Chapter 1

852 17 2
                                    

Naghahanap ng marerentahang bahay ang dalawang magkaibigang Alex at Kris.

"Ano ba yan, wala na ba tayong mahahanap na matitirhan dito? Hah? Kris?". Inis na tugon ng labing siyam na taong gulang nasi Alex.

"Ano ka ba! Ang lawak kaya ng Quezon nuh. Malamang makakahanap pa tayo ng ibang matutuloyan" hirit ng labing walong taong gulang nasi Kris.

"Hahay..kung may koneksyon lang sana tayo rito, edi sana hindi na tayo nahihirapan pang maglibot dito".

Nasa alabang ang magkaibigan nang maisipan nilang bigla, na pumunta ng Lucena City at doon na rin mag-aral kaya minabuti nilang sumakay ng taxi sa terminal.

"Sam, wait!". Hinahabol ng isang di-kilalang binata ang girlfriend na tumatakbo palayo sakanya. Kung saan patawid ng kalsada mula sa restaurant.

Tumigil ang dalaga at agad na humarap sa boyfriend na tila nanggigil sa galit, saka binigyan ng matinding sampal. PAKKKK!!!

"Break na tayo! Manloloko ka!". Nananampal pa ito sa galit na nararamdaman.

"Babe naman, maniwala ka saakin oh.. hindi kita niloloko tsaka ngayon ko lang nakita ang babaeng nakita mong kaSama ko kanena".

"Ano bang akala mo saakin, bulag?!"

"Babe, I love you. Hindi kita kayang lokohin, promise".

Dumating nalang bigla ang isa pang 'di kilalang dalaga sa likod nila sa gitna ng high way.

"Sweety? Anong ibig sabihin nito? Ginagago mo lang din ba ako?!". Sabay alis ng dalaga.

"Judei!" tawag ng binata at sabay lingon sa girlfriend saka sinundan ang babaeng papaalis na.

"Huh..hindi mo pa kilala ah.." nagbitiw ng malakas na hinga ang dalagang si Judei na naiwan pang mag-isa roon. Saka nakadama ng matinding sakit sa puso.

Sa labas ng bahay. Nag-iinoman ang dalawang magkaibigang Dino at Laurenz.

"Sige,tagay pa.." alok pa ni Dino na tila babagsak na sa sobrang lasing.

"Pare,tama na hindi mo kaya". Di-pagsang-ayon ni Laurenz na nasa katinoan pa ang sarili.

"Kaya ko.."

"Grabi ka nuh, ang lakas ng tama mo jan sa..sa Clara na may iba pa naming babae jan sa paligid".

"Hindi mo pa kasi nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Ang feeling ng umibig ng husto sa taong mahal mo".

"Nagkakamali ka,siguro nga naiwan ka na ng mahal mo. Samantalang ako,wala pa sa first base. Ni hindi pa niya alam kung type ko siya". Nakatitig ito sa dalagang papalapit sakanila.

"Paki -abot nga ng alak,pre".

Iinomin pa sana ni Dino ang isang bote ng alak nang pigilan ito ng nakababatang kapatid na dalaga nasi Tina.

"Kuya, tama na yan! Nagpapakalasing ka sa iisang babae. Nababaliw ka na. halika ka na, umuwi na tayo!".

"Uhm, hayaan mong ako na ang magdala sakanya papasok". Inakay ni Laurenz ang kaibigan saka inihatid sa loob ng bahay.

"Salamat ah. Nanjan ka parin para kay kuya".

"Ikaw pa esti, kuya mo pa eh ang lakas-lakas niya saakin. Kumpare ko nga eh".

Sa sala ng isang malaking bahay sa quezon.

"Uncle? Ano ba naman yan, ililipat mo ako sa Quezon? God. Eh wala nga tayong bahay doon or any contact! I don't like it there". Pag rereklamo ng binatang si dave na tila laki sa yaman.

BOARDING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon