Luntiang Paligid
-----•O•-----Sumibol sa lupa ang mga pananim,
Nagsabog ng ganda sa aking paningin.
Matatayog na puno sa isang parang,
Sa malawak na kapatagan ay luntian.Sa mata'y kay ganda nitong tanawin,
Pagkampay ng dahong tangay ng hangin.
Sa mundo'y ito ang aking pasyalan,
Ang maaliw sa luntiang kapaligiran.Magaan sa dibdib, sa tanang kalooban,
Hatid ay galak sa pusong nagdaramdam.
Ligaya'y matatamo kapag nasisilayan,
Luntiang paligid, yakapin mo't hagkan.____________________
Luntiang Paligid
Inang Kalikasan
-JackBlaireJacksonSalamat sa Pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan || Antolohiya (completed)
PoetrySinimulan: Setyembre 17, 2020 Natapos: Setyembre 26, 2020 Isa sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dakilang Maylikha ay ang Inang Kalikasan. Nasa kanila ang malaking ambag para tayo ay mabuhay sa pahintulot ng Dios, ngunit ang tanong; ano naman a...