MARIEGOLD POV:
Dumating na ang araw ng Graduation ni Mar-Mar,hindi muna ako pumasok sa karinderya ni Aling Uring,nakapag paalam na rin naman ako.Nag aasikaso na ako ng sarili ko ng pumasok si Mar-Mar,nang makita ko ito hindi ko mapigilan ang maging proud dito lumaki kasi itong makisig at gwapo thanks sa genes nila nanay at tatay,bagay na bagay dito ang longsleeve polo na binili ko dito,maya't maya lang din nakita ko na si Bell sa likod ni Mar-Mar,ang ganda ganda din nito sa bistida na binili ko para dito,nagmukha na tuloy itong dalaga kahit na trese anyos pa lamang ito.
"WOW!!! ate,ang ganda mo,para kang anghel na bumaba sa langit HEHEHE" Sabi ni Bell sakin.
"Oo nga ate,sigurado ka bang susuotin mo yan,komportable ka naman ba dyan??" Parang hindi pa sang-ayon na sagot ni Mar-Mar alam kasi nito na minsan lang ako mag suot ng ganitong pananamit kaya naman ganito na lamang ang reaksyon nito.
"Oo naman Mar-Mar gusto ko naman maging maayos ako tingnan sa Graduation mo noh!!!,at presentable akong aakyat sa stage para isabit ang mga medalya mo HIHIHI." Proud na proud na sambit ko.
Bumagay kay gold ang binili nitong bistida bumakat at humulma tuloy ang perpektong hugis ng katawan nito at mas lalo siyang naging babae tingnan dahil nilugay nito ang kanyang buhok na binagayan niya naman ng manipis na make up sa mukha,bumili kasi ito ng foundation at liptint.
Buti na lamang at nanunuod ako ng make up tutorial about how to use this liptint para naman kahit paano magkaroon ng buhay ang mukha ko,kaya naman ng matapos na ako eh,sumabay na din si Mar-Mar at Bell sa aking pagbaba.Sigurado naghihintay na si Manong Gabo,nakiusap kasi ako dito na kung pwede arkilahin ang traysikel nito para hindi na kami maglakad papuntang school ni Mar-Mar at pumayag naman ito at nag offer na siya na ang maging driver.
"Manong Gabo,Salamat ulit at pumayag kana maging driver sa araw na ito." Nahihiyang sabi ko.
"Ai jusko ija,walang problema yun.Sayang naman ang ayos at ang ganda mong yan kung ikaw ang mag dadrive." Namamanghang sabi ni manong gabo.
Pumasok na sila sa loob ng taysikel.Sa loob kami ni Bell at si Mar-Mar naman ay katabi ni Manong Gabo.Malapit na kami sa entrance ng school ni Mar-Mar at marami-rami na din ang mga estudyante at magulang ang pumapasok sa loob,lumabas na kami ni Bell at nag abot na ng pambayad kay Manong Gabo.
Pagpasok nila gold sa entrance ng school,hindi maiwasan ng mga tao dun ang mamangha at matigilan sa tuwing dumadaan ang magkakapatid,tila pamilya ito ng mga anghel dahil na rin sa gwapo at magaganda talaga ang mga ito.Marami din ang napapatitig kay Mar-Mar,tinagurian kasi itong heartthrob,bukod sa gwapo na ay matalino pa,yun nga lang ay masungit at snob ito sa loob ng school,si Bell naman ay nakaka-attract din ng atensyon,bukod sa magandang bata ito,palangiti ito at para bang punong puno ng buhay ang mata nito at para naman kay Gold maraming binata ang napapatitig sa dalaga dahil na rin siguro sa suot nito simple lang ang bistida nito pero nagmukhang mamahalin,
Umupo na si Gold sa mga upuan ng mga guardian/parent at si Mar-Mar naman ay dumiretso na din sa dapat nitong pwesto,habang nag seseremonya ay hindi maiwasan ni Gold ang mailang dahil na rin siguro sa dami ng mga matang nakatingin sa kanya,kaya nung time na para tawagin ang mga pangalan ng mga kasama sa top at may mga honor ay dun na lamang niya tinuon ang tingin at isip.
Hindi ko maiwasan ang maging proud sa kapatid ko,halos mapagod na ako kakaakyat' baba sa stage sa pagsabit ng mga medal na para sa kapatid ko,naluluha na nga ako dahil alam ko na kung nandito lang din ang mga magulang ko ay tiyak na magiging proud din sila para kay Mar-Mar.Nagpahid na lamang ako ng luha ko matapos makapagpicture sa harap,hinintay ko itong maprint para naman may remembrance ako at ipapalaki ko din ito at isasabit sa ding ding namin sa bahay.
YOU ARE READING
TAMING A BEAST (ON-GOING)
DiversosHI EVERYONE ..THIS IS MY FIRST TIME TO WRITE A STORIES AFTER OF BEING A SILENT READER FOR A LONG TIME.. I WANT TO PURSUE THIS SO GUYS PLEASE HELP ME TO CHEER UP AND MOTIVATE TO WRITE A MORE STORIES.. PLEASE DONT EXPECT THAT THIS STORY IS PERFECT IM...