Taglagas
-----•O•-----Manaka-nakang pagpailanlang
ng dahon sa kawalan,
Pagsapit ng panahon ngayon
ay paghulog ng dahon.
Tawag ay taglagas nitong senaryo,
Sa ibang bansa makikita ito.Kanya-kanyang pagkakataon
araw ng bawat buhay,
Sa sanga ng puno'y nauutas nga
Dahong bumitaw, nahulog na
Kanyang panahon na...Magandang pagmasdan sa t'wina
ang paglipad sa kawalan;
Ng dahong pumapailanlang,
At tanawing 'di maikakaila.Ano't iyo bang alam ang kahulugan?
Ang dahong nalalagas,
Ano ang iyong nalalaman?Kalikasan ay nagpapabatid ng lahat,
Tila aklat laman ay ulat.Panahong taglagas ay wakas ng lahat.
____________________
Taglagas
Inang Kalikasan
-JackBlaireJacksonSalamat sa Pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan || Antolohiya (completed)
PoetrySinimulan: Setyembre 17, 2020 Natapos: Setyembre 26, 2020 Isa sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dakilang Maylikha ay ang Inang Kalikasan. Nasa kanila ang malaking ambag para tayo ay mabuhay sa pahintulot ng Dios, ngunit ang tanong; ano naman a...