01

206 35 14
                                    

Kinabukasan pag gising ko dumiretso ako sa balcony para mag inat at mag paaraw. Wala naman ako gagawin dito kung hindi kumain, dahil maaga ako nagising nag coffee lang ako at nagbasa ng libro. Baka kasi makakuha ako ng inspirasyon para magsulat ulit.



From: ✨TwinnBro✨

Cleo, tara laro.



After ko mag basa, sakto nag chat sa akin si Johnray, nag aaya maglaro ng codm. Umakyat naman ako sa kwarto ko para kunin cellphone ko. "Kailan ka ba uuwi pre?" tanong ni Johnray sa akin, naka open mic kasi kami.




"Hindi ko pa alam." sabi ko sa kanya, "Nakupo, libre mo kami kapag umuwi ka na." sabi niya at nag start kami ng game. "Sige 'pag nanalo tayo dalawang rank tas isang br libre ko kayo ni Tjay." sabi ko sa kanila. Kasama ko sila ni Tjay lagi naglalaro ng codm, kapag nag aaya sila. Pero madalas solo game lang ako.




"Clutch mo na." sabi ni Johnray sa akin, paano naman kasi patay na silang lahat tapos ako nalang buhay. Hindi pa naman ako ganon kagaling sa S&D kasi HP ako naglalaro. We won after three games, nagpaalam ako na ako sa kanila para magluto ng kanin. Baka mag order nalang ako ng food ko for lunch.




From: ✨TwinnBro✨

Ingat ka diyan.




I'm so happy to have Johnray, beside Daphne I also have Johnray and Tjay in my life. Hindi na kami ganoon ka-close ni Tjay but still I have him as sa friend and I'm happy for that. Naging friend ko si Johnray early high school year.




Hours past, hinihintay ko talaga mag four pm para bumili ng takoyaki sa kabilang kanto, nabubuhay nalang yata ako dahil sa takoyaki. Agad ako pumunta sa kabilang kanto para bumili ng takoyaki.




"Isa nga pong bacon." sabi ko sa nagtitinda at agad naman siya nagluto.



"Balikan ko nalang po." sabi ko at umalis agad, nagpunta muna ako saglit sa 7/11 para huminga, hindi ako kumportable sa kanila doon. Kasama na naman kasi noong nagtitinda 'yung tropa niya. Bumili lang ako ng softdrinks para 'di naman masabi na tumambay lang ako dito.




Pagbalik ko, nilalagay na sa styro 'yung takoyaki. Nagbayad agad ako, habang hinihintay ko sukli ko nararamdaman kong nakatingin sakin 'yung mga kaibigan nung guy. Nang iabot niya ang sukli, nag dikit 'yung mga daliri namin. Napansin ko naman ang pag ngiti nung mga kaibigan niya.



"Thank you po." sabi ko at umalis na, that's weird.



Paguwi ko ay kumain na rin ako dahil gutom na ako, hindi ko na alam gagawin ko after kumain. Bakit kasi wala man lang ako kasama rito, wala akong kausap, walang kaibigan. Pakiramdam ko hindi ako tatagal dito. Oo may wi-fi, may cellphone, laptop at tv ako pero iba pa rin may nakakausap.



"Ma, uwi na ako." sabi ko kay mama nanag tumawag siya sa akin.




"Sige sa weekend, uuwi ka na." sagot sa akin ni mama at ibinaba ang tawag.





Sa weekend? Tatlong araw pa? Pagod na ako dito kahit wala akong ginagawa, nakakapagod araw-araw naglilinis, nagluluto, nanonood. Wala akong ibang magawa, malibutan o makausap man lang. Paano nalang kapag lumipat na ako dito, bahay at school nalang ba ako.





See You In Dapitan (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon