Chapter 6

16 6 0
                                    


Airy's PoV

Malaki ang office ni Tito, halos bawat side ay mayroong books, kung hindi ako nagkakamali, nabasa na n'ya 'to lahat. Panay detective books ang mga nakikita ko kaya sure ako masasagot ang katanungan ko dito.

"Oh, anong kailangan mo, ija?" Tanong agad ni Tito Whys.

"Uhm, I need your help, Tito" sagot ko naman. Mahirap kasing kalabanin ang kuryosidad ko. Sa kagustuhang kong malaman, e, magpapatulong na 'ko kay Tito.

"Sure, ano 'yun?" Tanong n'ya kaya sinabi ko sa kan'ya ang tungkol sa aking natanggap na message at pinakita ko sa kan'ya ang mga numbers na 'yun.

"Madali lang 'yan, ija. Kita mo 'yang numerator? Hindi 'yan nalampas sa tatlo kasi columns 'yan sa keyboard. 
Sa 1st column ay may letter QWERTYUIOP, sa 2nd columns naman ay may leter ASDFGHJKL, sa 3rs naman ay ZXCVBNM." Mahabang paliwanag ni Tito. So it means, may hidden message nga 'to? Pero parang ang labo parin sa 'kin. Argh! Pahirap talaga 'to.

"Let's crack the code" sabi n'ya habang ako ay tahimik na nakamasid sa isinusulat n'ya.

"We need to match the numbers in the code with letter"
Sabi n'ya at muling pinagpatuloy ang pag susulat.

1/6, 1/9, 1/7, 1/4, 1/3, 3/7, 1/8, 3/6, 1/3'

Y    O    U     R    E.    M      I    N     E

What the hell?!

"You're mine?" Sabi ko nang magkatinginan kami ni Tito.

"Yes, mukang may naangkin sa'yo, ija" natatawang sabi ni Tito. So, yeah. Confirm may hidden message nga s'ya.

The heck!? Sino ka ba talaga Kyle?

"Omygosh! Ikaw na ghorl!" Sabi naman ni Shin. Hindi kaya s'ya rin 'yung nararamdaman kong nagmamasid kanina sa coffee shop? Pero pa'no kung hindi? Argh!

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Shin.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko kay Tito. Geez, hirap naman nito. May unaangkin na pala sa 'kin, 'di ko pa alam. Hindi pa nga 'ko nakakamoveon kay Stynx tapos may ganito? Meganorn?

"Simple, ichat n'yo mo s'ya gaya ng pakikipag usap n'ya sa'yo" sagot naman ni Tito.

Nagkatinginan naman kami Shin. Mukang may balak 'to, tsk tsk mga ngiting 'yan alam na. 'Di man kami magusap sa salita pero para kaming nag uusap sa mata at ngiti. Weird right?

"Okay, Thankyou Tito" sagot ko naman. Tumango naman s'ya pag katapos ay ngumiti.

Tinignan ko naman si Shin pagkatapos ay kinausap ko s'ya gamit sa mga mata.

"Dad, labas na kami ni Airy" buti naman nakuha ang sinabi ko haha! Talent ata naman 'yun, tingin pa lang alam na.

"Okay, if you need anything, don't hesitate to ask me" sagot naman ni Tito. Pag katapos ay bumalik na s'ya sa swivel chair n'ya.

Nginitian ko na lamang si Tito pag katapos ay lumabas na kami ng silid. Dumeretso kami ni Shin sa garden nila.

Makulay ang garden. Maraming bulaklak pero 'di ko lang alam kung anong klaseng mga bulaklak ito. Umupo kami sa may bench ng garden nila.

"Kilala mo ba s'ya?" Tanong ni Shin.

"'Yun na nga, e. Hindi ko s'ya kilala" sagot ko naman. Bakit ba masyadong agaw atensyon sa 'kin si Kyle?

"You know what, ichat mo na s'ya ngayon na" sagot n'ya

"Ano naman sasabihin ko?" Tanong ko naman. Alangan naman sabihin kong 'I'm yours' tsk! Nakakadiri.

"Edi...I'm not yours hahah! Nabasa ko kasi nasa isip mo, you know nakamana na siguro ako kay Dad. Pwede na ba 'kong maging Detective?" For real? As in nabasa n'a talaga? Geez, mahirap pala mag tago dito kay Shin. Muka ngang naturuan s'ya ng Dad sa ganitong bagay.

"Pwede na rin haha!" Sagot ko nalang. Pag katapos ay kinuha ko ang phone. Inopen ko ng messenger ko para mamessage ko si Kyle.

To: Kyle Del Valle

'1/8, 3/7, 3/6, 1/9, 1/5, 1/6, 1/9, 1/7, 1/4, 2/2'

Pag ka type ko ay sinend ko na ito sa kan'ya. Gaya ng sinabi ni Shin 'I'm not yours' ang sinabi ko.

"Anong sabi?" Tanong naman ni Shin.

"Kakasend ko lang, Shin. Atat ka naman haha!" Sagot ko. Nag intay ako ng mga ilang minuto pero wala pa din itong reply.

"Tagal, ah" sabi ni Shin. Magrereply pa kaya 'yun?

"Uwi na muna 'ko, kung ayaw n'ya mag reply edi wag haha" sagot ko. Baka nando'n na din sila Mama.

"Okay, pahatid na ba kita?" Tanong n'ya.

"No need, by the way. Tomorrow, ah?" Sabi ko. Paano kaya ko makakapag move on neto kung ako mismo ang nagiging tulay nila?

"Yeah, sure ingat ka!" Sabi n'ya.

"I will" sabi ko pagkatapos ay naglakad na.

Nang makarating na 'ko sa labas ay nag antay na 'ko ng masasakyan. Sana naman may dumaan na.

Hanggang sa may tumigil na taxi sa harap ko kaya naman sumakay na 'ko.

Sinabi ko na sa driver ng address ko. Ngunit habang nasa byahe, parang may kakaiba sa tingin ng driver sa'kin. What's with you?

Tingin s'ya ng tingin, gosh! Alam kong cute ako pero baka maaksidente kami, psh!

Hindi ko na lamang s'ya pinansin bagkus ay tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa kalsada.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na 'ko sa bahay. Ibibigay ko na sana ang bayad ngunit pinigilan n'ya 'ko pagkatapos ay lumabas s'ya taxi.

Anong gagawin mo?

Tanong ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang bawat kilos n'ya.

Hanggang sa buksan n'ya ang pinto kung saan ako nakaupo.

Naguguluhan ako sa bawat kinikilos n'ya pero minabuti ko na lamang na bumaba na baka kung ano pa ang mangyari sa 'kin.

Pag kababa ko ay sinara na n'ya ang pinto.

Ngunit bago s'ya pumasok sa driver's seat ay ngumiti s'ya sa 'kin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kan'yang ginawa ngunit bago pa 'ko makapagsalita ay mabilis n'ya itong pinaadar palayo sa 'kin.

Bewitching smile...

Who the hell are you?

~~~

Hello, I'll just wanna share this with you guys!

So, I asked my Boybestfriend from RPW on how to move on.

Then he said that "If you want to forget those feelings, you must replace it with another feelings"

I hope it will work with you guys :3

Thanks to your advice, Ian ❤

HAPPY READING!❤

Hidden ThornsWhere stories live. Discover now