-Mar na nasa labas na daw siya kaya naman lumabas na ako at nagpaalam na sa mga kasama ko.
"Sally alis na ako." Paalam ko kay Sally pati na din sa kasama nito.
"Sige baks ingat ka HIHIHI." Kinikilig pa na sabi nito sakin,nakadungaw kasi ito sa labas,kaya naman nacurious ako kung ano yun at nakita ko lang naman ang kapatid kong nasa labas nakatingin sa construction site.
Napailing na lang ako sa tinuran ni Sally,kaya naman hindi ko na ito inabala at diretsong lumabas nalang.
"Balang araw makakapagpatayo ka din ng mga building." Sambit ko sa kapatid ko ,, kaya naman lumingon ito sakin at ngumiti.
"Oo naman ate,nakapag enroll naman na po ako sa papasukan kong Unversity,at so far naman po maayos naman sa work ko ate."
YOU ARE READING
TAMING A BEAST (ON-GOING)
RandomHI EVERYONE ..THIS IS MY FIRST TIME TO WRITE A STORIES AFTER OF BEING A SILENT READER FOR A LONG TIME.. I WANT TO PURSUE THIS SO GUYS PLEASE HELP ME TO CHEER UP AND MOTIVATE TO WRITE A MORE STORIES.. PLEASE DONT EXPECT THAT THIS STORY IS PERFECT IM...