Chapter 7

18 6 0
                                    


Airy's PoV

8pm na pero hindi parin ako makatulog. Iniisip ko pa rin kung sino 'yung driver kanina ng taxi.

Dumating nadin sila mama at kuya pagkarating ko kanina, buti nalang nauna 'kong umuwi.

Napalingon ako sa table sa tabi ng kama ko ng tumunog ang phone ko. Kaya naman ako'y tumayo upang tignan kung ano ito.

Si Kyle...

From: Kyle Del Valle

'You already cracked the code, my baby.'

Baby!? The hell?

Kapal naman ng mukha nito na tawagin akong baby, psh!

To: Kyle Del Valle

'Baby your face!'

Ano bang meron sa taong 'to? Masyado n'yang ginugulo ang isip ko, tsk!

From: Kyle Del Valle

'How's my drive, baby?'

S'ya 'yun?!

To: Kyle Del Valle

'Ikaw 'yun?!'

From: Kyle Del Valle

'Yes, my baby'

Ibig sabihin, s'ya ang driver ng sinakyan kong taxi. At s'ya si Kyle.

Kaya pala gano'n na lang ang pagtitig n'ya sa 'kin kanina. S'ya rin kaya ang nag mamasid sa 'kin? Gosh! May stalker na pala 'ko!

Minabuti ko na lamang na hindi s'ya replyan dahil nasusuka ako sa endearment n'ya sa 'kin.

Ibabalik ko na sana ang phone ko sa side table ngunit biglang nagchat si Stynx.

From: Stynx ❤❤❤

'Successful ba?'

Oo nga pala, may plano kami bukas. Ang sakit naman nito, tanga ko rin dahil kahit nasasaktan na 'ko patuloy parin ako.

To: Stynx ❤❤❤

'Yes'

'Yun na lamang ang sinabi ko at ibinalik ko na ang phone ko sa table.

Matagal ko ng kilala si Stynx, high school pa lang 'yan close ko na s'ya. Marami na kaming memories together, hindi n'ya alam na may pag tingin na 'ko sa kan'ya na higit pa sa pag kakaibigan.

Kasalanan ko siguro 'to, lahat kasi ng bawat kilos n'ya binibigyan ko ng malisya. Akala ko kaya lagi s'yang nasama namin ay dahil gusto n'ya 'kong makasama ngunit mali pala ako,

Si Shin pala ang gusto n'yang makasama.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata para matulog kaysa mag isip ako ng bagay na alam kong masasaktan ako.

~~~

Maaga akong nagising dahil kailangan kong mag apply ng trabaho sa Doubozet Enterprise. Its already 6am in the morning.

Nakakain na'ko at nakapag ayos na ng sarili. Si mama at papa palang ang gising, si kuya naman ay 'di pa nalabas ng kwarto n'ya, baka tulog pa.

Nagpahatid na 'ko kay papa dahil baka malate pa 'ko. Mahirap na baka 'di pa 'ko tanggapin.

Wala pang isang oras ang byahe dahil malapit lang naman ito sa 'min.

Nang makarating na kami ay bumaba na 'ko pagkatapos ay binati muna n'ya 'ko bago umalis kaya naman nagpasalamat na lamang ako.

This is it...

Bago ako pumasok ay napatingala ako sa sobrang taas ng building na ito. Malaki rin ang parking lot nila, balak ko sana mag park kaso naalala ko wala pa akong ipapark haha!

Pumasok na 'ko sa loob ng building.

"Hello, Ma'am mag a-apply po ba ka'yo?" Tanong ng babae na nakauniform, binasa ko ang ID n'ya Natalie Roxas.

"Uhm, yes po" sagot ko naman.

"This way, Ma'am" sabi n'ya kaya do'n ako nag punta.

Buti na lang at maaga akong pumunta dito kakaunti pa lamang ang pila.

~Minutes passed~

Sunod na 'kong tinawag kaya naman mabilis ako tumayo pero parang iba ang direksyon ko? Iba ang room ng pinasukan ng ibang aplikante, bakit dito ako?

Sinundan ko na lamang ito at pumasok na lang sa loob.

"Good Morning, Sir" bati ko sa lalaking nakatalikod mukang may inaayos atang papeles. Dahan dahan s'yang humarap hanggang sa nagtama ang aming paningin.

Teka, parang pamilyar

Parang nakita ko na s'ya pero hindi ko lamang maalala kung saan.

Ang perpekto ng mukha n'ya, ang mga labi n'yang mapula, ilong n'yang perpekto ang hugis, mga mata n'yang kula asul, at ang ngiti n'ya... Bewitching smile.

Tinignan ko kung may name na nakalagay sa table n'ya para naman kilala ko s'ya. At meron nga! Lakas ng dating ng pangalan n'ya. Ajax Colins Dobouzet.

Para 'kong napipi, hindi ako makapag salita sa nakikita ko. Ngunit pinilit ko paring magsalita.

"U-uhm, m-mag aaply po -

"You're hired" putol n'ya sa sasabihin ko. Wala pa nga 'kong sinasabi hired na agad? Ano 'yun? Dahil lang sa cute kong muka, hired na automatic? Tsk tsk tsk!

"Agad agad?" Tanong ko sa kan'ya.

"Yes, you may start tomorrow" Wow, just wow. Napaka swerte ko naman ngayong araw, Thankyou Lord! Hihi.

"Thankyou, Thankyou, Sir!" Masayang kong sabi.

Akala ko ay mag sasalita pa s'ya pero hindi, bagkus ay tumango s'ya at NGUMITI! Shit! Feeling ko namumula na ang pisngi ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko, hindi normal. Ngiti lang 'yun, Airy! Gosh! Bakit ganon?

"Uhm, baka matunaw na 'ko, Miss" shet! 'Di ko napansin na matagal na pala 'kong nakatitig sa kan'ya! Pero may taglay din s'yang kayabangan, ah? Tsk tsk tsk!

"Sorry" sabi ko sabay labas ng office n'ya. Gosh! Napahiya ako do'n, ah!

Sa kakamadali kong lumabas ng office n'ya ay 'di ko na napansin na nakabunggo na pala ako.

"God! Tumingin ka naman sa dinadaan mo!" Sigaw sa 'kin ng isang babae. Sa itsura palang n'ya ay mukha itong mayaman. Anong laban ko dito?

"Pasensya na.." Sabi ko pag katapos ay tumungo na lang ako.

"At bakit galing ka sa office ni Ajax ko?!" Mataray n'yang tanong. Ehh, sa do'n ako pinapunta, e! Sabi ko na lamang sa isip ko. Tsk! Akala mo naman kung sinong mayaman.

"Nag apply ako ng trabaho" deretsong kong sumagot.

"You're lying! Sa next door ang room ng mga aplikanteng mahirap gaya mo!" Sigaw n'ya sa 'kin. Dahil sa sinabi n'yang 'yon ay parang sasabog ako sa galit.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Maawtoridad kong utos sa kan'ya. Hindi porke't mayaman sila ay mamaliitin na n'ya ang gaya ko. Daig pa n'ya ang walang pinag aralan.

"Why would I? Dapat sa 'yo sinasampal!" Akmang sasampalin na n'ya ko ay biglang may pumigil sa kan'ya.
Nang lingunin ko kung sino 'yun ay walang iba kundi si Sir Ajax.

"Don't you dare hurt her." Buo at maawtoridad n'yang sabi. Nagulat ako dahil sa ginawa nito at gayun din ang babaeng balak sumampal sa 'kin.

"But Ajax-

"I SAID DON'T YOU DARE!" Halos manindig ang balahibo ko sa lakas ng pag kakasabi iyon ni Sir Ajax. Nagdulot iyon ng takot sa 'kin. Maging ang mga nagtatrabaho ay napatigil ng ginagawa dahil sa sigaw na 'yon.

Bakit ganoon na lamang ang galit mo, Sir Ajax?

~~~

HAPPY READING!❤



Hidden ThornsWhere stories live. Discover now