1' Bituing Kay Liwanag

506 7 10
                                    

Bituing Kay Liwanag
-----•O•-----

Bumaba ang haring araw,
Nagtago sa kabundukan,
At ang dilim ay lumitaw
Binalot ang kalangitan.

Madilim ang kalawakan,
Buwan ay 'di masilayan.
At sa nagtagong bituin,
Araw ay katawagan din.

Ngunit batid na darating,
Bituin na nagniningning.
Sa langit kumukutitap,
Busilak niyang liwanag.

'Di maalis mga mata
Nawiling nakatingala.
Bituin na kay liwanag,
Puso'y naglagak ng luwag.

At lunas sa kapanglawan,
Liwanag ay gamot naman.
Ang lumbay ng kalooban
Tiyak namang mapaparam.

____________________

🕵‍♂: Alam mo ba na ang tulang ito ay may kimang saknong, may apat na taludturan na kung tawagin ay Quartet? At itong tula rin ay binubuo ng wawaluhing pantig sa bawat taludtod.

Note: Ang 'Mga' ay pinapantig bilang dalawang pantig 'ma nga'.

-----•O•-----

Binigyan ng tao ang bituin ng kanya-kanyang pangalan, ikaw anong gusto mong bituin na makikita sa kalangitan?

Bituing Kay Liwanag
Inang Kalikasan
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan || Antolohiya (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon