Chapter 31

9 2 0
                                    

Airy's PoV

Habang inuubos ang inorder namin ni Vic ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman tinignan ko ito at nakita kong tumatawag si Ajax, agad ko itong sinagot.

"Hello.?" Bungad ko.

"Sino ang kasama mo?" Madiin niyang pag kakasabi. Pa'no niya nalaman na may kasama ako? Iginala ko ang aking paningin dahil sigurado akong nandito lang siya malapit sa pwesto namin. Ngunit hindi ko ito nakita.

"Uh, kaibigan ko lang." Mahinahong sagot ko naman kaya naman napatingin sa 'kin si Vic.

"Are you sure? You're making me jealous, baby." Sagot niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa isiping nag seselos siya. Oh, boy...

"Shh, calm down. Mag kaibigan lang kami." Sagot ko naman. Pagkatapos ay sinenyasan ko si Vic na kailangan ko nang umalis at mabilis naman siyang tumango.

"Nasa'n ka?" Tanong ko sa kanya, inilibot ko ulit ang aking paningin sa paligid hanggang may nakita akong mercedes at alam kong kotse niya 'yun. Ibinaba ko na ang tawag at mabilis na pumunta sa pwesto niya. Agad akong pumasok sa kotse niya.

"Damn, I am looking for you in the office and here you are meeting other guy." Naiinis niyang wika at malamig na nakatingin sa 'kin. Gosh! Pa'no ba 'to?

"U-uh, kaibigan ko lang siya." Depensa ko naman. Iniiwas ko na aking tingin dahil ko na kayang makipagtitigan sa malamig niyang tingin.

"Why are you two together?" Pag uusisa niya. Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang totoo o hindi. Ayokong malaman niya ang mga hakbang ko.

"H-hindi naman importante 'yun." Palusot ko naman at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Umigting ang panga niya at bumigat ang paghinga.

"Tell me the truth." Buo at madiin niyang pag kakasabi habang madilim na nakatingin sa 'kin. At aaminin kong nanindig ang balahibo ko sa ipinukol niyang tingin. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito, sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang ako kinabahan.

"A-ah m-may p-pinagawa lang ako sa kaniya." Nauutal kong sagot at mabilis na umiwas ng tingin.

"About what?" Tanong niya. Gosh! Bakit ba hindi ko siya matiis, mukhang mapapaamin ako ng hindi oras.

"M-my plan." Kinakabahang sagot ko naman. Nararamdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Then tell me about your plans." Mahinahong sagot niya at dahil do'n ay nagkaro'n ako ng lakas ng loob na tumingin ulit sa kan'ya. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"H-hindi ako papayag na ikasal ka kay B-Benzyl, kaya gumawa ako ng plano." Parang batang paliwanag ko sa kaniya. Sinabi ko na rin sa kanya dahil ayoko rin na may tinatago ako sa kan'ya, he's my partner.

"Ofcourse, I will not allow that to happen, you're the one I wanna marry, baby." Malambing niyang wika pagkatapos ay bigla na lamang niya ako niyakap na para bang mawawala ako sa tabi niya. Kaya naman mabilis akong yumakap pabalik sa kaniya.

"I'm sorry." Bulong niya.

"Okay lang." Mahinahong sabi ko naman. Dahil sa yakap niya ay nagawa kong kumalma. At siya lang ang tanging nagpapakalma sa 'kin kaya hindi ako papayag na maagaw pa s'ya sa 'kin.

Hidden ThornsWhere stories live. Discover now