04

121 25 16
                                    

Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung pangalan niya, hindi ko na naikwento lahat ng nangyari kay Mika dahil alam kong ipu-push niya lang ako kay Travis.




"Sis mag enroll ako ngayong araw gusto mo sumama?" Tanong sakin ni Mika. "Teka, saan school mo?"  Tanong ko sa kanya.



"Ah diyan lang sa may St. Jude" sabi ni Mika habang inaayos ang form niya, kinakabahan ako. Baka nandoon sila Travis.




"Ha? 'Di ba ang layo no'n sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya.




"Oo sabi ko kay mama dito ako titira hehe, isa pa pumayag din si tita." sabi niya sa akin, galing niya nakapag paalam agad kay mama.




"Ano tara?" Aya ni Mika sa akin kaya tumango ako, nag ayos na agad kaming dalawa. 




Naglakad lang kami ni Mika dahil walking distance lang ito sa bahay, malapit lang din ito sa SM San Lazaro at sa dangwa.




"Uyy Cleo!" Tawag sa akin ni Russel, shit sabi na nga ba ay nandito sila. Kasama niya si Travis, hindi ko alam pero hindi ako maka tingin ng maayos sakanya.




Dahil naka tabi lang ako kay Mika sa pila ay binigyan niya ako na curious look na bakit kilala ako ni Russel. "Ahh, si Travis at Russel pala and?" Tanong ko sa isa nilang kasama, "Jayden" pag papakilala nito.




"Kailan pa kayo naging mag kakilala?" curious na tanong ni Mika at gulat.




"Ano, kahapon" sabi ko at napa kamot ng batok, "kahapon?" gulat na sabi niya.




"Bumili akong takoyaki kahapon then nag punta silang bahay para mag pakilala" sabi ko sakanila.




"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" bulong sa akin ni Mika at nginitian ko lang siya.





"Ahh, Travis, Russel and Jayden. SI Mika friend ko." pag papakilala ko kay Mika.




"Hi, I'm Mika." kumaway si Mika at nag smile, feel na feel ni ante si Russel.

See You In Dapitan (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon