Chapter 1
7pm
8pm
9pm
*Ring*
Sawakas uwian na! Salamat naman at antok na antok na talaga ang utak at mata ko.
“Karlla, ingat sa pag-uwi!!” sigaw ni Mark na feeling close. Naging school mate ko sya nung highschool pa kame. Feeling close siya dahil hindi kami close pero nag fefeeling. Kaya nga tinawag na feeling close e.
“Oh, Ikaw din.” Sagot ko na parang walang gana, naantok na nga kasi ako.
Naglakad na lang ako pauwi. Kasi pag sumakay ako ng jeep baka makatulong ako at lumagpas ako sa bahay naming.
Ako nga pala si Karlla De Leche. Oo, alam ko iniisip niyo. Weird ang pangalan ko. Sanay na ang tenga ko sa pang lait sa surname ko, kaya okay lang na asarin niyo ako. Kakaunti na lang naman ang nang-asar sakin, kapatid ko(pareho lang naman kame ng surname pero nangangasar, adik ata un) at bestfriends ko(Rhea and Janine). 1st year college palang ako sa XYXX University. Oo, weird na naman yung name, pero wala pa naman akong nakikitang weird dito.
Sana wala.
Sa paglakad ko pauwe madadaanan ko yung playground na medyo madaming puno sa paligid. Doon ako nag pupunta kapag pinapagalitan ako ng mama ko.
“Oh My Gulay!!” bulong ko sa sarili ko.
Grabe! May couple na nag lalap-lapan. Sorry sa term pero ganun nakita ko ehh. Yuck. Kadiri. Lalagpasan ko na sila kaso biglang nagsalita yung lalake.
“Sabi ko naman sayo break na tayo! Hindi kita mahal at lalong hindi kita minahal!” naiinis na sabi nito. Showbiz ito!
“No! you just kiss me! That means that you love me right? Right??!” Aba engleshera si ate!
Umatras ako ng kunti para hindi ako makakaabala sa away nila at para panuorin ko rin. Tiningnan ko mabuti yung babae. Nagmamakaawa talaga sya ng bongga! Tinitigan ko naman yung lalake. Baka sobrang pogi or sobrang yaman kaya patay na patay sakanya yung girl.
Aba! Schoolmate ko to ah! Pareho ng logo ang mga uniform namin that means pareho kami ng school. Di ba? Tama ako!
Hmmmmm. Bakit parang nag-meet ang mga mata namin nung boy? Baka guni-guni ko lang yun. Guni-guni nga lang ba yun or talagang papalapit lang siya sakin, nakangiti pa.
BINABASA MO ANG
The Curse (LOL.xD) ON HOLD
Fantasi>>Ito po yung naumpisahan kong ‘’The Curse(LOL.xD)” Na delete ko po yung story ko di ba? Hehehee. Stupidity talaga. Well anyways read, read, read and read! Salamats! :)))>NO SOFT COPY! >ON HOLD STORY<< love: (GoodBeelzy) KeiPink