Munting Paraiso
-----•O•-----Ano pa ang hahanapin
sa ating ikinabubuhay?
Nandyan na ang dagat,
Taglay ay kayamanan.
At ang luntiang paligid,
My saganang kagubatan
Ang lahat ay maiinam;
Paraiso kung turingan.Ibinigay ang kailangan,
Ng Dios na Maylalang;
Mayaman, matitikman
Sa lahat ay masisilayan.
Ayan ang kapatagan,
Hukayi't pagtam'nam,
Bukas at kinabukasan,
Masisilayan ang bunga.Mga hayop at halaman
Makikita kung saan-saan
Sa ulap, sa kaitaasan,
Sa gubat, sa karagatan.
At lahat ng kailangan,
Sa kalikasan natagpuan
Itong paraiso'y nakamtan,
Atin itong alagaan.Ating munting paraiso,
Mananatili ba sa mundo?
Kung itong pagkalito,
Magdudulot ng pagkabigo.
Bahagi natin, ating gawin,
Bilang tao, alalahanin.
Mananatili sa ating mundo
Ang Munting Paraiso.____________________
Munting Paraiso
Inang Kalikasan
-JackBlaireJacksonSalamat sa Pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan || Antolohiya (completed)
PoetrySinimulan: Setyembre 17, 2020 Natapos: Setyembre 26, 2020 Isa sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dakilang Maylikha ay ang Inang Kalikasan. Nasa kanila ang malaking ambag para tayo ay mabuhay sa pahintulot ng Dios, ngunit ang tanong; ano naman a...