03

134 32 12
                                    

Ngayong araw ay naisipan namin may miryenda sa may Cristobal at maglakad papuntang likod ng UST para mag hapunan. Napunta na kami nila ate roon dati, kaya naisipan kong ayain si Mika since hindi pa naman siya napupunta doon. Isa pa mukhang dream school niya rin ang UST, kung hindi ko man siya maipasok at least nasa labas siya.



"Ano isusuot mo mamaya?" Tanong ni Mika.



"Hindi ko rin alam, ikaw ba?" tanong ko pabalik sa kanya.



"Hindi ko rin alam, kaya nga tinanong kita eh." sabi niya at natawa nalang kami.



Naglaro lang kami ng among us pang palipas oras, mainit pa kasi lumabas at isa pa wala pa 'yung nagtitinda since maaga pa.



"Girl 5pm na." paalala ni Mika. Nag enjoy kami sa paglalaro at hindi na namalayan ang oras. After ilang minutes, nakapag decide na rin kami ni Mika kung ano isusuot . Ending nag leggings ako and sweatshirt while Mika wear shorts and a shirt lang.



Nagpunta muna kami sa Cristobal para tumambay at mag mirienda, hindi na rin ganoon karami kakainin namin since after mirienda diretso na kami sa P.Campa para kumain ng dinner.



"Ano sa'yo?" tanong ni Mika nang makarating kami sa Cristobal.



"Takoyaki as always." sabi ko sa kanya.



"Sus, siguro crush mo iyong nagtitinda kaya ok lang maubos pera mo sa takoyaki." pabirong sabi sa akin ni Mika, sana hindi narinig nung mga nagtitinda kasi malapit na kami sa kanila.  Pahamak talaga si Mika kahit kailan.


Nag punta si Mika sa nagtitinda ng calamares, ako naman sa nagtitinda ng takoyaki. Pagkarating ko ay naka tingin na sa akin iyong nagtitinda na parang hinihintay niya 'yung order ko kahit alam naman na niya.  "Isang bacon and cheese nga po."



Nag simula na magluto iyong nagtitinda, tiningnan ko naman si Mika at nakitang hinihintay niya pa iyong bagong lutong calamares, feeling ko tuloy ang awkward ng athmosphere dito sa tindahan ng takoyaki kaya nag cellphone nalang ako.



As I took my phone, binukasan ko agad ang ig ko para picture-an iyong takoyaki. Matapos ko ito ilagay sa instagram story ko ay nag scroll lang ako sa facebook nang mag reply sa story ko si Johnray.



@./ zjray

baka 'yung tindero talaga 'yon at hindi iyong takoyaki.



"Pakiramdam ko ay gusto ka nung nag titinda ng takoyaki" sabi ni Mika habang naglalakad kami papuntang UST, sinaman ko naman siya ng tingin.

See You In Dapitan (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon