Prologue

24 3 7
                                    

Nababalot ng takot ang buong kaharian sa paglaganap ng kadiliman, bagamat handang gawin ng mga Knights ang kanilang tungkulin ay hindi pa sapat ang kanilang kakayahan laban sa mga kalaban.

"Walang susuko, makakayanan naten eto, tandaan nyo ang 'Pusong mandirigma, ay pusong naniniwala."

Buong tapang na hinarap ng mga Knights ang malademonyong halimaw, sa bawat sandata na hawak nila ay may kaakibat na kapangyarihan, ang bawat isa ay natatangi sa kanilang kakayahan. Ngunit ang dalawa ay kailangan maging isa para tuluyang magapi ang kasamaan.

"Makapangyarihan Bathala ipagkaloob samen ang nais."

"Humayo kayo aking magigiting na mandirigma, nawa'y magpagtagumpayan niyo ang labanan na 'to."

"Knights!!!!!!!

Nawalang parang bula ang mga mandirigmang nakasuot ng iba't- ibang uri ng balute na mababatid mo kung sino at ano ang kanilang kakayahan at kapangyarihan.

Maraming kalaban ang naglipana sa buong kaharian. Gustong lipunin ang lahat ng may buhay.

"HAHAHAHAHA!! Mapapasaakin na din ang kaharian na eto!" nakakapangilabot na boses ng isang lalaki.

"Hindi kame papayag sa gusto mong mangyare!" matapang na sagot ng isang Knights.

"SAMA-SAMA! Buong lakas! Knights!"

Isang malakas na kidlat ang tumama sa lalaking nababalot ng itim na kapangyarihan napalibutan siya ng putik sa paanan, ang buong katawan niya nabalutan ng ugat at baging na sa tuwing nanlalaban siya ay lalo lamang humahapit.

"Hindi pa ito ang huling pagkikita naten mga Knights! Tandaan niyo ito ! MAPAPASAAKIN ANG BUONG KAHARIAN AT KAYONG KNIGHTS ANG MAGIGING DAHILAN NETO! HAHAHAHAHAHAHA!" nabalutan na siya ng yelo at isang malakas na ipo-ipo.

"Hanggang dito ka na lang!" itinagak ng isang Knight ang napakatalim na espada sa puso ng lalaking may itim na kapangyarihan.

Nalusaw ang katawan ng lalaki, ang lahat ng mga alagad neto ay nalusaw din sa isang iglap. Ang makulimlim na kalangitan ay napalitan na ng maaliwalas na tawanin.

"Kamahalan." bati ng mga Knights sa Hari at Reyna.

"Aking magigiting na mandirigma, lubos ang aking pasasalamat sa pagliligtas niyo sa kaharian ng Mesiyas." laking galak ng Hari.

"Malugod namen ibuwis ang aming buhay para aming sinumpaan na layunin bilang Knights, Kamahalan."

"Maraming salamat! Sa ngayon tapos na ang ating pagbubuwis ng buhay, magsisimula muli tayong babangon sa mga nagawang pinsala ng labanan, wala ng pangamba at takot ang bumabalot sa aking nasasakupan." wika ng Hari.

----

Pagkalipas ng ilang araw na pagsasa-ayos sa dati ng buong kaharian nagpahanda ng malaking piging ang Hari, isang pagdiriwang laban sa kasamaan, ginawaran ng gintong medalya ang bawat isa sa Knights sa pagkakaligtas nila sa buong kaharian ng Mesiyas.

Ngunit isang malagim na pangyayare ang naganap.

"Aaaaaaaaaaaaahhhhh. Nawawala ang aking anak." sigaw ng Reyna.

"Sinong pangahas ang kumuha sa aming nag-iisang anak!" galit na sigaw ng Hari.

"Knights!" sigaw ng pinunong Knight

"Amis!" pag-sang ayon ng lahat.

"Aaaaaaaahhhh." naging bato isa-isa ang mga Knights.

"Traydor!!! May traydor!" huling salita ng pinunong Knights.

"Hanapin nyo ang traydor, hanapin nyo ang anak ko!!! suyurin nyo ang buong kaharian!!!"

"Masusunod kamahalan." pag wika ng isang kawal.

Mahahanap pa ba ng mga Knights ang anak ng Hari at Reyna ng Mesiyas kung nasa paligid lang naman ang kalaban? Paano nila mapuksa ang kalaban kung isa-isa silang nagiging bato? Sino kaya ang traydor? Isa din ba siyang Knights? o isa sa mga namumuno? o isang simpleng mamamayan ng Miseyas?


------------
-see you next chapter-
*Thank you for reading*

Miseyas KnightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon