Chapter 4

138 10 1
                                    

Makalipas ang ilang araw. Alas onse ng umaga, nagkasabay sabay bumabang muli hagdanan sina Judei, Aaron,Gino. Panay ang taray ng dalaga sa mga nakasabay.

TAHOOOOOO!!! Ang sabi ng magtataho.

"Uy,taho pare!". Anyaya ni John.

"Sige tawagin mo!" Ang sabi ni Richard sa kaibigan. Kinuha niya ang pitaka sa bulsa saka bumunot ng pera subalit nalaglag ang mga laman nito sa sahig kaya pinulot niya at pinagtipon tipon ito. ngunit laking gulat niya ng makilala ang babaeng nasa picture na sana'y ipapakasal sakanya. Lumalim pa lalo ang kanyang pag-iisip. "siya nga,hindi ako nagkakamali". Agad din itong itinagong muli sa pitaka.

Samantala, nang papalabas ng kwarto si Kim ay agad niyang nakita si Kris at suot-suot ang uniform nito. Nagsasapatos ang dalaga, tumayo na siya ng siya ay matapos saka napalingon sa lalaking nakatingin sakanya. Ibinalikwas ng binata ang tingin sa iba nang mapansin siya nito. Dumaan si kim at hindi na huminto pero bago pa siya makaais ay may sinabi siya. "Kababaing tao, criminology pa ang kinuhang kurso". Wala nang nasabi si kris saka napa-isip. "Ano kaya ang problema niya saakin".

Alas dose nang gabi ,nanood sila ng horror movie. Nasa tapat ng bintana si Judei nang mapansin niya ang mamang kanena pa nakatingin sakanya. Dinaanan lamang niya ito ng tingin, kahit nakakaramdam na siya ng takot. Mula sa tingin ay tila may binabalak na masama ang lalaking iyon. Kung maka-asta ay kilala niya lahat ng tao sa boarding house. Mula roon ay hindi na iyon nawala sa isip ni Judei.

Dumating ang araw na ngkatipon tipon silang lahat at naibahagi ang bawat na napapansin nilang hindi mabuting nangyayari. Tungkol sa lalaking lagi nilang nakikita kung saan-saan.

"Nakita ninyo rin pala siya,akala ko nababaliw na ako". Pahayag ni Tina.

"Pati saakin nag pakita rin siya". Anito ni Sharlene.

"Nakakatakot siya". Tugon ni Judei.

"What's wrong with that man?"Natatakot na tanong ni Diane.

"Siya yung mamang palagi nalang sumusunod saakin kapagka uwian na". Ang sabi ni Kris.

"Huwag kang magha-hike kapag gabi na". ang sabi niya kay Kris.

"Baka may pakay lang siya satin?". Ani ni Sam.

"Ano naman kaya iyon?"Tanong ni Michael sa sinabi ni Sam.

"aAyoko nang making,please.." Awat ni Leiah sa sobrang pangamba.

"Huwag nyu na ituloy 'tong kwentuhan". Suhestyon ni Helena.

"Ako lang yata ang hindi nakaka-relate sa kwento nyu ah". Ani ni Alex.

"ganito nalang, kapag sinoman satin ang makakakita sakanyang muli edi kausapin natin siya nang hindi na tayo magambala". Ang suhestyon naman ni Michael.

"Sira ulo k aba,paano kung mamamatay tao edi napahamak ka pa?"Inis na sabi ni Kim.

"Mula ngayon huwag na kayong magpapagabi sa labas lalong lalo na sainyo,mga babae". Paalala ni Richard sabay lingon kay Alex at ni John.

"Pero tama naman si Michael bakit di natin kausapin siya". Anito ni John.

"Tama ka jan tol,para malaman natin kung ano talaga ang kailangan niya satin". Pagsang-ayon ni Aaron.

"Hindi naman gaanu kadale iyang sinasabi nyu". Ang sabi naman ni Jerome.

"Gusto nyu bugbugin ko siya kapag nakita ko siya ulit". Pagmamayabang ni gino.

"Gago". Tugon ni Kris.

"Hindi natin siya kapit bahay ,at wala tayong kapit bahay na ganoon ka mesteryuso". Ang sabi ni Laurenz.

BOARDING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon