Nakawala si Sharlene sa lalaking nakagapos sakanya ng apak-apakan niya ang paa nito. Makakatakas sana siya nang bigla siyang madapa. Nagkasugat ang kanyang tuhod at dumudugo ngunit hindi na niya iyon inisip pa. Papalapit na sakanya ang galit na lalaki."Huwag kang lalapit!!!" Sigaw ng dalaga.Tanging ang buwan lamang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Nakita ni Sharlene ang panay na ngiti ng lalaki. Lumuhod ang lalaki habang tinititigan ang buong katawan ng dalaga saka hinubaran ng suot na t-shirt. Napakalaking banta na iyon kay Sharlene. Napapaiyak sa galit at kahihiyan sa sarili. Sigaw ng sigaw. Sinusubokan niyan tumayo pero may sugat din pala ito sa paa, natusok siya ng isang matalim na kahoy ngunit hindi niya iyon naramdaman kaagad dahil sa pagmamadaling makatakas. "Tina! Tina! Helene! Tulungan nyo ako!"Takot na takot ang kanyang tinig,kasabay ng pagpatak ng mga luha.
Sa subrang galit na nararamdaman ni Tina ay napatay niya ang babae sa pamamagitan ng matinding pagkakasakal niya sa leeg nito. Hirap na hirap sa pag hinga ang di-kilalang babae habang nakahandusay sa lupa at iyon na rin ang kanyang ikinamatay.
Sinimulan na ng lalaki ang paghahahalik kay Sharlene. "Hindi! Wag!"Sigaw ng dalaga. Napalingon sakanila si Tina saka galit na galit na lumalapit sa dalawa habang dala dala ang malaking bato sa kanang kamay at sabay na inihampas sa ulo ng lalaki. Tumilapon ang katawan ng lalaki at nagtamo ng malaking sugat sa ulo. Hindi pa nakontinto si Tina ay nilapitan niya ang wala ng lakas na lalaki at pinagsasampal ng malaking bato sa mukha hanggang sa hindi na makilala ang hitsura nito. Walang tigil ang dalaga. Ngunit nakatsamba ang lalaki saka sinipa sa tiyan si Tina. Subalit hindi naman niya kinaya ang sakit kaya pagapang siyang lumalayo. Kaagad din nakatayo si Tina at pinutol ang isang sanga ng kahoy malapit sakanyang kinatatayuan. Sinigurado pa nitong matalim ang sanga ng kahoy at agad na isinaksak sa likod ng lalaki hanggang sa binawian na ito ng buhay. Binalikan niya si Sharlene at hinubad ang kanyang sariling tshirt at ipanasuot sa kaibigan. Siya nalang ang nanatiling nakasando. Magkasabay pa silang napalingon sa babaeng dumating at duguan ang kamay.
"Helene.."Ang nasambit ni Sharlene. Umalis sila roon. Ngunit bago pa sila umabot sa kalsada ay isang malalakas na batok ang sumalubong sakanilang tatlo. Nasundan pa ng isang umaga.
Alas-nwebe ng umaga. Nakabihis na ang iba para pumasok sa eskwelahan.
"Michael,papasok ka ba ngayon sa school?". Tanong ni Kris."Sa ganitong sitwasyon, dapat pa ba kaming pumasok sa eskwelahan? Ang dapat kasi umuwi kami saamin at magsumbong sa kinauukolan".
"i-excuse nyu nalang ako. Dito lang muna ako sa bahay para bantayan si Sam..wala siyang kasama".
"O sige,mag-iingat kayo. Halika na Kris". Anito ni Gino. "Mas makakabubuti kung nasa school kami para maka-iwas sa gulo.Hindi naman sa wala akong paki alam sa iba pero kung sakali lang na may mangyari at least nasa eskwelahan kami at ligtas.Teka, ligtas nga ba?"
Sa canteen sa loob ng paaralan.Nakaupo sina Alex at Diane habang kumakain nang biglang dumating si Ronald at naki-upo sa tabi nila. Isang kaklase. Wala sa sarili ang magkaibigan dahil sa sunod sunod na pangyayari sakanilang bahay.
"Ba't hindi mo kasama ang girlfriend mo ngayon?"Tanong ni Alex.
"Ah si Clara ba, wala na kami".
"Bakit?".
"Ewan ko sakanya masyado kasing malisyosa".
"Ah ganun pala.."Tugon ni Diane.
Biglang napadaan si Clara at napahinto sa tapat nilang tatlo. Hawak ang isang baso ng softdrinks.
"Oh I see, sila ba ang dahilan ng hiwalayan natin?! Nilalandi ka ba nila? Which one?". Nagmamarunong na sumbat ng dalaga.
"Hindi,nagkakamali ka!" Tanggi ni Ronald,nahihiya na lamang siya sa dalawang kaklase.