Nagpapaganda si Tina habang nakatingin sa malaking salamin na nasa dingding nang may Makita siyang repleksyo ng lalaking naka-itim at pulang-pula ang mga mata. Agad siyang napalingon sakanyang likoran ngunit wala naming tao roon bukod sa mga kaSama niya. Napa-isip lamang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Alas-dose ng hating gabi nang magising ang lahat dahil sa narinig na ingay sa ibaba. PAKKK!!! Nag silabasan ang bawat-isa sa kanya kanyang silid.
“Narinig nyu yun?”. Kinakabahang tanong ni Tina.
“Sa ibaba yata”. Anito ni Aaron.
Magkakasunod na bumaba ang boarders at pina-ilaw agad. Napa-antras si Helena sa takot sa bisig ni Laurenz nang biglaang tumalon ang isang pusa mula sa ibabaw ng ref.
“Pasensya na”. paghingi ng umanhin ni Helena kay Laurenz, napalingon lang ang binata kay Tina.
“Pusa lang pala eh”. Anito ni Sharlene.
Makalipas ang ilang araw. Alas onse ng umaga, nagkasabay sabay bumaba ng hagdanan sina Judei, Aaron,Gino. Panay ang taray ng dalaga sa mga nakasabay.
“HINDI KO KAYANG IWAN KA! HINDI KO KAYANG IWAN KA! PAGKAT DITO SA PUSO KO’Y TALAGANG MAHAL KITA AHHHHHH!!!”. Tila wala sa sariling kumakanta,si Judei.
Sa mahigit isang linggong pagsaSama nila sa bahay ay naging malapit na ang bawat isa sa kanya-kanyang kasama.
Alas-dyes ng gabi habang nasa bawat kwarto ang mga boarders nang makarinig sila nang patak ng tubig sa sala. Lumabas ang iba at laking gulat nila nang Makita nila ang isang di-kilalang lalaki at dugu-an pa ang may dala pang bagahe. Kinabahan ang mga lalaki at sinugod ang dugu-an na lalaki saka pinag-sisisipa.
“Tigilan nyu nga ‘yan!”. Saway ni Sam.
“He does’nt look like a thief or a killer!”. Hirit ni Sharlene.
“Gwapo kasi..”. tugon ni Diane.
Kahit na natatakot si Sam ay nilapitan parin niya ang di-kilalang lalaki.
“Magnanakaw ‘yan!”. Pagbibintang ni Michael.
“Di kaya mamamatay tao!”. Ang sabi ni Gino.
“Sandale, malala yata ang sugat niya sa tiyan”. Napansin ni Leiah na dumudugo ang sugat na natamo ng lalaki.
“Nagkakamali kayo hindi ako narito para nakawan kayo, boarder din ako rito”. Ang paliwanag ng lalaki. Napatitig sakanya si Alex,saka tinanong.
“Ikaw ba si Dave?”.napatingin lang ang lalaki sakanya. “so, ikaw nga”. Mukhang nananabik manakit ang mga mata ni Richard sa dalawa.
“Naku, pasensya ka na pare. Eh saan at kung kanino mo ba natamo iyang sugat mo?”. Tanong ni Leo.
“Pagdating ko kasi jan sa may gate ay may nakita akong mama saka bigla nalang akong sinaksak sa tiyan”. Napapapikit sa sakit ng sugat nito. “’Wag nyu na nga ako tanongin, mabuti pa kaya’y gamotin nyu ako sino ba ang medic sa inyo?”. Lumapit si Alex sakanya at kusa itong tinulungan.
“Kris,paki kuha naman sa’kin yung first aid kung pwede lang sayo”. Paki-usap ni Alex sa kaibigan.
“Ah,oo naman. Sandale”.
“Makatulog nga”. Anito ni Richard na tila nang-gigigil saktan pa lalo ang bagong dating na binata. “Nilalanggam na sila, masyadong sweet”.
“Nag mamalasakit lang yung tao, sweet agad”. Parinig ni John kay Richard. Ano ba kaya ang problema ni Richard sa dalawa?At pumasok na ito sa loob ng kwarto niya.