17

420 28 2
                                    

Right now, I was walking towards our booth and I saw my groupmates, accommodating the customers. I immediately ran and I spent my time helping them.

Pinapawisan na ako dahil panay ang pag-aasikaso ko ng mga kostumer. Parami nang parami sila at mabuti naman iyon pero nakapapagod lang.

Umupo muna ako at nakipagpalit kay Cristy sa pag-aasikaso sa kanila. It was passed twelve in the afternoon, at katatapos ko lang magtanghalian, nakisabay lang ako sa kagrupo ko rito.

Sobrang busy din nila Zack kaya wala kaming masyadong balita sa isa't isa ngayon. Gusto kong pumunta sa booth nila pero ayaw kong pagdudahan ng mga kaklase ko kapag pumunta ako roon.

"Guys, listen!" Agad naagaw ng classroom president namin ang atensiyon ng mga kaklase ko at pati na rin ako. "Dapat three p.m nakaligpit na lahat dito at pagkatapos proceed kayo sa gymnasium para preparation sa event bukas."

Tumango kami bago sumagot para bigyan siya ng pagsang-ayon namin. Umalis naman agad siya at pumunta sa ibang booth para mag-anunsyo.

Agad din naman kaming natapos sa booth namin at ngayon ay nakaupo kaming lahat ng Grade 12 students sa bleachers ng aming gymnasium at nakikinig kami sa head ng aming department kung ano ang dapat naming gagawin ngayon.

Nagsimula kaming magsitayuan nang matapos ipaliwanag ng head ang gagawin namin. Kumuha ako ng standing letters at kinarga iyon, hindi naman siya mabigat kasi gawa lang sa karton.

I placed it near the bleachers, tapos agad sumunod 'yong ibang letters na binuhat ng mga estudyante. 

"Hey, are you okay? Kumusta booth niyo?" Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses.

I took a deep breath before I answered him and replied, "okay naman pero nakapapagod."

"You can take some rest, I will take your part," he offered but I just shook my head.

"Tapos papagalitan ako ng head? 'Yon ba gusto mong mangyari?" I asked and raised a brow.

"I can ask the head if you want to." My mouth parted in surprise. He will only waste a time if he'll do it.

"Lahat tayo pagod dito. Tignan mo nga sila," I said and my eyes wandered everywhere. "Be considerate to everyone, not just on me," I added, trying to persuade him.

"Fine, but if you need anything just call me, okay?" 

I just gave him a smile and nodded, giving him the assurance. He left me and eventually, may lumapit na naman sa'kin.

"Vic, help me!" It was Dave, trying to hide on my back.

"Ano ba? Ba't ka ba nagtatago sa likuran ko?" I asked and faced him.

"Tignan mo nga 'yang si Hans? Kanina pa ako tinititigan. Ang weird na!" maarte niyang sabi. Oh, he already knew him.

Tinignan ko naman kung asan niya tinuro at nakita ko si Hans na nakatingin sa aming gawi. Napangiti lamang ako dahil sa reaksyon ni Dave.

"Hindi mo ba bet? Gwapo naman tapos mukhang mabait," sabi ko na parang hindi ko kilala si Hans at tinignan siya. 

Tinaasan niya ako ng kilay at kuryosong tinanong ako, "then what's your point?"

"I don't know? Ikaw, anong naisip mong punto ko?" 

"Ewan ko? Pero tama ka naman. Should I take the opportunity?" He giggled.

"Baka siya pa nga unang maka-opportunity sa'yo," I mumbled.

"Ano? Lakasan mo naman boses mo," he hissed.

Our Substantial Hopes (High School Teen Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon