Chapter 3

183 10 3
                                    

Kinabukasan.Bandang ala-cinco ng umaga.Nagising si Kris at bumangon.Pagbukas palang sa pintuan ay napansin niya na bukas ang pintuan ng mga lalaki sa kabila.Hindi na niya ito masyadong inisip.Bumaba siya sa hagdanan at nakitang bukas din ang main door.Medyo kinabahan siya.Dahan-dahan niyang nilibot ang paningin sa buong sulok ng sala, kusina, at maging sa CR. Wala namang tao dito.  Naisipan niyang lumabas at magpunta sa may harden.

Habang pinagmamasdan niya ang pagsibol ng liwanag sa bandang bakoran ng bahay ay sumasabay din ang mga ngiti sakanyang labi at mata.Nakabuhaghag ang buhok at naninilaw pa ang kanyang kutis sa nagliliwanag na paligid.

"5:30am pa matagal pang sumibol ang araw".Tingin niya sa relo.

"Tsk.Sana inagahan ko pa ang pag-gising ko nang sa ganun nakapag-jogging ako sa labas".

May biglang kumiwit sa kanyang beywang mula sa likod.Nanindig balahibo ang dalaga.Napanganga at nanlalaki ang mata.Pagharap niya ay agad niyang binigyan ng matinding sampal ang may gawa nito.
Oops!

Napapigil sa pagsasalita ang dalaga nang makilala ang taong nasa likoran niya. Tinakpan niya ang bibig.

Namumula sa maga ang pisngi ng binata.Hinihimas ang pisngi at namimikot ang mata sa sobrang sakit na naramdaman.

"Aray! Ano ba?!" Pikon na sabi ng binata.

"Uh-eh".Pinatigas niya ang damdamin."Ikaw nga itong kumiwit!"

"Magtatanong nga lang sana ako".

"Pwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko ah".

Nagmatigas ang binata."Hindi kita kilala, alam mo ba? Tatawagin ko lang sa pangalan ang malalapit saakin".

"Hoy, Kim. Ang yabang mo.Buti nga sayo nuh.Maiwan na nga kita".Padabog na umalis ang dalaga.

"Kris! Hindi ka ba hihingi ng paumanhin?! Sinampal mo'ko ..para saan yun huh?!"

"Ginulat mo ako! At ayoko ng ganun!"Pumasok sa loob ng bahay saka isinara ng malakas ang main door.

"Ang sakit talaga".Tumingin siya sa pintuan. "Ang babaeng 'yun, hindi ko siya mapapatawad".

Nakaupo sa sofa si Kris at itinatali ang buhok. Nagising din si Gino at lumabas sakanilang kwarto.Nadatnan niyang nakasimangot ang dalaga.Natauhan ang binata.Inayos ang bukok at maging ang kanyang tindig, naupo siya sa isa pang bakanteng upuan.

"Hi, Miss?"

"Ano?"

"Uh-masama yata ang gising mo? May nangyari ba?"

"Wag mo muna akong kausapin.Masama talaga ang naging umaga ko ngayon".

Wala nang imik ang binata.Napalunok pa ito sa pangamba."Ano kaya ang nagyari sakanya?"

Bandang tanghali ng Biyernes.Walang pasok ang mga estudyante dahil sa holiday.  Naglalaro ng tago-tagoan ang mga babae. Pweding magtago saan mang sulok ng bahay maliban lamang sa mga kwarto.

Kahit minsan ay hindi nagkakaintindihan ang mga dalaga ay nagagawa naman nila magka-isa sa paglalaro para sa katuwaan.

Si Judei ang taya.Malaya silang nakakapaglaro dahil wala sa bahay ang care taker at ang katulong na babae.Kahit ang mga lalaki ay nasa loob lamang ng kani kanilang mga kwarto at naglalaro ng kanilang gadgets.

"Isa, dalawa..tatlo! Manghuhuli na ako! Game?!" Sabay alis sa tabi ng kesame sa itaas ng bahay.

Nilibot niya ang paningin sa buong sala. "Sandali lang ay mahuhuli ko rin kayo!" Anito ng taya.Una niyang nahuli si Sam na nagtatago sa likod ng sofa."Huli ka!" Bulaga niya sa kasama.

BOARDING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon