This is a work of fiction!!!
the photo's I used in my cover aren't mine.
credits to the owners.♡
See You In Dapitan
all rights reserved ©
windychill_ 2020
names, characters, places, events, incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime.
♡
if you have questions and other concerns, you can hit me up on my twitter
@/windychillwpStart: 09/19/20
End: 01/26/21______________________________________________________________
Ngayong araw ay pupunta kaming Sampaloc dahil do'n ako titira, matagal na akong hindi naka balik ng Manila kaya natatakot ako. Isa pa, naglipat na kami ng bahay. Hindi na kami sa Mayon, kaya hindi ko pa ganon kabisado 'yung lugar na nilipatan namin. Sakto lang naman ang haba ng biyahe namin, hindi malayo hindi malapit. Pero naka tulog ako.
"Cleo, nandito na tayo." gising saakin ni mama.
Dalawang palapag ito ay may balkonahe sa itaas, may gate din at mini garden. Isa itong town house na sakto lang ang laki para sa lugar namin dito. Ibinaba namin nila mama 'yung mga dala namin at inayos ko na ang gamit ko sa magiging kwarto ko, ang kwarto na may balkonahe.
"Doon sa kabilang kanto ay Dapitan, may 7/11 at miryendahan doon. May tindahan din ng milktea." sabi ni ate habang tinutulungan si mama.
Tiningnan ko ang orasan mag alas kwatro na pala, oras na para maligo. "Ma, bilhi lang ako ng takoyaki." sabi ni ate tska umalis.
Takoyaki? Ano yon? Nakakain ba yon?
Naligo lang ako at tumambay sa balcony sa kwarto ko habang nakikinig sa mga kanta ng Lany. Pamaya-maya lang ay dumating na si ate kaya bumaba ako.
"Ate pagkain ba 'yan?" Inosenteng tanong ko kay ate, "Oo, halika tikman mo." aya ni ate kaya tinikman ko naman. Malambot ito at may bacon sa loob, may gulay din. Masarap ang sauce at tamang-tama ang anghang nito.
Masarap.
"Masarap siya ate." tuwang sabi ko kay ate. "Mayroon tindahan doon n'yan sa Dapitan sa may kabilang kanto sa tabi ng 7/11." sabi niya at kumain ulit.
"Uuwi na rin kami ni ate mo bukas sa Nueva, may kailangan pa kami asikasuhin." sabi ni mama sa akin habang kumakain kami.
"Paano grocery ko?" tanong ko kay mama.
"Hindi ko yata kaya mag-isa dito." sabi ko kay mama.
"Kailangan mo para maging independent ka." sabi ni mama sa akin.
"Bakit hindi maiwan si ate?" tanong ko.
"Si Matthew ay nasa Nueva, babantayan ng ate mo." sabi ni mama.
That's it, hopeless na may makasama ako rito. After dinner ay umakyat na ako sa kwarto para mag pahinga. Kinabukasan maaga pa lang ay nag grocery na kami ni mama. Isang sakayan lang pala 'yon ng jeep na may placard na 'UST Dapitan'. Magbabayad ka lang ng eleven pesos at sasabihin na bababa na kapag nasa tapat na ng savemore.
Siguro nga ay nakakakaba, pero wala naman na akong magagawa. Eto na 'to eh, satingin ko mas mabuti nga ito nang masanay na ako. Malapit na rin naman na ako mag-aral dito sa Manila. Kailangan ko na masanay sa lugar at kung paano tatakbo ang buhay ko rito.
Wala akong kaibigan dito, bago lang naman ako. 'Yung bestfriends ko nasa province, makikita ko pa rin naman sila paguwi ko. Matagal-tagal pa 'yon, buti nalang nakakausap ko sila online kahit papaano.
from: daphne
sis, kailan uwi mo?to: daphne
diko pa alam eh.from: daphne
kwentuhan mo naman ako paguwi mo ng mga nangyari diyan.Boring naman dito, wala akong magawa. Wala akong malibutan dahil takot ako lumabas, baka hindi na ako makauwi. Isa pa wala rin akong kaibigan dito kaya ano naman ang iku-kwento ko sa kanya.
Nang mag hapon ay lumabas ako para bumili ng takoyaki, hindi ako takot dahil malapit lamang ito sa amin. Bukod sa takoyaki, marami pa mabibili dito. Katulad ng siomai rice, balut, lugaw at marami pang pagkain na pang miryenda.
"Pabili nga po." sabi ko, lumapit naman iyong nagluluto.
"Isa pong cheese at bacon." order ko.
"Isa pong cheese, tska isang bacon?" pag confirm niya at tumango ako bilang pag sang-ayon.
Napansin ko ang mga barkada nung nagtitinda ng takoyaki, parang pinaguusapan nila ako na hindi ko maintindihan. Na awkwardan ako kaya binuksan ko nalang ang cellphone ko at nakipag chatan kay Daphne.
from: daphne
mamaya beh tawag ako, busy rn di makakareply
Nagkunwari nalang ako na may kausap, ewan ko ba naman kasi kay Mika. Hapon na, tulog pa yata. Hindi pa kasi siya nag message sa akin, hindi ko rin siya nakitang online. Ano gagawin ko dito, feeling ko ang awkward.
Nang maluto na ang takoyaki, inabot ko na ang bayad ko at kinuha 'yung takoyaki. Nagtama ang aming mga daliri nung nagtitinda, bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan.
Hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinakabahan. Hindi ko rin alam bakit iyon ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
See You In Dapitan (Under Editing)
Teen FictionCleorine is from the province who vacationed in Manila to gain experience there before moving out. She met a new friend who became close to her, but she had to say goodbye because she would continue her studies in the province before going back to...