Ngayong araw ang dating nung kaibigan ko na si Mika, galing siya ng Pampanga. Sa Quezon City talaga siya uuwi pero naisipan niya na dito muna tumuloy sa bahay. Kilala naman siya nila mama at ipinagpaalam ko rin muna siya na dito muna papalipas nang gabi. Kanina pa siya before lunch bumiyahe kaya paniguradong pamaya-maya lang ang dating non.
From: Mikay
Malapit na ako.
Agad naman ako ng type nang irereply sa kanya.
To: Mikay
Sa Cristobal Street Dapitan Road ka mag pababa don sa may 7/11
Tanaw sa malayo na nakikipag away iyong nagtitinda sa kaibigan niya siguro, iyon 'yung mga kasama niyang tumambay doon 'pag hapon. Pagka-dating ko doon ay nakita ko yung nag titinda na nakikipag-away sa kaibigan niya, hindi nga mali ang aking nakita sa malayo.
From: Mikay
Dito na ako, nakita na kita.
Text ni Mika kaya hinanap kaagad siya nung mata ko, nakita ako nung nag titinda kaya napahinto siya sa ginagawa niya. Susuntukin na sana siya ng kaibigan niya pero nakita nito si Mika kaya napahinto din.
"Miss you." sabi sakin ni Mika at yumakap kaya yumakap din ako sakanya, umayos naman ang dalawa ang nag punta sa stall nung nag titinda.
"Prim, nasayo ba yung lighter ko?" Tanong nung nag titinda sa may lalaki na mas matanda sakanya, siguro ay kuya niya.
"Oo, eto oh." sabi nito sabay abot sakanya.
"Tangina ka, nakipag-away pa ako kay Russel." sabi nung natitinda, so Russel pala yung pangalan non.
"Sa susunod kasi, alamin mo muna bago ka nakikipag away." sabi nito sa kapatid niya sabay batok.
Ako namang abnormal nag pipigil ng tawa sa isang gilid, lighter nalang ba naman pag aawayan pa. Iba talaga kapag may topak.
BINABASA MO ANG
See You In Dapitan (Under Editing)
Teen FictionCleorine is from the province who vacationed in Manila to gain experience there before moving out. She met a new friend who became close to her, but she had to say goodbye because she would continue her studies in the province before going back to...