Kina-umagahan. Dinala ni Jerome,Dino at Dave ang mga bangkay ng kanilang mga kasama sa pinakamalapit nan punerarya. Wala silang kaalam alam na isa pa sakanila ay nawawala. Sino kaya iyon?
“Aaaaaaaaah!!!”Napasigaw ng malakas si Sharlene ng Makita ang bakas ng dugo sa bintana na tila sinadyang basagin ang salamin nito. Lumabas siya at nagtungo sa likod. “Aaaaaaaaaaah!!!”Napaantras siya at nawalan ng malay ng makita si Leiah na walang buhay. Isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Mukhang tinangka niyang tumakas mula sa bintana sa bath room kung kayat nahulog siya at may bakas din ng tali sakanyang leeg. Tila sinakal siya. Narinig nina Richard at Aaron ang sigaw na iyon saka pinuntahan kung saan nag mumula ang ingay. Wala si lang ibang nagawa kung hindi ang dalhin din sa punerarya ang bangkay ni Leiah. Tinulungan naman ni Helene si Sharlene. Halos hindi na maipinta ang mukha ng mga natira sa boarding house. Sariwa pa para sakanila ang pangyayari noong gabi. Bawat isa ay nakatulala at wala sa matinong pag-iisip.
Ala-una ng hapon nang hindi na nakapag tiis pa si Diane.
“Aalis na ako. I won’t stay here any longer!”. Bwelta ni Diane.
“Umalma ka nga muna, don’t you think gusto din naming mag stay pa dito?!”Ang sabi ni Alex.
“How? Paano ako kakalma. Isa sa best friend ko ang namatay. Ayokong mangyari ito saakin o kay Sharlene at sa kahit na sino pa satin dito! I just wanna leave..I'm sorry”.
“If you leave ,then you will die as what just had happened to them”. Biglang nakatanggap ng malakas na sampal si Alex. Ibinalik din agad ni Alex ang sampal kay Diane. “Don’t you think that he’s been following us all this time!”
“Anong gusto mong gawin natin? Mag hintay ng himala na baka bumalik pa sila o maghintay hanggang sa isa isa tayong mamatay.Have you ever imagined how dangerous would it be to stay here ?!”
“Huwag tayong magpadalos dalos sa gagawin natin! Gaya mo gusto mo nang umalis paano kung nanjan lang siya sa labas at naghihintay satin.Tayo ang pakay niya!”
“Kailan ba tayo aalis?”
“Hintayin natin ang pag balik ni Francisca saka tayo magpaalam ng maayos sakanya at makakaalis na tayo”.
“Francisca,Francisca..that fool..”Nanggigil na sabi ni Diane. Naiintindihan naman niya ang ibig ipahiwatig ni Alex sakanya.
Hindi pa sumapit ang dilim ay naging alerto na ang lahat isinara ng mabuti ang bawat pintuan. Tinambakan nila ng gamit ang pintuan sa kusina at malaking kabinet . sinigurado nilang walang mapapasukan ang mama at sino mang masasamang loob.
Bandang alas-onse na ng gabi ay nanatiling gising ang magkakaboard mate.
“Gusto ko na talagang umalis Alex..” Nanginginig na sabi ni Diane.
“Wag kang mag alala”. Nagyakapan ang dalawang babae.
Sumapit na ang araw ay walang dumating na pahamak sakanila. Saka sila naka hinga ng maluwag kahit puyat na at pagod.
Ala-una ng hapon saka pa kumain ang magkakasama at dumating ang caretaker na matagal na nilang hinihintay. Doon nadin sila sa kusina nadatnan ni Francisca.
“Anong nangyari dito bakit ang gulo ng bahay ko? At bakit ganyan ang mga mukha niyo? Halos hindi na maipinta ah. Saglit lang naman akong nawala..”.
Biglang tumayo si Jerome saka dinaanan ang nang tingin si Francisca saka sabay sabi “Responsibilidan mong alamin ‘yan”. Umalis din ang binata kahit hindi pa tapos kumain.
“Hindi mo ba alam, pumanaw na ang apat sa amin nung isang gabi na wala ka. Hindi mo rin siguro alam kung ano ang pinagdaan naming ng gabing iyon”. Anito ni Aaron.