Chapter 20

9 3 4
                                    

Airy's PoV


Mabilis na lumipas ang isang linggo na lagi lang akong nakamasid kay Ajax kahit sa malayo. At parati ko rin silang nakikitang mag kasama noong babae kaya naman naiinis ako! Gosh! Bakit ba umabot sa ganito? Ginusto ko 'to, sinabi kong tigilan n'ya 'ko pero bakit ang sakit? Akala ko ay magiging masaya ako kasi tinigilan n'ya na 'ko pero bakit ganito?

"Hoy! Tulala ka d'yan!" Sigaw sa 'kin ni Shin.

Nandito kami ngayon sa bahay nila. Day off ko ngayon at naisipan kong dumalaw sa bahay nila dahil naiinis ako kapag nakikita ko sila Ajax kasama ang haliparot na babaeng 'yon, tsk.

"Hmm, mukhang broken, ah? Come on, tell me." Usal n'ya. Sasabihin ko ba sa kan'ya? Ang ipinagtataka ko eh, nababasa n'ya ang mga naiisip ko, naisip kaya n'ya na gusto ko si Stynx? Wait... No. I admit gusto ko s'ya noon.

Yes, finally. I don't have feelings for him because there's another person that I want.

Ikinuwento ko ang lahat sa kan'ya ang bawat detalye tungkol sa amin ni Ajax.

"If I were you, I'll make a move." Saad n'ya. "Hinintay lang siguro ng tao na pansinin mo s'ya ulit, kasi nga sabi mo tigilan ka n'ya. Pero ikaw 'tong gaga, may pag sabi ng ganoon hindi naman pala kayang panindigan." Mahabang usal n'ya. Ang hirap talaga mag desisyon kapag naguguluhan. Akala ko noon gusto ko pa rin si Stynx pero hindi ko alam nahuhulog na pala ako sa kan'ya. Argh.

"A-alam m-mobang gusto ko dati si...S-stynx?" Nauutal na sabi ko ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon n'ya. Hindi ba s'ya nagulat?

"Tsk, alam ko." Gulat akong napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya. Alam n'ya? Pero bakit hindi n'ya sinabi sa 'kin. Natatakot ako baka maapektuhan ang pagkakaibigan namin dahil sa pag amin ko.

"P-paano?" Tanong ko naman.

"Alam mo kahit hindi mo sabihin halata naman sa kilos mo, jusq. Pero still, hindi naman ako nagtanim ng galit sa 'yo, actually gusto ko na ngang ipaubaya s'ya sa'yo. Pero may gusto ka nang iba right?" Hays, biglang gumaan pakiramdam ko dahil sa sinabi n'ya. Atleast settle na ngayon.

"Yes, si Ajax na ngayon ang gusto ko." Nakangiti kong sabi. Ang sarap sa pakiramdam, dati may pag tanggi pa 'ko na gusto ko s'ya pero ngayon aminado pa 'ko, gosh!

Umuwi na 'ko matapos ang mahabang chismisan namin ni Shin. Ngayon kampante na ako sa nararamdaman ko. Malinaw na sa 'kin na si Ajax ang gusto ko. Ang hindi ko lang matanggap ay 'yung babaeng kasama n'ya. S'ya ba 'yung babaeng sinasabi n'yang ikakasal sa kan'ya? Pero ang sabi n'ya ay dapat ako 'yun.

"Hey, mag popropose na 'ko ngayon kay Blyth."Gulat akong napatingin kay kuya dahil sa sinabi n'ya at kitang kita ko ang pag kislap ng mga mata n'ya. Patay na patay kay ate Blyth.

"Seryoso ba 'yan?!" Tanong ko sa kan'ya at mabilis naman s'yang tumango. Mukhang excited s'ya,

"Sa'n ba? Pwede sumama?" Nakangiting tanong ko. Alam kong moment nila 'yun pero duh gusto ko naman makaranas ng kiligin.

"Aba syempre, bihis ka. Kasama naman sila mama at papa." Tuwang tuwang sabi n'ya. He's happy...

Mabilis akong nag bihis at nag ayos ng sarili. Lumabas na din ako ng kwarto at nadatnan ko si Kuya na palakad lakad halatang kabado.

Hidden ThornsWhere stories live. Discover now