24

283 22 5
                                    

Heck! Bakit late pa kasi ako gumising? Dapat maaga ako ngayon kasi ngayon ang field trip namin. Maaga naman akong nakatulog kagabi pero minalas na naman ako.

"Kuya, dalian mo naman please..." desperado kong sabi sa ere.

Nasa labas ako ng bahay namin para maihanda na ang gamit ko sa sasakyan. Lintik na Christopher! Late rin nang gising. Nag-aalala na ako nang todo ngayon kasi baka ako na lang ang inaantay nila sa bus.

"Vickie... mag-ingat ka roon ha! H'wag kalimutan 'yong sarili mo," sabi sa akin ni Mommy nang makalapit sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at binigyan niya ako ng halik sa pisngi at noo. Niyakap ko siya at ilang minuto kaming ganoon at kumawala rin nang makita si Kuya na papalapit sa amin.

"Thank, God!" sabi ko sa aking sarili.

Sumakay na agad ako sa sasakyan at pati na rin si Kuya. Dali-dali niya itong pinaandar at hindi pa katagalan ay may kumatok sa bintana. Si Daddy iyon kaya ibinaba ni Kuya ang bintana.

"Max... be careful out there, okay?"

"I will, Daddy," sabi ko at binigyan siya ng malaking ngiti.

Matapos no'n ay agad nang nagmaneho na si Kuya. Mabuti na lang ay hindi mabigat ang daloy ng trapiko at nakausad kami nang maayos. 

Nakarating na agad kami sa eskuwelahan at agad ko namang nakita ang bus na gagamitin namin para sa field trip.

Lumabas agad ako at kinuha ko rin ang gamit ko sa likod. Nagpaalam na rin ako kay Kuya at nagmadaling tumakbo sa loob ng campus. Agad ko ring nakita 'yong propesor namin at sinenyasan ako na magmadali.

"Why are you late? Ikaw na lang inaantay namin... mabuti na lang at nakahabol ka pa," aniya at hindi agad ako nakapagsalita.

Hiningal ako at nag-aagaw ng hininga sa katatakbo kaya minabuti ko munang huminahon.

"Sorry, Sir... late ako nang gising," sabi ko at napahawak sa aking dibdib.

"Just go already inside, so we can go."

Sininunod ko na lang ang sinabi niya at nang makapasok ay napaawang ang aking labi dahil puno na ang ibang upuan. Ang tanging bakante na lamang ay ang nasa harapan at sa likod na inuupuan ng kaklase ko.

Uupo na sana ako sa harapan nang pinigilan ako ng propesor namin. Napatingin ako sa kanya at itinuro lang niya ang upuuang bakante sa likod.

Hindi na ako umangal at agad tumalikod na sa kanya. Napabuntonghininga na lamang ako at habang papalapit sa likod ay nagtataka ako sa naka-hooding nakaupo at kalaunay ibinaba niya ang kanyang hoodie at laking gulat sa nakita ko.

"C-Can I... sit?" nauutal kong tanong nang makalapit.

Matamlay at walang ekspresyon niya akong tinignan at agad ding umusog nang kaunti para makaupo na ako. Sa may bintana ako nakaupo at tanaw na tanaw ko ang labas.

"Ang dami mo naman yatang supot na dala?" Nagulat kami sa tanong ng kaklase namin sa likod sa katabi niya.

"Anong gusto mo sumuka ako sa'yo?"

"Eh sabi ko nga magdala ka ng supot," sarkastikong tugon naman niya at napatawa ang ilan sa mga kaklase ko.

Mabuti na lang ay sanay ako sa mga biyahe at 'di natatauban ng sikmura. Napatanaw ako sa gawi ni Zack at nakapikit itong nakikinig ng musika sa kanyang cellphone.

"Matutunaw ako sa mga tingin mo." Lumaki bahagya ang aking mata nang magsalita siya at ibinuka ang kanyang mga mata at ibinaling ang kanyang atensyon sa akin.

Our Substantial Hopes (High School Teen Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon